Epilogue

14.3K 429 142
                                    

Makalipas ang limang taon

Nag-aayos si Maya ng kanyang maliit na carinderia at naghahanda para magsara. Pinauwi niya ng maaga ang kanyang kaibigan at katulong na si Mimi sa carinderia at nagsabing maysakit ang nanay nito.

Naupo muna ito saglit sa isang tabi upang makapagpahinga.

Napagod ito sa araw na iyon dahil pagkauwi nito galing trabaho ay tumulong agad ito kay Mimi dahil marami silang customer noong araw na iyon.

Napatingin ito sa kanyang lamesa at nakita nito ang larawan nila ni Kevin na naka-picture frame pa.

Naalala nito si Mimi nang makita ang larawan ay nagtangon agad ito kung sino ang binata na kasama nito.

"Si Mister Snobbish yan!" sagot nito kay Mimi nang tanungin siya nito.

"Mister Snobbish ang pangalan niyan?" tanong naman ni Mimi sa kanya.

"Oo." sagot naman ni Maya. "Dahil ubod ng suplado yang taong yan." dagdag pa nito.

"Parang pamilyar ang mukha niya." wika pa ni Mimi. "Parang nakita ko na yan somewhere else." patuloy pa nito.

"Tigilan mo nga ako, Mimi!" wika naman ni Maya. "Basta gwapo eh nakita mo na." patuloy pa nito. "Haliparot na beki ka talaga!" dagdag pa nito.

"Kaya hindi ka pa nagkaka-jowa eh!" sabi naman ni Mimi. "Napaka-demure mo kasi." patuloy pa nito. "Bakit kasi hindi mo pa sagutin yung Brando, ang ganda-ganda mo nga at nililigawan ka pa nun!" dagdag nito.

"Naku noh, alam ko naman na peperahan lang ako ng lalakeng yun!" sagot ni Maya. "Akala niya ba hindi ko alam na siya yung ex nung beki dun sa parlor sa may bayan?!" patuloy nito. "Naikwento sa akin nung beking yun kung paano siya pinerahan ng lalakeng yun nang malaman niyang pinopormahan ako." sabi pa nito. "Natuwa nga ako at mabait yung beking yun, akala ko nga kakalbuhin ako nang malaman na ako yung pinopormahan ng ex niya." dagdag pa nito.

Natawa naman si Mimi sa sinabi ni Maya.

"Ikaw na ang Diyosa ng kagandahan." sabi pa ni Mimi.

Napangiti na lamang si Maya nang maalala ang tagpong iyon.

Bumuntung-hininga na lamang ito.

"At saka hindi pa ako handang umibig ulit." sambit ni Maya sa kanyang sarili habang nakatingin sa picture frame. "Mukhang hindi na ako iibig pang muli tulad ng pag-ibig ko sa'yo, Mister Snobbish." 

Lalo tuloy nitong naisip si Kevin.

"Kumusta ka na kaya, Mister Snobbish?!" tanong ni Maya sa kanyang sarili.

Pagkauwi nito sa kanilang probinsya ay hindi na ito nagparamdam sa mag-ama na sina Ricardo at Kevin.

Kinuha nito mula sa kanyang wallet ang binigay na business card ni Ricardo at tinignan ito.

Ilang beses na siyang muntik na tawagan si Ricardo upang kumustahin ang mag-ama ngunit pinigilan nito ang kanyang sarili dahil nanindigan talaga ito na putulin na ang koneksyon sa pamilya, lalo na kay Kevin.

Naalala nito ang mga pinagdaanan nang umuwi ito sa probinsya.

Dahil sa naipong pera, nakakuha ng isang maliit na mauupahan si Maya.

Natanggap rin agad ito sa bagong bukas na kumpanya sa kanilang probinsya. Sikat na sikat ang kumpanyang ito sa Maynila at nang malaman nitong magbubukas ito sa kanilang probinsya ay nag-apply agad ito.

Dahil sa angking talino at nakapagtapos sa dekalibreng eskwelahan ay natanggap agad ito bilang IT Technician.

At nang makaipon ng sapat na pera ay nakabili ito ng maliit na lupa at nakapagpatayo ito ng maliit na Bungalow Style na bahay at nakapagtayo ng maliit na carinderia sa tabing bahay nito.

Stuck with Mr SnobbishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon