"No matter how you revisit the past, there's nothing new to see."
STELLA
Halos paliparin na ni Mccoy ang pagmamaniho sa kotse marating lang kami agad sa kinaroroonan ni Oman.
"Stella relax ka nga lang," komento ni BJ na nakaupo sa backseat.
Hindi na ako tumugon pa, ganito rin ang naramdaman ko nang papunta kami sa hospital nang mabalitaan namin ang aksidente ni Oman.
Pagkarating na pagkarating namin sa isang bar, pansin agad namin ang dami ng tao. Nang mapatingin ako sa may kilid, may nakita akong naka-park na kotse ng pulis. Agad kong binilisan ang aking mga hakbang papunta sa loob ng bar.
Dahil sa dami ng tao sa loob ay pinilit ko na lamang ipag siksikan ang aking sarili hanggang sa mahanap ng aking tanaw ang kinaroroonan ng kaibigan ko, nakaupo s'ya sa isang sulok habang pinagitnaan ng dalawang pulis. Pansin ko rin ang duguan n'yang pisngi at mga pasa sa mukha, nakatingin lang s'ya sa sahig habang kinukwestyon ng mga pulis. Sa di kalayuan naman ay dalawang lalaki na pasa-pasa na rin ngunit aktibong nakikipagnegosasyon sa mga pulis.
"Pare, ok ka lang ba?" agad na tanong ni Mccoy nang malapitan namin si Oman.
Hindi pa man tuluyang naiangat ni Oman ang kanyang mukha ay agad na kaming hinarangan ng pulis.
"Kilala n'yo ba 'to?" tanong nito.
"Of course. His our friend." agad na sagot ni BJ.
Hindi ako nakakibo , tiningnan ko lang ang kaibigan ko. Nakatingin pa rin s'ya sa di kalayuan, ni wala nga siguro s'yang pakialam na nandito kaming mga kaibigan n'ya.
"Nasaan ang mga magulang nito?"
"Bakit?" tugon ni Mccoy.
"Kailangan namin s'yang dalhin sa presento para magawan ng lekramo. Ang laking gulo ang dinulot n'ya dito."
"T-Teka lang ho, ba't naman prisento agad? Di ba pwedeng pag usapan yan?" tanong ni BJ.
"Doon na lang s'ya magpaliwanag." maikling tugon ng pulis at agad dinampot sa kinauupuan si Oman na hindi man lang umiimik. I noticed how he grimaced in pain when the police grabbed his injured arm. But he didn't said a word, he didn't reacted, it is as if he didn't care after all.
Tahimik ako buong byahe namin habang nakasunod kami sa sasakyan ng pulis papuntang prisento. Kung ano'ng pag-aalala ang naramdaman ko kanina ay kabaliktaran naman sa inis na nararamdaman ko ngayon. Walang imik pa rin si Oman habang kinikwesyon ng pulis nang makarating kami sa istasyon, nakaupo lang s'ya dun at hanggang pagtango at pag-iling lang ang itinugon. Sa kagustohan kong ipagtanggol s'ya ay nawalan na ako ng gana at tahimik lang habang tinitingnan s'yang sinisira ang buhay n'ya.
"GOD DAMMIT!!!" sigaw ng daddy ni Oman matapos n'yang masuntok ang anak sa harapan naming mga kabanda n'ya. Nakauwi na kami sa bahay nila at kung hindi dahil sa daddy n'ya ay pansamantala sanang makukulong si Oman.
"Ito na lamang ba ang kaya mong gawin, ang ipahiya ako??!" bulalas ng daddy n'ya ngunit ngumisi lang si Oman na lalong nagpagalit sa tatay n'ya.
"Tito tama na po," pag awat ko nang mapansin ko ang pag angka nitong pag suntok ulit kay Oman.
Napa-buntong hininga si tito nang tingnan ako.
"If not because of your friends, hinayaan na sana kitang mabulok sa prisintong yun," pilit na pagkalma ni tito sa boses n'ya, "If this is the life you wanted, then so be it. Siguradohin mo lang na hindi ka magsisisi sa huli." pagtatapos nito then left.
Katahimikan ang sandaling bumalot sa aming apat nang umalis ang daddy ni Oman. Hindi pa rin kami magawang tingnan ni Oman sa oras na yun.
"Bro call us next time kung lalabas ka para hindi ka napapahamak ng ganyan." pahayag ni BJ, breaking the ice.
