Chapter Eighteen
Ashea's POV
"Hey Jonela. I heard about the little mess a while ago. How was it?" Ngingisi-ngisi kong tanong kay Jonela. Wow, natutuwa lang talaga ako at hindi yun dahil sa naging masama siya sa paningin ng iba kundi naging matapang na siya.
Mas masarap kasi sa pakiramdam na alam mong pwede ka nang magrelax ng kaunti kasi yung taong pinoprotektahan mo ay natuto nang ipaglaban ang katarungan na matagal na dapat niyang nakamtan.
"Hindi naman sa ganun ate Ashea. Alam mo ba yung tipong obvious masyado sila kapag nagsisinungaling? Nakakainis. Amputa."
O____O
"Sobra. Nakakainis talaga ang mga sinungaling," sabi ko, "Oh teka lang ha. Processing pa ang utak ko," di makapaniwalang sabi ko. At hindi dahil sa pagsisinungaling nila kundi sa ibang bagay. Wtf
"Bakit?"
"Did you just cussed?! Omg. Jolena, umm.. Okay na yung naging palaban ka pero wag mo na akong gayahin sa pagmumura, ha?" Nahihiya kong sagot. Naku! Feeling ko tuloy naging bad influence ako --,"
"Masarap pakinggan eh." Balewala niyang sagot.
"Anong masarap? Napakasarap-- Ay teka, ano ba ang pinagsasabi ko! Anyway, bad yan, okay? Good ka parin pero medyo naging maldita na pero okay na yun. Wag mo nang gayahin ang mga karantanduhan ko. I'm a bitch, remember?" With gestures ko pang sabi. Di kasi bagay sa mukha niyang magmura eh. Alam mo yun? Yung ang cute cute niya tas nagmumura pala? Nakakaturn-off yun! Samantalang ako, bagay sa mukha ko. Talbog ko na kaya ang mga bruhang nakakasalamuha ko pano pa kaya pag nagsalita ako? Edi kabog na kabog ko na sila.
"Oo, alam kong bitch ka ate Ashea. Di ko yun makakalimutan ano ka ba. Nakaplaster sa mukha mo ang pagiging masungit at prangka mo eh. Osya, babawasan ko nalang. Mga 10 na mura sa isang araw, ayos ba?" Jusko! Nakuha pa akong idaan sa negosyo. Pero sige, pagbibigyan ko para masaya. Bwahaha. Wala eh, nasa lahi ko ang pagiging masama.
"Osige sige. Payag na ako tutal maganda ak--." Ay bastos. Pinutol ba naman sinabi ko :/
"Hoy hoy. Wag bastos. Kumakain ako. Baka mabilaukan ako 'pag pinagpatuloy mo yang pinagsasabi mo. Tsaka, pakikonek ng sinasabi mo sa susunod ha?" Aba! Kung di ko lang 'to kaibigan, kalbo nato.
"Excuse me Jonela ha pero truth hurts nga diba. Sayo pa mismo nanggaling 'to ha. Kapag sinabi kong maganda ako, mabibilaukan ka. See? Truth hurts talaga." Mayabang kong sabi. Wala eh, pinalitan ko ang kahanginan ng bagyong Yolanda.
"Teka, anong ekspresyon yan?" Inis kong sabi. Eh kasi naman, di siya umimik pero nag-iba ang facial expression niya. Yung mukhang bored, ba?
"It's called as whatever-epression."
"Wow naman Jonela. Naging matapang ka lang, naging matalino pa. Eh ba't di ko naranasan 'yan? Makaimbento 'to oh. Suntokin kita eh." Sabi ko tsaka nag-amba ng suntok na parang naghahamon.
"Ibigsabihin nun eh mahina utak mo. Sige nga. Sample-an mo braso ko-- tanginangkabayongrainbow!" Paghahamon niya na nauwi sa sigaw. Sa tingin mo, anong ginawa ko?
"Ba't mo ako sinuntok bigla ate Ashea?!!" Sigaw niya habang hinihimas ang braso niyang sinuntok ko. Marami na ang nagreklamo sa mga suntok at hampas ko. Napakasakit raw kaya proven na masakit talaga. Bwahaha >:)
"Jonela naman! Sinuntok kita sa braso at hindi sa ulo! Kaya imposibleng makalimutan mo na hinamon mo ako at ang sinabi kong ginagawa ko ang sinasabi ko?" Nagpipigil ng tawa kong sagot. Nakakatawa palang makitang naiinis si Jonela! Haha. Namumula pisngi niya tsaka lumalaki ang maliliit niyang mata. Laughtrip lang! XD
Di na siya sumagot tsaka nag'tss' lang at tumayo na at naglakad palayo habang hinihimas parin yung parteng sinuntok ko.
