CHAPTER 1
Rheanna's POV
Ang saya ng araw na ito! Paano naman kasi binigay na ni mommy yung allowance ko for this month. At syempre pa, matagal-tagal ko na ring tinitignan sa stall ng cellphone shop si 'roidy' hehehe (roidy yung tawag niya dun sa android phone na gustong gusto niya bilhin).
"Rheanna, umuwi ka ng maaga huh. May pupuntahan tayo mamaya." Sabi ni mommy na bahagyang nakataas yung kilay. Nakita niya yata yung napakalaking smile ko pagkaabot niya ng allowance ko.
"Pero mom, may lakad po kami nila Trisha mamaya. Saan po ba tayo pupunta?" wrong timing naman 'tong si mommy eh, bakit kaya? medyo badtrip kong sagot. Ayoko ipahalata na naiinis ako kasi baka magalit si mommy at bawasan yung allowance ko.
"Basta, hihintayin kita dito ng 4:30, okay?" umalis kaagad si mommy pagkasabi niya nun.
"Hi! Rheanna." Malambing na bati sa akin ni Trisha ng makita niya ako.
"Hello." Tamad na sagot ko. Nagulat na lang ako ng lumanding na yung kamay niya sa may braso ko. Hindi naman masakit pero nagulat ako. "Aray!! Ano bang problema mo?" naiiritang sabi ko kay Trisha.
"Hay naku! Ang aga-aga kasi bad trip ka agad. Ano ba nangyari?" sabi ni Trisha na parang tinatantya kung galit ba ako.
"Hay! Wala! Hindi tayo tuloy mamaya, sabi kasi ni mommy umuwi daw ako ng maaga." Tuluy-tuloy na sabi ko habang naglalakad kaming dalawa papunta sa classroom namin ng biglang... "Ay, put.." muntik na akong mapamura ng masagi ako ng isang lalaking hindi ko kilala. "Hoy! Bulag ka ba? May mata ka 'di ba?! Bakit hindi mo ginagamit?" bulyaw ko sa lalaking magsosorry sana pero hindi ko na pinansin. "Sa susunod wag kang lalakad-lakad na parang ikaw ang may-ari ng daan!" mariin ko pang sabi.
"S-sorry miss, hindi ko naman sinasadya eh. Pasensya ka na tal.." hindi na niya tinuloy ang sinasabi niya ng maramdaman niya yung strawberry juice ko na binuhos ko sa kanya.
"Sabi ko wag kang hahara-hara sa daan. Ano magagawa ng sorry mo? Eh nabangga mo na ako?!" asar na asar kong sabi sabay martsa papunta sa room.
Aerjon's POV
"Hay." Yun na lang ang nasabi ko ng maiwan akong mag-isa pagkatapos akong buhusan ng juice nung babaeng hindi ko kilala. Actually, hindi ko naman kasalanan na nasagi ko siya. Medyo narrow kasi yung hallway at may nakalagay namang sign na Keep right, at nasa right side naman ako. Bigla na lang nagalit yung babae, nagsorry naman ako pero binuhusan niya parin ako ng juice.
"Ohh! Aerjon. Anong nangyari sayo?" Magkasalubong ang kilay na tanong ng best friend kong si Arnold.
"Wala, pre. May nakabangga kasi akong babae kaya natapunan ako" seryosong sabi ko sa kanya pero napansin kong nakangiti siya na parang nang-aasar. Kaya tinanong ko siya "Bakit?"
"Hahaha paano naman kasi may nakabangga ka pero mula ulo hanggang paa yang basa mo!" nakakalokong sabi ni Arnold.
"Tama na nga yan. Pupunta na lang muna ako sa locker para magpalit." Sabi ko tapos naglakad na akong paalis, sumunod naman sa akin si Arnold.
Rheanna's POV
"Class, let me introduce to you your new classmate, Aerjon Genesis Fuentes." Cheerful na pagkakasabi ng adviser namin. Nagkukwentuhan kami nina Trisha at Jelaine kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras na tumingin. "Aerjon, do you want to say anything?" dugtong pa ni ma'am.
