-The Reunion-
Kinagabihan, hindi na ako makatulog. Hindi na ako mapakali, ano nga ba kasing pangalan ng babaeng yun? Binabagabag nya yung isip ko. Paulit-ulit na nagfaflash yung mukha nya sa isip ko, nakahiga sya, nakatulala sa langit. Yung makinis nyang mukha, mahaba nyang buhok, at yung mapungay nyang mga mata na nakatitig sa kawalan; paulit-ulit na lumalabas sa isip ko. (@_@)
Buong linggo nyang binagabag ang isip ko. Ano ba yun? multo? bigla nalang dumating sa buhay ko, tapos bigla na lang ding mawawala? Wala akong alam kahit ano tungkol sa kanya. Pangalan, edad, course, wala; ang alam ko lang, yung itsura nya.
Dumaan ang ilang linggo, papunta na ako sa PE class ko nang makita ko uli yung babaeng madaldal, nakaupo. Tumaas yung mga balahibo ko, tapos bumilis yung tibok ng puso ko. Shemay, kaklase ko sya sa PE! Lecture lang ngayon sa PE namin, dun lang kami sa classroom. Hindi ako makapagconcentrate, nasa harap sya, ako nasa likod. Nakatitig lang ako sa kanya, inoobserbahan ko sya, hindi naman sya mukhang multo tulad ng inaakala ko. Buong-buo sya at nakikipag-usap pa sa iba. Pero iba kasi yung ganda nya, hindi pangkaraniwan.
Ayun, pumasok nanaman sya sa isip ko. Naiimagine ko uli syang nakaupo sa ilalim ng puno, pero this time, parang naka gown sya, tapos may falls sa background, at ang ganda ganda ng paligid, andaming flowers. Nakatitig pa rin sya sa kawalan at parang may malalim na iniisip. What the? ano na bang nangyayari sakin? Nababaliw na ba ako?
Bumalik nanaman sa classroom yung scene sa isip ko. Ayun sya, nakatalikod at nakikinig sa teacher. Nakatulala na ako sa kanya. Hindi ko na naririnig yung teacher. Ay ewan! Galit dapat ako sa kanya. Ang ingay-ingay nya, ang daldal, nakakainis sya, basta! Ahhhh! Naguguluhan na ko! (>//<)
"Ahhhhh!" sumigaw ako.
What the? mali! Lahat sila napatingin sakin, nawirduhan yata. Pati yung teacher namin napatigil sa pagtuturo. Nakita ko yung babae, tumingin sakin, nakangiti. Shemay, napaka-angelic ng mukha nya. (O|O)
"Ahm.. Sorry." sabi ko sa lahat
Nagtawanan sila, oh my nakakahiya. Grabe, nakakahiya (=.=)
Natapos na rin sa wakas yung PE class ko. Pumunta uli ako sa garden para magpahinga, di ko makayanan yung kahihiyan kanina. Pumunta ako dun sa tinambayan ko dati. Laking gulat ko nang makita ko na nandun yung madaldal na babae, ano nanamang ginagawa nya dito?!
"Uy! Hello" sabi nya, habang nakangiti sya sakin.
"Ikaw nanaman?"
"Bakit? anong masama?"
"Wala, ang daldal mo e. Magpapahinga ako dito, dun ka sa iba."
"Ako nauna dito, ako papaalis mo"
"Bilis na! Alis!"
"Manigas ka, kung gusto mong tumambay dun ka sa iba."
"Takte..."
Wala na akong magawa, ayoko na makipagdiskusyon, magulo na yung utak ko.
"Dito ka nalang sa tabi ko" sabi nya.
"Ano ka sinuswerte? matutulog ako, baka chansingan mo ko."
"Aba ang kapal!"
Ayun tumabi na lang din ako sa kanya, wala na ko magawa, pagod na ko masyado. Haha! Humiga ako sa tabi nya, sya nakaupo. Naglalaro sya sa cellphone nya, ewan, isip-bata.
"Nakakatawa ka kanina" sabi nya
Takte pinaalala pa e!
"Ewan ko sa'yo" sagot ko.
"Bakit ka ba biglang sumigaw?"
"Basta."
"Hahaha! Ang weird mo."
Di ko na sya sinagot, pumikit na ako at nagpahinga.
"Oy, peram ng cellphone mo. Oy, gising!" inaalog nanaman nya ako.
"Ano ba yan istorbo. bakit ba?"
"Peram ng cellphone mo"
"Ayaw!"
"Sige na peram!"
"Ano ba gagawin mo?"
"Maglalaro"
"Walang games dito"
"Imposible"
"Wala nga, dinelte ko lahat"
"Weh... peram na please?"
Ayan nanaman, as usual, yung pouty lips nya. Pucha ang cute! ansarap pisilin nung cheeks nya. Pero hindi ako patatalo. Di ako papaapekto.
"Please?" sabi nya.
Ayan, smile with beautiful eyes naman ngayon. Ang cute pa rin! Pero hindi parin ako papaapekto. Di ko sya pinansin.
"Please? sige na?"
Humiga sya, niyakap nya ako. yung ulo nya nasa dibdib ko. Chansing!!
"Ano ba yan! Takte, chansing ka ah!!" sabi ko
"Chansing ka dyan! Gusto mo rin naman!"
"Ang kapal!"
"Peram na kasi ng phone mo!"
Nakayakap pa rin sya sakin.
"Tsk, umalis ka na nga dyan. Kukunin ko na"
"Yehey!"
Ayun bumangon sya at umupo. Pinahiram ko yung phone ko.
"Wow andaming laro! Sinungaling ka talaga!" sabi nya
Di ako sumagot. Tiningnan ko lang sya habang naglalaro.
"Oh bakit ganyan ka makatingin?" sabi nya.
"Wala, baka itakbo mo yang phone ko e"
"Hala ang sama! Mukha ba kong magnanakaw?"
"Oo, ninakaw mo yung puso ko." pabulong kong sinabi
"Ha?"
"Wala.."
Ang baduy ko! haha! Bakit ko nga ba sinabi yun? May tama na ba ako sa kanya? Panibago nanaman bang crush? Shemay. Oh baka, naiinlove na ko sa kanya?
BINABASA MO ANG
Hello Stranger [Completed]
RomanceMaaari mo bang magustuhan ang isang taong alam mong ginagamit ka lang? Maari mo ba syang mahalin kung alam mong aalis din sya at mawawala? Maari ba kayong magka-inlaban kahit hindi nyo alam ang inyong pangalan? tunghayan ang isang nakakakilig na kwe...