Chapter 4: Jealous?

52 2 7
                                    


Miracle's

It's been 4 days since that day na nakasama ko si Aaron sa rooftop.
Well, di ko na ulit siya nakikita. I think, medyo salungat ata yung schedule namin. Aww.

"Penge nga yellow pad!" Tinaasan ko naman ng kilay si Tristan at inirapan siya.

"Wow. Galing California, anak ng sikat na business tycoon, walang yellow pad? Gosh." Iniwas ko yung papel ko sakanya at nagsimula ng magtake ng quiz.

Nakita ko naman sa pheriperal vision ko na nanghingi siya sa likod ng papel. 'To talaga oh.

Well, Tris is also an accountancy student. Dati siyang engineering kaso tinamad daw siya, so ang bagsak niya dito. Ewan ko ba.

"Damot mo ah. Kala mo diyan, tss. Bahala ka!" Napairap naman ako lalo. Para talaga siyang bata eh 'noh. Hay.

Look, sino ba naman hindi maiinlove sa ugali niya? Sa looks niya? Sa skills at talents niya? Nasakanya na nga talaga ang lahat.

Well, exempted ako.

Aaron is enough.

"Di na talaga kita bati." Napalingon naman ako sakanya. Tss, parang bata talaga. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy na sa exam.

After taking the exam at after kaming idismiss, nagmadali na akong ligpitin yung gamit ko para sana makatakbo na sa canteen. Uwaah, baka maubusan ng NOVA! Huwaaaah.

Tumakbo agad ako palabas ng room at dumiretso sa canteen. Pumila na agad ako sa bilihan ng junkfoods. Yaaay.

"Ano gusto mo babe?" Agad akong napalingon.

And I regret doing that.

Huminga ako ng malalim at pinilit na wag isipin kung ano yung nakita ko sa likod ko.

Si Aaron lang naman at yung girlfriend niya. Hindi ko pa nakikita ng maayos yung girlfriend niya. Wala din akong paki. Tss.

"Miss? Ikaw na." Natauhan naman ako at napalingon sa likod. Nakangiti sakin yung Angel at nginuso yung pila.

"Ay shet." Napatakbo na ako sa counter. Nakakahiyaaa! Bwiset. Ugh, ang tanga mo Mira!

"Isa ngang-" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng naramdaman kong may umakbay sakin.

"Dalawa pong minute maid na malaki tapos dalawang Nova atsaka dalawang cupcake po." Napairap nalang ako hearing his voice. Parang tanga talaga.

"Kainis ka talaga! Sabi ko di na kita bati pero wala kang paki. Di tuloy kita matiis." Di ko naman napigilang mapangiti.

Ugh, Tristan! Bwiset ka.

"Pakibilisan naman." Parehas kaming napalingon sa likod namin ni Tris.

Magkaholding-hands sila.

Tsaka ko lang narealize na nakaakbay pa pala si Tris sakin. Agad ko yung tinanggal at umiwas ng tingin.

Aish bwiset! Baka akalain niyang kami ni Tristan. Mauudlot yung Oplan ko. Omgggg!

"Sorry. Tagal kasi ng order." Nakangiting sagot ni Tristan kay Aaron. Kinurot ko naman yung tagiliran niya kaya napa-"aww" siya. Tanga tanga talaga 'to.

"Kyaah. Babe! Ang sweet nila 'no?"

Muntikan na akong lumingon pero hinatak na ako paalis sa pila ni Tris. Dala yung binili namin.

"Para kang baliw. Gustong gusto mo talagang sinasaktan sarili mo eh no?" I just fake a smile at sumunod sakanya. We sit on the nearest vacant seat.

oplan: be mine again [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon