17 years ago

79 2 0
                                    

17 years ago.

May katagalan narin pala.

17 years ago, wala pang ganitong problema.

Walang bayaran, walang utang, walang gastusin, walang pinagkakaabalahan, walang katext, walang gf, walang konsimisyon, walang inaalala, walang obligasyon or responsibilidad, walang talent, walang gana, walang hiya walang modo, walang kapaguran, stress.

17 years ago kung saan.... nakahiga lang ako at hinihintay na ilabas ng babae ang kanyang malaking hinaharap para ako'y busugin ng katas nito. Katas ng mga iyon na nagbibigay sakin ng kalakasan, sustansiya at lahat ng bitamina na kailangan ko.

17 years ago na kung saan, easy lang ang buhay.. Iiyak lang ako at papatahanin na ko ng magandang babaeng iyon. Lalambingin, bobolahin at ipaparamdam ang isang maalab na pagmamahal.

17 years ago kung saan, laro lang ang lahat " Literal na Child's Play ".

Pag nadapa ka, ibabangon ka ng ama mo na kahit pagod, nariyan at handa kang alalayan para di ka mapano.

17 years ago na kung saan, wala akong ibang inisip.

17 years ago na kung saan, dumi ko lang ang problema nila sakin at pag ako'y gutom, may sakit, may nararamdaman at kung may iba pang dahilan.


Kaso matagal ng panahon..


Mabilis na lumilipas ang panahon.

Lunes lang kahapon, magigising nalang ako linggo na at maya maya lunes nanaman.



Masaya ang buhay, pero minsan nakakabagot.

A Child's PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon