Chapter 31

24 0 0
                                    

[Rain's POV]

"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!!!"

"WHHHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!"

"SIGE TAAS PAAAAAAA!!!"

"WAAAAAAAAAAAAAAHHH MAMATAY NA AKOOOOO!!!"

"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!"

Kulang nalang ata matanggal na yung kaluluwa ko dito sa Vikings. Mimiya na alis namin kaya sinusulit na namin. Madaming nangyari. Nawala na yung issue ng Got7, nakapag-bonding kami nila SK, nakapunta kami sa lahat ng gusto naming puntahan, shopping, magaling na ako at marami pang iba! Syempre hindi pa nila alam na nakakaalala na ako kaya medyo awkward ako kay Matthew

Hindi pa ulit kami nagkikita ng Got7 simula nung madischarge ako sa ospital. Hindi din nila alam na mimiya na uwi namin. Ayokong makita silang malungkot baka magbago pa isip ko dito na ako tumira sa korea

"WHOOO!!! That was a hella ride!" Sigaw ni Burn habang naglakakad kami papunta sa exit. Tumawa lang kami sa sinabi ni Burn. Umupo muna kami sa isang bench kasi halos lahat ata ng rides dito sa lotte world eh nasakyan na namin

Tumingin lang ako sa mga tao ng may nahagip ng mata ko

Jinyoung?

Youngjae??

Bambam???

Yugyeom????

Jackson?????

JB??????

Mark???????

Camera, manager and staffs????

Oh tadhana nga naman! Siguro nagsh-shooting sila

"Yung Got7 oh!" Sabi ko kay SK at tinuro sila

"Oo nga no"

"Tara puntahan natin!" hinawakan ko yung braso ni SK at hinila papunta sa Got7

"Oy san kayo pupunta?" Micko

"Sa Japan!" Ako. Nakita kong napatingin sakin si Mark at Bambam. Nag-sign ako ng 'Ssshhh' kasi nagr-roll yung camera. Tumango naman sila at ngumiti sakin. Pumunta ako sa likod ni Manager Oppa tapos kinalbit sya

"Oh Rain!"

"Hi Manager Oppa"

"Long time no see. Kamusta ka na pati yang ulo mo?"

"Ayos naman po. Magaling na"

"Mabuti naman"

"Teka lang sabihan ko yung PD na break muna got7 para makausap mo sila"

"Talaga po? Thank you Manager Oppa"

May sinigaw si Manager Oppa kaya tumigil ang lahat. Binababa ng mga camera man yung camera nila at kanya kanyang alis samantalang ang Got7 naman

"RAAAAAIIIINNN!!!" sigaw nilang lahat at tumakbo sa direksyon namin. Sinalubong ko sila ng matamis na ngiti. Isa isa ko silang niyakap kasi namiss ko sila at mas lalo ko pa sila mamimiss dahil babalik na kaming Pilipinas

"Kamusta ka na Rain?" Jaebum

"Grabe namiss ka namin!" Bambam

"Namiss ko din kayo"  Ako

"Wala ng maingay sa dorm namin nung umalis ka" Jackson

"Luh! Nandon ka pa naman kaya sigurado ako maingay pa rin kahit wala ako hahaha" Ako

"Iba pa rin kapag ikaw yung nagiingay" medyo natigilan ako ng si Mark yung nagsalita. Ngumiti na lang ako bilang sagot. Oh god i'm gonna miss this seven idiots. Hayaan niyo pagkatapos kong magaral babalik talaga ako dito

"Kasama mo pala best friend mo" sabi ni Jinyoung kaya napatingin ako kay SK na nakatingin lang sa baba. Ano to nahihiya? HALA! Kelan pa tinubuan ng hiya si SK?! Baka naman nilalagnat to joke! Malamang dahil sa Got7 kaya nagkakaganyan yan

"Oo. Kasama din namin yung boys. Andun sila oh" tinuro ko sila Burn na nasa hindi kalayuang bench habang nakain at nakatingin samin. Kumaway sila samin kaya kumaway pabalik yung Got7

"Ano pala ginagawa niyo dito?" tanong ni Youngjae

"Naglilibot lang at tsaka...." tumigil ako at tumingin kay SK. Nangungusap ang mga mata ko kung sasabihin ko na sa kanila na mimiya na alis namin. Baka lalong magtampo ang Got7 sakin kapag hindi ko sinabi sa kanila

Napakamot na lang ako ng ulo dahil umiwas lang ng tingin si SK at sumipol

"Tsaka mimiya na uwi namin sa Pilipinas" tumingin ako sa kanila. Kitang kita ko mga mata nila ang lungkot

"Uy wag naman kayong ganyan. Babalik pa naman ako hehehe" pinipilit kong wag maiyak sa harap nila. Yung mga mukha kasi nila parang inabanduna ko na sila dahil aalis na ako

"Kahit ilang araw lang tayong nagkasama alam kong may malakas na bond na nabuo satin at yun ay friendship. Mamimiss ko kayo" sabi ko sa kanila at ngumiti ng malawak

"RAIN!" halos matumba ako ng sugurin nila ako ng yakap. Hindi ko na napigilan ang luha ko at nagunahan na silang lumabas sa mata ko. Yumakap din ako pabalik. Kumalas sila at isa isa nila akong niyakap. Nung turn na ni Mark. Niyakap ko siyang maiigi at binaon yung mukha ko sa dibdib niya at umiyak

My bias, Yien. Siya yung dahilan kung bakit ako napalapit sa Got7. Nasuntok pa siya ni Matthew

"Thank you" pabulong kong sabi bago kumalas sa yakap

"Oh anong nangyari jan at nagkaiyakan kayo" sabay sabay kaming napalingon kay Manager Oppa na palapit samin

"Si Rain kasi. Aalis na mimiya ngayon lang sinabi samin" Jackson. Pinunasan ko yung luha ko at natawa ng mahina

"Eh ngayon lang naman tayo nagkita ulit tapos hindi pa napagusapan"

"Oo nga ano" yumuko si Jackson at kinamot yung batok niya. Nagsitawanan din yung ibang members

"Gusto ko man pahabain pa ang pagsasama niyo pero kailangan ng bumalik ng Got7 sa trabaho. Sorry Rain at mamimiss din kita"

"Ayos lang po manager oppa. Naiintindihan ko naman po kayo at ang Got7. Maraming maraming salamat at mamimiss din po kita" sabi ko at niyakap si Manager Oppa. Niyakap niya din ako pabalik

"Oh back to work na tayo. Bye Rain! Ingat ka sa paguwi" Manager

"Opo hehehe" Ako

"Bye bye Rain!" sabi ng Got7 at sabay sabay na silang sumunod sa manager nila. Sinundan ko lang sila ng tingin. Ngayon pa lang namimiss ko na Got7 ano ba naman yan. Umiling na lang ako at naglakad pabalik sa bench kung saan nakaupo sila Burn

***-------**********-------***

A/N: AYO! Sorry super short update! Mukhang inaamag na tong story ko eh kaya inupdate ko na rin kahit papaano. Dahil maganda ako (WEEEEEH???) Kahit walang pumansin dun sa note ko ay inupdate ko pa rin to. Thank you pa rin ^^

Meeting Mr. AnonymousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon