Ngayong week, Walang kwenta ang mga mangyayari. Basta puro Adviser lang ang makakasama namin this week tapos everyday, ibat ibang activities.
Ngayon, nagturo si Maam ng kung anong eklabush, tapos Activities narin.
Hahaha kanina, Yung mga kaklase ko, naiiyakan na. Kung ano-ano kasing pinagsasabi ni Maam, Yan tuloy umiyak sila. About yun sa realizations sa buhay. Samantalang ako, Pokerface lang. Nang matapos yung eklabush na yun. Ang lungkot ng mga kaklase ko, samantalang ako. Malungkot kasi iniisip ko kung bakit hindi ako umiyak, Bakit wala ako sa mood habang nagsasalita si Maam ㅋㅋㅋㅋ
Tapos nang awasan na, Akala ko ako lang yung ganun. Tapos nung sinabi ko sa kanila na baka kaya hindi ako natouch kanina kasi hindi ako makapagFocus kasi nahihilo ako kapag nakatayo tapos nakapikit, Biglang nagsalita si Koyang crush ko last year na pareho kami. Ayiee pareho kami hahaha Muling ibalik na ba dis? ㅋㅋㅋ djk lang Pero nakakatuwa na may kapareho pala ako na ganun yung kalagayan. Akala ko ako lang ang weird e
Kaloka, ulan talaga ng ulan ngayon ㅠㅠㅠ Wala pa naman na akong payong. Nangungulila ako sa payong ko. Yan tuloy, laging naaambonan -.- Baka magkasakit niyan ako. Hays Yung Payong ko talaga! T.T
Ang boring ng araw ko! Buti nalang nakikita ko lagi si Panget ♡ Aish Lande hahaha Pero ang saya kasi kahit papano, napapalapit na ako sa kaniya :)
BINABASA MO ANG
Dear Bangtan Boys pt. 1
Teen FictionHi! Newbie lang po ako bilang Army :) Ginawa ko ito, para mailabas ang gusto kong sabihin sa Bangtan at mga experience ko bilang Army :) Sana magtagal ako, Sana dumami tayo at Sana mas lalo pang tumagal ang Bts ❤ I love you all ❤