CIM.19 - War

103K 3.4K 274
                                    

Kinuha ako ni Gonzalo mula sa bahay namin sa Alauli. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin but we have been driving for hours now. Iniisip ko si Rafael na duguan ang bunganga at umaaray sa sakit habang hinahatak ako ni Gonzalo palabas ng bahay namin. Sapilitan niya akong isinakay sa kotse at pinasibad ito na para bang mauubusan kami ng daan.

Nakakaramdam ako ng takot dahil hindi siya nagsasalita habang nagmamaneho. I was staring at him.

"Saan mo ako dadalhin?" I asked him. Hindi pa rin siya kumibo. "Saan?!"

"Wala ka na doon?!" He hissed at me. "God, Maze?! Why did you tell him that you have a small --- god!" Nahampas niya pa ang manibela.

"Ah bakit? Hindi ba common knowledge na iyon? Maliit akong babae kaya maliit dn ang pekpek ko?!" I hissed back. Lalo yata siyang nagalit dahil makailang beses niyang hinampas ang manibela tapos ay inihinto niya ang kotse. Nasa gilid kami ng NLEX. Bumaba siya kaya sumunod ako. Palakad – lakad siya at sinasabunutan ang sarili niya habang bulong nang bulong. I was just looking at him.

"Baliw!" I shouted. "Naiinis ako sa'yo. Alam kong may ginawang mali ang Tatay ko sa'yo pero bakit dumating sa point na kailangan mong maghiganti sa kanya at sa pamilya ko? You're not the Gonzalo I once fell in love with. You became a monster just like Eos Demitri." I stated. Hindi ko alam kung saan galing ang lakas ng loob ko pero alam kong kailangan kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.

I know that somewhere in his heart, may goodness pa ring natitira. Wala akong alam sa plano niya o sa plano ni Inay pero kinakabahan ako. I don't want to ruin my family just because of this antics my mom and my godmom wants to pull.

Alam kong umiiral ang girl power sa kanilang dalawa pero hindi talaga ako sang-ayon dito. I don't want to see him behind bars.

"Your father took your dreams away from me."

"It wasn't mine in the first place, Gonzalo. It was your dreams; it was you who build those dreams. Ikaw ang nagsimula ng lahat. Sinuportahan lang kita."

"Ipinagpatuloy ko ang pangarap ko dahil nandyan ka, Mazikeen. Kung wala ka naman hindi naman ako makikipagpatayan para lang doon. Siguro naging simpleng mamamayan lang ako ng mundo. But you... You make me want to be an extraordinary human being. You made me believe that I can be bigger than anything."

Itinaas niya ang mga kamay niya.

"That this... is nothing but a bump on the road I'm walking. And up until now, I still want to believe that at the end of the road you are there, waiting for me, holding a banner and still cheering for me. You are my personal cheerleader, you were and you will always be."

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya. That stunt he pulled with Eos Demitri and Harper Dirty Kiki – well it's unforgivable. I don't know if I can trust him again.

"H'wag mo akong utuin!" I hissed. Dinuro ko siya. "Kung talagang mahalaga ako sa'yo, hindi ka susunod kay Eos Demitri!"

"You were never a part of the plan! I never thought of hurting you!" Iginiit niya. I shook my head.

"Bakit? Naisip mo ba ba kapag masasaktan ang Tatay ko magiging masaya ako?! Oo nga! He did a bad thing to you! He deserves your anger but telling me that I was never a part of your revenge plan is bogus! Kahit anong gawin mo basta involve ang Tatay ko o kahit na sino sa pamilya ko – masasaktan ako!"

Hindi ako umiiyak and that amazes me. Paano ko nasasabi ang mga ito nang hindi ako umiiyak? I bit my lower lip. The car was in the middle. Siya ay na sa may railings ng daan, sa ilalim ng malaking poste habang ako ay naroon sa kabila at tinitignan siya.

Crash into meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon