Chapter 29

587K 20.1K 4.5K
                                    



DAYS HAVE PASSED, like on and on.  At ang kakulangan sa buhay ko ay patindi nang patindi.

Each day felt like a repeat of the day before. You know, same shit different day. Napapagod na akong maghintay sa wala. I'm all here, and I'm ready pero wala pa ring Lander na nagpapakita sa akin. Tapos alam kong matatagalan na naman ang pagtawag niya after nitong huli. Ganoon kasi palagi. Nakakalungkot at nakakasawa. Gustong-gusto ko na talaga siyang makita.

And then one day, may nag-doorbell sa condo ko. Halos himatayin ako sa kaba dahil kahit marami na akong kakilala rito sa America ay wala pa akong pinadalaw na kahit sino dito sa condo ko. Imposible rin namang si Kia ito dahil tamad ang babaeng para pag-aksayahan akong dalawin ng ganitong oras. I came up to the point na hindi ko alam ang gagawin ko. Ito na siguro yung surpresa na pinakaa-aasam-asam ko.

Napapikit pa ako bago ko buksan ang pinto. Kamuntik na akong mapaiyak nang mabungaran ang isang babae.

"Hello, sweetheart!" The woman was smiling. May mga bitbit itong paperbags. "Sobra kitang namiss."

"M-Mom?"

Lumapit agad sa akin si Mommy Camilla at niyakap ako nang mahigpit.

Kahit paano ay naibsan anghungkag sa dibdib ko. Malungkot ako, pero hindi na gaano dahil nakita ko siya.Sobrang na-miss ko rin kasi si Mommy.  

"Baby ko... ang baby ko..." Pinupog niya ako ng halik sa buong mukha.

Masaya ako na nakakasama ko na siya sa minsanang pagdalaw niya. Kahit pa nasa Pilipinas siya ay madalas ang pagtawag at pagse-send niya sa akin ng e-mail. Pero may kulang pa rin. Lumipas ang mga taon, and I've found myself constantly asking, bakit niya pa rin ako itinatago sa mga Montemeyor? Sa mga kapatid at higit lalo sa ama ko? Bakit niya ako lihim na dinala rito sa America para pag-aralin sa loob ng limang taon? Gusto niya ba muna na ihanda ako bago ko makaharap ang buong angkan namin? O baka naman may alam siya na hindi ko alam dahil may pakiramdam akong mayroon siyang itinatago?

"Are you ready?" She asked. Ang tinutukoy niya marahil ay iyong pag-uwi namin sa Pilipinas. She always told me na magugulat ang lahat. Pero hinay-hinay lang daw, marami pa rin siyang kailangang ayusin.

Tumango ako.

Ginagap niya ang mga kamay ko at pinisil. "Prepare your things. Tomorrow, we'll leave."

Hindi ko alam pero nakadama ako ng matinding sakit. Once na tuluyan na akong makabalik sa mga Montemayor ay malabo na kami ni Lander. Montenegros are our greatest enemies, and having a relationship with them is impossible.

Bumulong pa sa akin si Mommy matapos niya muli akong yakapin. Hilam sa luha ang kanyang mga mata. "Napakasaya ko, bunso... napakasaya..."

...


"LOLA PEACH..." Nagulat ako nang may magdoorbell ulit. Akala ko si Mommy na pero nang buksan ko ang pinto ay si Lola Peach pala. Ito ang unang beses na dinalaw niya ako rito. Iika-ika siyang pumasok. Napatingin agad siya sa mga bagahe ko pagdating niya sa sala.

"Nakow, eh ngayon ka na ba uuwi ng Pilipinas?"

Napayuko ako. "Plano ko nga po kayong daanan ngayon bago kami pumunta sa airport." Inalalayan ko si Lola Peach. Sobrang tanda na kasi niya at nirarayuma na. "Paano niyo nga po pala nalaman ang place na ito? Saka sana nagpasundo kayo. Paano kung napaano kayo sa daan?"

"Hay, naku! Di ba noon mo pa sinabi sakin ang lugar na ito. Hindi lang ako makadalaw at nirarayuma na ako." Umupo siya sa sofa. "At saka kaya ko pa ang sarili ko. Malakas pa aré!"

"Eh, paano po yan, Lola? Ngayon na po ang alis namin ni Mommy. Tumawag na po siya sa akin na papunta na raw po siya rito."

"Naiinis ako, hija, dahil coated ng chocolate ang mani sa M&M."

Anong sinasabi niya?

"E hindi ko naman manguya iyon dahil wala na akong ngipin kaya sinisipsip ko na lang tas iniipon ko iyon."

Naalala ko tuloy iyong mani na nakain ko sa mangkok. At iyong mani na nasa supot na hindi ko sinasadyang maiwan sa kotse ni Kia. Nabalitaan ko na lang na nilantakan na ni Kia iyon.

