Mizchail POV
Lalaki. Nakaschool uniform. Nakatungo ang ulo sa mga tuhod at umiiyak. Umii-
“Hahahaha”
Shet sorry. HAHAHAHAHA. Bentang-benta lang talaga sakin yung itsura niya xD
Di bagay sa kanya. Mukha siyang lalaking-lalaki though di ko pa nakikita mukha niya tapos kung makaiyak kala mo babae haha.
“Ano ba! Umalis ka na nga!”
Ay ang arte? Lapitan ko na nga. Baka magpakamatay pa to eh.
“Oy sorry na kuya. Eh kala ko naman kasi kapre ka or something. Natakot tuloy ako. Okay ka lang ba?”
“Do I look like okay? Umalis ka na nga! Iwan mo na ko dito!”
Nakng! Pigilan niyo ko. Naiirita na talaga ako!
Mas lalo pakong lumapit sa kanya at pilit iangat ang ulo niya na nakatungo sa mga tuhod niya.
“Wag ka ng magdrama jan kuya! Di bagay sayo! Hoy! Iangat mo nga yang ulo mo! Hoy! …. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! BAKIT GANYAN MATA MO! Kanina ka pa ba umiiyak! Hahahaha!”
Sige na ako na masama. Ikaw talaga Mishang kita mong umiiyak na yung tao pinagtatawanan mo pa. Eh pano ba naman kasi nung inangat niya yung ulo niya, yung mga mata niya halos nakapikit na sa sobrang iyak. Tapos yung muka niya pulang-pula haha.
“Grabe ka. Kanina ka pa tawa ng tawa. Ganyan ka ba talaga? Ang sama mo!”
Sabi niya at tinungko ulit yung ulo niya.
Ouch. Sorry naman L
“Tumawa lang masama na agad? Anong gusto mo umiyak din ako? Eew lang ha. Tumigil ka na nga jan. Wala namang mangyayari kahit bahain mo ng luha ang buong Metro Manila eh.”
Ano daw Mishang? Bakit nasama ang Metro Manila?
“Wala kang alam kaya wag kang magsalita ng ganyan!”
“Eh di mgkwento ka! Lintek ka! Ang arte mo!”
“Di tayo close.”
Aba letse to aa. Siya na nga tinutulungan siya pa maarte. Inhale. Exhale. Timpi lang Mishang. Bumawi ka naman sa pagtawa mo sa kanya kanina.
“Okay fine. Isipin mo bestfriend mo ko.”
Umangat naman yung ulo niya at parang nag-iisip.
“Hoy Kuya! Feel mo naman! May bestfriend ako noh! Kung ayaw mo e di wa-“
“Oh ayan. Close na tayo.”
Close na nga kami. Pano? Niyakap niya lang naman ako. Takte to. Eto pala yung sinasabi niyang close.
“Kuya! Ano ba! Chansing ka na ah!”
“Psh. Bestfriends tayo di ba? Wag kang epal jan.”
Ugh. Ako pa epal? The nerve of this guy! Pasalamat siya iyakin siya!
“Hays. Whatever. Go. Magkwento ka na! wag kang iiyak lintek ka. Pag nagkasipon yung uniform ko humanda ka sakin!”
“Ganyan ka bang bestfriend? Hays……”
“Oo na. Oh? Ano na ngang nang-“
Napatigil ako kasi umiiyak siya. Pero hindi na ko natawa kundi naawa. Grabe siya umiyak. Yung hindi hagulgol pero mararamdaman mo yung sakit. Yung parang ang tagal niya kinikimkim yung sama ng loob niya.
“Sabi niya ako daw mahal niya. Palabas lang daw nila yun para hindi magduda mga magulang niya. Sabi niya aaminin niya din sa papa at mama niya yung tungkol samin basta maghintay lang daw ako…”
“Ang tagal kong naghintay… kung alam niya lang kung gaano kasakit yung nararamdaman ko pag tinatanggi niya ko sa maraming tao. Kung gaano kasakit na hindi ko maipagmalaki sa tao na TANG INA. GIRLFRIEND KO TO! LUCKY ME ? I KNOW RIGHT! Kung gano kasakit na kasama niya yung lalaking yun…”
“Lahat yun tiniis ko. Kaya kong tiisin lahat para sa kanya pero anong makikita ko…ma-may kaha-…halikan siya! PUTANG INANG YAN! SOOOBRA NA SIYA! Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para lokohin lang!....”
Speechless ako dun aa. Hinayaan ko na lang siya maglabas ng sama ng loob dun. Hays. Sabi ko na nga ba babae iniiyakan nito eh.
Pagkatapos niyang magkwento tahimik lang kami dun. Magkayakap pa rin. Siya na parang kumakalma na at ako na poker face. K. Hindi talaga ako magaling sa ganitong bagay T.T
“Feeling better?” tanong ko nang mahimasmasan na siya.
“Mejo. Thank you ha. Hala may sipon na yung uniform mo.”
“WHAAAT? Ano ba! Sabi ko-“
Mas lalo niyang hinigpitan yung yakap.
“Joke lang. Eto naman di mabiro. Haha”
“Talagang walang joke sakin pagdating sa uniform ko! Favorite ko to noh!”
“Hahahaha.”
Baliw ba to? Kanina iyak ng iyak tapos ngayon kung makatawa parang wala ng bukas. Ganito ba epekto ng bigong pag-ibig?
WARNING: Nakakabaliw ang pagkabigo sa pag-ibig! =_=
“Buti naman at tumatawa ka na. Kairita ka pag umiiyak eh. Ang panget mo.”
“Grabe ka talaga. Bestfriends tayo dito diba?”
“Osige na. Pogi ka na pag umiiyak.”
“Yan. Mabuting bestfriend.”
“Okay ka na diba? Pwede itigil na tong yakap thing na to? Baka may makakita pa satin kung ano pa isipin. Kadiri lang.”
Pagkasabi ko sa mga salitang iyon ay saktong pagdating ng babae na halatang galing lang sa kakatakbo dahil pawis na pawis.
“Kei…”
