Chapter 3

4 0 0
                                    

  Sa lahat ng taong ayaw kong makasalubong at makita siya pa. Hindi ko alam kung bakit nakita ko pa siya. Bumalik lahat ng sakit at galit na naramdaman ko noong mga panahon na kasama ko siya. Hindi naging kami pero umasa ako at iyon ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko. 

"Penelope." Mahinang sambit niya. 

"Anung ginagawa mo dito, Drew?" Malamig na sabi ko. 

"Dito na ako mag-aaral." Sabi niya. 

"Bakit dito mo pa napili? Marami namang ibang universities diyan."Sabi ko 

"Bakit? Ayaw mo ba akong makita? Mag-kaibigan pa rin naman tayo diba?" Sabi pa niya. 

"Oo,ayaw kitang makita. At simula nung sinaktan mo ako, hindi na kita itinuring na kaibigan pa." Sabi ko at nagtatakbo na paalis.

 Ang sakit dahil wala akong karapatan sabihin yun dahil alam ko sa umpisa pa lang ay wala na siyang nararamdaman para sa akin pero pinaasa niya ako at ako naman tong si tanga umasa sa kanya.Umuwi ako ng bahay na umiiyak. 

Hindi ako nagpakita sa mga magulang ko at mga kuya ko dahil alam ko na hindi nila ako titigilan sa tanong na bakit ako umiiyak. 

Pero hindi ako nakaligtas sa kakambal ko. Pinuntahan niya ako sa kwarto dahil maaga natapos ang date niya. Hindi na ako nagsalita pa at umiyak na lang sa kanya. Niyakap niya ako. 

"Penelope, anung nangyari?" 

"Kuya, bumalik na siya. Nakabanggaan ko siya at lahat kuya ng sakit ay bumalik." Umiiyak na sabi ko. 

 "Tumahan ka na kambal. Bawal sayo iyan. Anu ng gagawin mo? Papatalsikin mo na ba kaagad siya sa university?" 

 "Hindi kuya. Wala akong karapatan gawin iyon. Alam mo naman na hindi alam nila kuya at mama na sinaktan niya ako. Wag kang mag-alala kuya, bukas wala na naman akong pakiramdam. Kilala mo ako kuya." 

"Kung iyan ang gusto mo. Basta nandito lang ako sa tabi mo. Magpahinga ka na. Kumain ka na ba?""Hindi pa kuya. Bukas na lang siguro. Matutulog na lang ako. Goodnight kuya." 

"Goodnight din." Hinalikan niya ako sa noo at umalis na.  

Hanggang sa pagtulog ko bumalik lahat ng sakit na iniwan niya sa akin at kung papaano ako nagbago dahil sa mga katagang iyon. Masakit, sobrang sakit. Ang hirap kalimutan. Ang hirap ibaon.

ps. hope you like it po. salamatttt

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Two Faced BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon