CHAPTER 9 MEETINGS ABOUT TRAININGS

5.8K 137 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at naging ka close na namin ni Kuya Gabby ang aming mga ka-roommates at siyempre hindi mawala ang dalawang tao na una naming nakilala na sina Flint at Xyan.

"Oh teka, wag kayong magulo. Pupunta na tayo ngayon kay Master Wayne." – Xyan.

"Biglaan din talaga nagpapatawag ng meeting si Master. Ano kaya sasabihin niya sa atin?" – Ced.

Pagkatapos ng mga ilang minutong paglalakad ay nakarating din kami sa harap ng pintuan ni Master Wayne. Kumatok ng tatlong beses si Fliont at pumasok na sila. Pinaupo muna sila ni Master Wayne pagkatapos ay...

"Kaya ko kayo pinatawag dahil sa paparating na laban. Nagdeklara ang Dark Empire ng laban sa pagitan ng kanilang lugar at ng ating lugar. Sa ngayon, gusti kong i-train niyo sina Safi at Gabby. Bibigyan ko kayo ng ilang oras para makapag isip ng kung sino o ano ang unang ite train ng dalawa." Mahabang pahayag ni Master Wayne.

"Pero may pasok po kami, di po ba?" tanong naman ni Gabby.

"In-excuse ko na kayo sa inyong mga guro tungkol dito. At huwag kayong mag alala dahil sa unang pagkakataon gagamitin niyo ang isang secret undergroung ng Magic Empire. Aasahan ko ang inyong desisyon mamayang hapon. Makaka alis na kayo." Huling sabi ni Master Wayne.

Nang makalabas na ang magkakaibigan ay nagsalita naman si Flint sa lahat.

"Magkita kita tayo mamaya sa Garden of East. Dun natin paplanuhin ang lahat. Sa ngayon magpahinga muna tayo. Sige na Girls, mag iingat kayo." Sabi ni Flint ay sabay na umalis sa harapan ng mga babae kasama ang mga lalaki.

Pagkatapos ng ilang oras at nagkita na nga ang magkakaibigan sa napag usapang lugar.

"Mabuti naman nandito na kayong lahat." Panimula ni Xyan.

"So ano ang napag usapan ninyo?" Flint

Nagtaas ng kamay si Ivy. Saka siya nag salita.

"Napagkasunduan naming mga babae na para mas mapabilis ay uunahin natin itrain si Safi sa kung ano ang pinaka madali." Sabi ng dalawa na sinang ayunan naman ng lahat.

"Ano ang simulang ite train ni Safi?" Slater

"Ang una ay pag control ng Nature at Sound Element, kung magagawa niya yan ng isang araw ay maganda. Para di tayo naghahabol ng oras at araw." – Iris

"Pangawala ay pag control ng Force, lightning at Ice Element. Pangatlo ay Wind/Air Element." – Rose

"Panghuli, dahil konektado naman itong dalawa. Ito ay ang pag control ng Fire and Water Element." – Ivy

"Nice! Hindi niyo na naman pala kami kailangan eh." – Ced.

"Iyan ang akala niyo. Dahil sa bawat training na gagawin ni Safi kailangan nanduon kayo boys. Para kung sakaling may mangyayaring hindi maganda kay Safi ay nanduon kayo para alalayan siya." Seryosong sabi ni Ivy na ikinatahimik ng lahat.

"Huwag na nating hintayin na may mangyari kay Safi bago natin mas maintindihan na kailangan na nilang mag sanay para sa nalalapit na laban." – Rose

"Sang ayon ako diyan, bilang nakakatandang kapatid ni Safi." – Gabby

Pagkatapos ng meeting na iyon ay umalis na sina Xyan at Flint upang ipaalam kay Master Wayne. Samantalang nagpunta na ang magkakaibigan sa nararapat nilang kwarto.

***** 

#revisedcorrectionsfinalized #done


MAGIC EMPIRE (COMPLETED!!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon