Thirteen

4 0 0
                                    

"Babe are you alright?" bahagya siyang tiningnan ni Gio at inabot ang kamay niya.

"Yeah i'm fine" sagot ko dito. "Nakatulog naman ako ng ilang oras kanina" dagdag ko pa.

Kakadating ko lang ng Pilipinas kaninang umaga at muntik ko na nga icancel ang flight ko dahil sa biglaang meeting. Pero pinilit ko parin makauwi. Today is Penny's birthday, dalawang taon ko nang namiss ang birthday nito at nagtatampo na ito sa kanya. Madalas kasi ay may mga paintings akong kailangang tapusin kaya hindi ako nakakauwi sa araw mismo ng birthday nito.

It's been three years since that night happened. Madami na ang nangyari at madami na din ang nagbago sa buhay ko. Gio is now my boyfriend, we've been together for two years at malaki ang naitulong niya sa akin. After the exhibit he offered me a business in London. We export handicrafts and paintings. Lahat ng iniexport namin ay galing sa

Every month ay bumabalik naman ako ng Pilipinas and i stay atleast for a week depende nalang kung busy kami ni Gio. I am very grateful to have Gio by my side. Nung mga panahong kailangan kong makalimot ay siya ang tumulong sa akin. He knew everything, wala akong dapat na itagao sa kanya. While we were in London ipinagpatuloy niya ang panliligaw sa akin and suddenly i fell in love with him.

It's already ten in the evening nang marating namin ang bahay nila Penny. Sa labas palang ay maririnig na agad ang tugtog na nagmumula sa party. Hindi ko inaasahan na madaming tao ang nandoon, akala ko ay simpleng party lang. As we walk through the garden i saw familiar faces. College friends and some are highschool classmates. All of them are Pennys friends hindi naman kasi ako friendly or i must say i am not approachable unlike Penny. But i'm happy to all of them, parang may mini reunion.

"Moly?!"

Napalingon ako ng may babaeng tumawag sa akin. She's with that big smile and i smiled back.

"Oh my God, you're still gorgeous as ever" sabi nito sabay halik sa pisngi niya.

"So are you" sabi ko naman. She's Betsy, college friend namin ni Penny. Like me, anak din siya ng politiko kaya nga nagkakaintindihan kami sa madaming bagay.

"How are you? After the controversy i haven't heard any from you. Well, sabagay sa Batangas na kasi ako nag-stay for almost two years now. You know i have to support my husband, ang hirap pala maging asawa ng politiko" natatawang sabi nito.

Hindi parin siya nagbabago, napakadaldal parin. Hindi na ako magtataka kung dumating ang araw na tumakbo na din ito.

"Yeah, i've heard Luis won as the Governor" sabi ko naman.

"Thank God" sabi naman nito. "Buti nalang may appointment siya sa Malacanan kaya ako nandito sa Manila. And here i am" napabaling ito kay Gio. "Is he your boyfriend?"

Hinawakan ko sa braso si Gio saka ipinakilala kay Betsy.

"Please take care of her" sabi ni Betsy.

"With all my heart. Now that she's mine i won't let anyone take her away from me" sabi naman ni Gio.

Tiningnan ko si Gio, i know hindi ako nagkamali sa naging desisyon ko. Though some might say that he's a rebound dahil hindi ko naman talaga nakakalimutan pa si Stephen but i already love him. Gio is now my present and maybe my future.

Tila ba kinilig naman si Betsy sa sinabi ni Gio. "How sweet...naku Moly kaunti nalang lalaking ganyan"

"I know" natatawa ko namang sabi. Sa totoo lang ay madaming babae ang nagkakandarapang mapansin nito. Sino ba naman ang hindi makikipag-agawan para dito? Mayaman, mabait, galing sa respetadong pamilya at ang itsura parang si Freddie Prince.

LOVE POTIONWhere stories live. Discover now