Dylan's pov
Pagkatapos ng kainan ay nagyaya ang mga friends namin na uminom. Light lang naman, tama lang, yung hindi sila malalasing masyado, at makakapag drive pa sila pauwe. Yung ibang kaibigan ng daddy ni lyra or should i say ni dad ay nauna ng umuwe. Tapos si dad nagpahinga na din, masyadong napagod sa pag prepare ng kasal namin. About naman sa pampakalma ni lyra, inilipat na yun sa kwarto ni lyra or should i say sa kwarto naming mag asawa haha ! Ganun din sila mom and dad, umuwe na din sila tsaka si kuya at si tiffany. While perth prefer to stay, gusto niya pa kasing uminom ng alak. Thankful ako kasi kasama ko ang buong pamilya ko sa pinaka importanteng pangyayari sa buhay ko.
Nakapagpalit na din kami ng simpleng damit ng aking mahal na asawa.
Kasalukuyan kami ngayong nakaupo sa pahaba na mesa, hindi ko nga pala nasabi na kasama ng mga friends ni lyra ang kani kanilang mga boyfriend.. Of course except carla. Kasi wala siyang boyfriend hihi peace yow carla ✌✌✌.
Katabi ko ang asawa ko sa kaliwa habang sa kanan ko naman si perth at si carla. Sa harap naman namin sila Ayumi katabi ang boyfriend niyang si Akihiro . Sila Sassy naman at ang boyfriend niyang si Mike ang nasa harap nila carla at perth. And speaking of jake, umuwe siya para lang maka attend sa kasal namin kanina. Haha! Pero maaga din siyang umalis dahil dederetso pa siyang macau for an urgent meeting with the client in behalf of his boss, of course, who would that be? Perth my twin. Natigilan ako sa pagmuni muni ng marinig ko si Ayumi na nagsalita.
" Bes, Congrats talaga hihi! Natutuwa kami para sayo. Right guys?!" basag ni Ayumi sa katahimikan habang pinaglilipat lipat ang tingin kina carla at sassy.
" Yep/Right!" sabay namang sagot nila sassy at carla.
Napapangiti lang sila Akihiro at Mike sa tabi ng mga girlfriend nila.
" Thanks guys! I really appreciate it! I'm so happy because all of you did come to my special day!" nakangiting sabi ni lyra . Napatingin din siya sakin sabay hawak sa kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Pinisil ko naman ito .
"Anyway, Bes yun nga pa lang diary ni ate, pwd ko na bang kunin?!" sabi naman ni carla na deretsong nakatingin kay lyra.
Napansin kong biglang naguluhan si lyra at napakunot noo.
"What? Diary? May binigay ka bang diary sakin? And what am i supposed to do with your ate's diary ?" puno ng pagtatakang tanong ni lyra kay carla.
Napabuntong hininga ako, maaaring nakalimutan na niya ito.
" But i giv- Carla
"Na kay perth pa din yun, you should give it back now perth, carla's here to take it." agaw ko sa sasabihin sana ni carla, paniguradong magtataka sila kung bakit di maalala ni lyra ang tungkol dun gayong, recently lang yun nangyari.
Nakita kong, tumahimik bigla si carla pati na din ang mga kaibigan nila .
" Tsk! Ibabalik ko naman yun eh! Kaso, hindi ko na siya mahanap simula nong araw na umuwe ako sa bahay!" balewalang sagot ni perth sabay tungga sa alak na iniinom niya.
Napabuga ako ng hangin sa narinig.
" What?!! Are you stupid? Why didn't you keep it ? Its important! Yun na lang ang alaala ni ate sakin. Tsk!" naiiritang sigaw ni carla.
" What the heck!! Don't shout at me, and stop calling me stupid because i'm not stupid bitch!" pasigaw din na sabi ni perth .
" And don't call me Bitch because i am not Bitch, you jerk!" nanlalaki ang matang sigaw ulit ni carla.
Napabuntong hininga kaming lahat. Tsk, anu ba yan..
" Hey! Guys! Calm down! Pag usapan niyo yan ng mabuti at tsaka bakit ba kayo nakasigaw ha?! Ang lapit lapit niyo lang. Maghahalikan na nga kayo sa lapit oh! Baka magkatuluyan kayo nyan..right guys?!" nakangiting tukso ni Ayumi sa kanilang dalawa.
Sa totoo lang magkalapit talaga ang mukha nila. Nakita kong napairap sila pareho at lumayo sa isat isa.
Napuno tuloy ng tawanan ang paligid. Tawa ng tawa si lyra sa tabi ko, pati ako di ko din napigilang tumawa dahil sa dalawa. Haha!
" Tsk! Why are you laughing ? Its not funny!" di nakatinging sabi ni perth.
" Yeah right! Why are you laughing like theirs no Tommorow huh? Its not funny either!" crossed arm at nakapikit pang sabi ni carla.
Natigilan kaming lahat at sabay na napangiti dahil sa sinabi nila.
" Whoa! Nagkasundo din kayo! Haha!" nakatawang sabi naman ni sassy.
Natigilan ako ng maramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ni lyra sa kamay ko. Ng tingnan ko siya ay nakahawak na siya sa ulo niya at napapangiwi.
" Uhmn! Guys i'm sorry to say this but lyra needs to rest now. I'll just bring her to our room, but can you wait for me. I'll tell you everything when i get back!" dere deretsong sabi ko sabay buhat kay lyra bridal style. Come on babe! You should rest!" dagdag na sabi ko sa asawa ko na napapangiwi lang habang hawak ang ulo niya. Nang makita kong tumango siya ay agad ko na siyang dinala sa kwarto at inihiga.
Tinungo ko ang lagayan ng sedative at kumuha ng isa. Pagbalik ko sa higaan ay pabiling biling na si lyra dahil sa sakit. Kaya agad ko na siyang tinurukan, ilang saglit lang ay naging okay na ang pakiramdam niya.
Nakapikit na si lyra kaya hinalikan ko na lamang ang noo niya.
Dumeretso ako sa closet at kumuha ng pantulog ni lyra tsaka siya pinalitan. Pagkatapos ay kinumutan ko na siya hanggang sa kanyang dibdib.
Napabungtong hininga ako at muli siyang sinulyapan na mahimbing ng natutulog.
Agad na kong lumabas at agad na binalikan ang mga kaibigan ni lyra sa garden.
🐈🐈🐈🐈🐈🐈🐈🐈🐈🐈🐈🐈
Hey! Sorry sa short UD na to hihi ✌✌✌
Anyway, thanks sa makakabasa nito. If ever hihi 😆😆😆.🐈 Yhen 🐈
BINABASA MO ANG
THE GIRL IN DISGUISED
FanfictionNobody's perfect right? sinong mag aakala na sa isang iglap ang isang Lyra Cassandra Aldeguer na nag iisang tagapagmana ng pamilya Aldeguer ay magiging isang "Simple Lyra Cassandra Aldeguer" a maid in disguised. Tunghayan natin ang buhay pag ibig n...