Ngumiti sa akin si Lola. "Sorry, hija, nagsinungaling ako."

"Okay lang po. Alam ko naman na po iyong tungkol sa mani."

"Hindi iyon." Bigla siyang sumeryoso. "Na alam ko kung nasaan si Ser Lander."

Gulat akong napatitig sa mukha ng matanda. "A-alam nyo po kung nasaan siya?"

She nodded as her tears began to fall. "S-siya ang nagpa-aral sa'yo, hija. S-siya ang gumagastos ng lahat ng pangangailangan mo. G-ginamit niya ang natitira niyang pera para makatapos ka. S-siya rin ang bumili ng condo na ito para sa'yo."

Bigla na lang ang naghina ang mga tuhod ko. Na para bang hindi ako kumain ng isang linggo. Ang buong akala ko ay si Mommy Camilla ang gumagastos ng lahat para sa akin!

"Hija... koneksyon, kapangyarihan at salapi ni Ser ang dahilan kaya maayos ang buhay mo ngayon. Siya rin ang tumutulong sa mommy mo para madalas kang madalaw rito na hindi nalalaman ng mga Montemayor."

"B-bakit inilihim niyo po sa akin ito?" may bikig sa lalamunan na tanong ko.

"D-dahil ayaw ipaalam ni Ser."

"P-pero bakit? I don't understand! Nasaan siya? Gusto ko siyang makita at makausap!"

"Aviona... hindi niya sinasabi sa'yo kung nasaan siya dahil ayaw niyang mag-alala ka, ayaw niyang isipin mo pa siya. Gusto niyang mabuhay ka ng masaya, malaya at makamit ang mga bagay na matagal na ipinagkait niya noon sa'yo."

"N-nasaan po siya, Lola? N-nasaan po ang asawa ko?" Nanginginig ako. Natatakot akong malaman kung nasaan nga ba talaga siya.

Matagal bago nakasagot si Lola. "H-hija, nakakulong si Ser Lander."

Tila bomba ang impormasyon na iyon na sumabog sa harapan ko.

Dito na nag-umpisang maglandas ang mga luha ko. Bigla ang pagsalakay ng realisasyon. Kaya pala bihira siyang tumawag sa akin. Kaya pala hindi ko siya ma-contact kapag gusto kong marinig ang kanyang boses. Kaya pala hanggang ngayon ay wala siya. Kaya pala walang nakakaalam kung nasaan ba siya.

"P-patawarin mo ako, hija. Sumuko si Ser sa mga awtoridad noong araw na magkahiwalay kayo. Dahil iyon lang ang paraan para mailigtas ka niya. Iyon lang ang paraan na sinabi sa kanya ng kapatid niya na si Kyo... ang pagbayaran niya ang mga kasalanan niya sa batas."

Parang sasabog ako. Gusto kong umiyak nang todo. Kailangan kong makauwi ng Pilipinas or else ay mababaliw ako. I have to see him, I need to see him! I don't care anymore kung pagbawalan ako ng aking angkan. Maparusahan man ako o kung ano man ay wala na akong pakialam.

"Inubos niya ang natitira niyang salapi para pagbayaran ang mga taong na-agrabyado niya. Isinakripisyo niya rin ang samahan na pinaghirapan niyang pagyamanin. At ang ibang salapi niya ay ginamit niya para sa'yo... para maging maayos ang buhay mo bago ka man lang humarap sa pamilya mo."

Nanginig ang mga kamay ko nang hawakan iyon ni Lola Peach.

"Hija, iyon lang rin ang paraan para bumaba ang hatol sa kanya at para mailayo ka niya sa kapahamakan. Kailangan niyang isiwalat ang lahat ng impormasyon sa triad at ipagkanulo ang lahat ng mga kasosyo niya na humahabol sa kanya. Inilagay siya sa special witness protection program pagkatapos noon dahil mas dumami ang gustong magpatumba sa kanya. Sa mismong headquarters siya ng Saavedra Phoenixes Agency ikinulong."

The doorbell suddenly rang. It's mom, I was sure. Dali kong binitbit ang aking gamit subalit inawat ako ni Lola Peach. 

Hindi ko alam ang isasagot sa kaniya dahil nasaktan ako. How will I tell her na nasugatan niya ang puso ko? Blangko ang aking mukha ng lampasan ko siya.

"Bigyan nyo lang po ako ng time." Pagkalapit sa pinto ay dali ko itong binuksan.

Binuksan ko ito para lang tingalain ang isang lalaki.

Isang lalaki na nakapagpahinto ng pag-inog ng aking mundo. His blue eyes met mine. His perfume made me almost lost myself. It's just like everything went in slow motion.

Tigagal akong nakanganga sa harapan niya. "L-Lander..."


JAMILLEFUMAH

@JFstories

His Indecent Proposal: Lander MontenegroWhere stories live. Discover now