"Umuwi na kayo." pag tugon ni Oman.
"Ang yabang," natatawang komento ni Mccoy sa tabi ko.
"Anong sabi mo?" pag react ni Oman.
"Ang sabi ko, ang yabang mo. Kami na nga ang namamalasakit, kami pa 'tong---"
"Bro, awat na!" pag-tigil ni BJ.
"Well then, thanks but no thanks. Di ko kailangan ang awa n'yo." natatawang tugon ni Oman.
"At sinong nagsabi na kinakaawaan ka namin? Hindi ka nakakaawa Oman, nakakatawa ka."
"Eh sira ulo ka pala eh!!" inis na tugon ni Oman na umangkang sumugod kay Mccoy.
"TAMA NA PLEASE!!!" pagharang ko kay Oman at sa unang pagkakataon nagtagpo ang mga mata namin. Hindi pagkainis ang nakita ko sa mga mata n'ya sa oras na yun kung di ang sakit. Gusto ko s'yang yakapin para malaman n'ya na hindi s'ya nag iisa, na nandito pa rin kaming mga kaibigan n'ya.
"Kung kaibigan ko kayo, sana maintindihan n'yo na gusto ko sanang mapag-isa." pag-iwas n'ya sa mga tingin n'ya sa akin. "Di ko kayo kailangan. Kaya leave." pagtatapos nito at naglakad palayo sa amin.
"Oman!!" paghabol ko sa kanya sabay hawak sa braso n'ya para lingunin ako.
"Stop pushing people away. Bumabalik ka naman sa dati--"
"Ano bang pakialam mo, hah Stella?" irita nitong tanong nang ialis ang braso n'ya. "Mahirap ba talagang intindihin na gusto ko munang mapag-isa? Kailangan ko pa bang magmakaawa sa inyu na iwan n'yo muna ako?"
"Pero hanggang kailan Oman? Isa, dalawang linggo? Isang buwan? Hanggang kailan ka namin pagpapasensyahan hah Oman?" naluluha kong tanong. Hindi s'ya nakatugon. "Hindi lang ikaw ang nawalan Oman, nawalan din kami ng kaibigan, nawalan din ng anak ang mga magulang n'ya. Hindi LANG ikaw ang nasasaktan Oman."
"Stop acting like you understand my pain Stella." natatawa ngunit inis nitong tugon. "Hindi mo ako maiintindihan dahil hindi ka pa nagmamahal. And oh wait, hindi ka pala marunong magmahal. Kaya't you better shut up."
At tuluyan ko nga s'yang nasampal kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. He deserved it. Yung pag aakala kong kilala na n'ya ako, pero hindi pala. To hear those words coming from your bestfriend felt like you are not good enough for him to say that.
Napahawak lang s'ya sa pisngi n'ya at ngising tiningnan ako. "I deserved that right?"
Hindi ako nakatugon at pinunasan lang ang luha ko.
"Stella, let's go." bulong sa akin ni Mccoy nang malapitan ako. "Magkakasakitan lang tayo dito."
"Sarili mo lang ang iniisip mo," galit kong pahayag kay Oman. "Napaka-sarili mo."
"Please leave. All of you." tanging tugon nito at tuluyan s'yang naglaho sa aking paningin.
And who could have thought that argument of ours will be our last time seeing each other?
After that night, I tried to live a life giving him what he wanted, a space. Mahirap sa akin lalo na't nakasanayan ko nang lagi s'yang kasama. We also lost our job at the bar dahil tuluyan na ngang di sumipot si Oman sa mga gig namin. We tried to rebuilt, sinubukan naming bumuo ng musika na hindi kasali si Oman ngunit the weight of having all the vocals on me is so damn hard na nahirapan kaming humanap ng ma-tugtugan na bar. Everything is hard not having Oman around. I thought it just temporarily.
But until one day, nabalitaan na lamang namin na tuluyang na lamang naglaho na parang bola si Oman.
"Wag n'yo akong hanapin. I'll be fine. -Oman." his handwriting on that piece of paper he left on his bed.
---------------------------------------------
a/n: Oman is such a jerk. haha
BINABASA MO ANG
Two Dimensions
FanfictionWhat if the world we live in is not the only universe? What if an alternate universe exist where people you lost actually lives... ...and the chances you never had might actually be given? What if there's two different dimensions but with the...