CHAPTER 19
TULAD NANG NAGDAANG UMAGA, nagising si Faith dahil parang hinahalukay ang tiyan niya. Natagpuan na lang niya ang sarili na nasa loob ng banyo, sa harap ng lababo at sumusuka.
"Ayos ka lang ba, brat?"
Napatigil siya sa pagsusuka at mabilis na napabaling kay Evren. Her eyes slowly widened as she took in his presence. "Evren..."
Nang makita niya ang lalaki na bakas ang pag-aalala sa mukha, biglang bumalik ang alaala ng mga nangyari sa kanya kahapon.
Ang scandal. Ang interview ni Jace. Ang hindi pagsagot ni Evren sa mga tawag niya. Ang pag-uusap nila ni Anniza at ang hindi niya namalayang nakatulog pala siya.
Bakit siya nasa kuwarto ni Evren? Did he bring her here? Was he mad at her? Nandidiri ba ito sa kanya? Isa rin ba ito sa mga taong humusga agad sa kanya?
She had to explain. He had to know the truth.
"Hindi ako 'yon," sabi niya, saka nagmumog at humarap sa lalaki. "Hindi ako 'yon, Evren. Please, maniwala ka naman sa akin. Hindi ako ang babaeng 'yon." Hinawakan niya sa magkabilang kamay ang lalaki. "Believe me, it wasn't me. Hindi ako ganoon, Evren," she was rambling frantically. "Hindi ako ganoong babae. Maniwala ka sa akin. Hindi ako ganoon. Hindi ako ganoon. Hindi ko kayang gawin 'yon. Hindi ako ganoong babae. Maniwala ka sa akin—"
"I know."
Napatigil si Faith at napatitig ang nanunubig niyang mga mata sa lalaki. "Naniniwala ka sa akin?"
"Of course." Yumakap ang isa nitong braso sa baywang niya, saka tinuyo ang basa pa niyang bibig dahil sa pagmumog niya. "I was your first, brat. Sapat na 'yon para masabi kong hindi ka ganong babae." Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "I saw the video and that wasn't you. I even taught you how to blow job me, for goodness' sake."
Mahina siyang natawa, saka kinagat ang pang-ibabang labi. "Hindi ka talaga naniniwala?"
"Nope. I don't. One look and I know it's not you." Hinalikan siya nito sa noo at tumingin sa kanya. "Anyway, enough with that scandal—"
"No!" Napalakas ang boses niya pero agad din niyang hininaan 'yon. "Sorry." Huminga siya nang malalim. "Ayoko lang naman na masira nang ganoon ang pangalan ko na pinangalagaan ko mula pa noon." Naluha siya. "I have to fix this, Evren. Kailangang maayos ko 'to. I have to set interviews. I have to call my manager to help me with the news and—"
"No interviews." Evren cut her off. "Let me handle it—"
"No!" She glared at Evren. "Ako ang sinisiraan ni Jace, Evren! Hindi ako papayag na ganunin niya ako!" Kumuyo ang kamay niya, puno ng galit ang dibdib. "Lalaban ako para sa pangalang pinaghirapan kong buuin sa industriya ng musika. Hindi ako papayag na babuyin niya ang pangalan ko." Tumalim ang mga mata niya. "I felt so down last night, but not anymore." Umiling siya. "Magbabayad kung sino man ang gumawa nito sa akin!"
"At paano mo sila pagbabayarin?" usisa ni Evren na nakataas ang dalawang kilay. "Sa pamamagitan ng interview war laban kay Jace?"
Napipilan si Faith at wala siyang ibang masabi kaya lumabas siya ng banyo at nilampasan ito.
"Mas paguguluhin mo lang ang issue kapag nagpa-interview ka," wika ni Evren na nasa likuran niya.
Pumihit siya paharap dito at sasagutin sana niya ito nang biglang umikot ang paningin niya at nabuwal siya sa pagkakatayo. 'Buti na lang at nandoon si Evren para saluhin siya at alalayan.
"Fuck." Pinangko siya nito, saka mabilis na ihiniga sa kama. "Ayos ka lang ba, brat?" puno ng pag-aalalang tanong nito.
Umiling si Faith. Sinubukan niyang imulat ang mga mata pero agad niya iyong pinikit nang maramdamang umiikot pa rin ang paningin niya. "Shit..." Mahina siyang mura, saka sinapo ang ulo. "Nahihilo ako."
YOU ARE READING
POSSESSIVE 13: Evren Yilmaz
General FictionIn Evren Yilmaz life, everything, and everyone around him had a use and purpose. He was a ruthless lawyer after all, and he didn't get the title "ruthless" for nothing. Para sa kanya, ano ang silbi ng isang tao kung wala man lang siyang paggagamitan...