"Hahahah sorry babes!" Sigaw ko habang tumatawa at hawak-hawak ko ang tiyan ko at nakaupo sa bench kung saan kami nag-uusap kami kanina.
"Babes my ass!" Sabi niya tsaka pinakitaan pa ako ng dila niya.
"Tago mo 'yan! Hihilain ko 'yan pag naabutan kita bwahaha!" Tsaka ako tumayo at tumakbo patungo sa kinatatayuan niya.
"Te-teka lang! Time-out muna ako! H-hoy!" Tumakbo na rin siya nung malapit na ako sakanya.
Naghahabulan kami kahit saan kami mapadpad habang nagtatawanan kami. Gulat na gulat nga yung mga ibang students na parang ngayon lang sila nakakita ng magandang nakatawa! Panay ba naman ang titig sakin --,
"Stop running, Ms. Reed and Ms. de Ocampo! It's prohibited in the school grounds!" Sita samin nung teacher na mataba't pangit.
"What?! Wag kang KJ noh! Mas pumapangit ka 'pag galit! Halika! Sali ka samin para mabawasan naman 'yang katabaan mo hahaha!" Sigaw ko pabalik sakanya at tumatawa parin tsaka hinabol ulit si Jonela papunta sa soccer field.
Bigla naman siyang tumigil at tinignan ako habang nakalagay yung dalawa niyang kamay sa tuhod niya at hingal na hingal.
"T-tama n-na! Hinihingal n-na m-masyado ako! Para tayong mga bata. Hahaha" sabi niya ng putol-putol tsaka humiga sa dumihan.
Tinabihan ko rin siya sa paghiga kahit pa na pareho kaming naka-uniform at nakapalda. Sus! Wala namang maninilip dahil walang practice ang soccer players ngayon.
"Alam mo ate, napakaganda mo talaga kapag nakatawa ka. Nagulat nga ako na malamang may ikakaganda ka pa hahaha joke lang!" Tumatawa niyang sabi.
"Ah ganon? Kahit di kaya ako nakatawa, napakaganda ko na kaya."
"Ang hangin naman! Kumapit ka sa damo ate Ashea at baka matangay ka!" Sabi niya at kumapit talaga sa damuhan =__=
"Tigilan mo 'yan! Para kang baliw!"
"Baliw sayo." Sabi niya tsaka tumagilid paharap sakin habang tinataas-baba ang mga kilay niya.
"Yikes. Ang gandang tomboy mo naman ata Jonela."
"Teka magseryoso nga tayo. Sana lagi ka nalang ganyan ate Ashea." Malambing niyang sabi.
"Jonela, ganito ako dati at dahil sa mga dinanas kong pang-aapi at pagdi-discrimante nila sakin, nagbago ako. Ayos naman ang transpormasyon ko dahil ngayon, may kaaway man ako, atleast, masaya ako dahil di na ako naaapi tulad noon." Pagpapaliwanag ko sakanya.
"Dinanas? Binu-bully ka noon? Wow. That's.. unbelievable." Sabi niya na halos hindi makapaniwala. Ganun na ba ako katapang sa paningin niya na parang wala akong pinoproblema?
"Oo. Bullies' target ako noon dahil lampa ako at di ganun kaganda kumpara sa iba pero ngayon, kita mo ang transpormasyon ko? Halos di nga ako masaktan at mapintas-pintasan ng mga nakakasalubong ko dahil alam na nilang naging matapang ako. I've been through much more than what you have thought, Jonela. Balang araw, maiinitindihan mo kapag di ka na talaga naaapi at buo na ang tapang mo." Sabi ko tsaka tinapik siya sa balikat at inayang tumayo na.
Nagsimula naman kaming maglakad papunta sa main building at naghiwalay na ulit para pumunta sa classrooms namin.
Remember, things aren't what they seem to be. So, be careful.
______
Feedbacks please :")
VOTE.COMMENT.SPREAD❤️
BINABASA MO ANG
Bipolar Bitch
Teen FictionAlmost perfect. Almost perfect lamang ako dahil hindi maganda ang ugali ko. But aside these bad traits I have, I still have a heart that would care and could love. And yes, I'm a bitch. A bipolar one. [Don't judge my story by it's title]