Chapter 15

2.8K 86 45
                                    

Late

**_**


“ ano na, matagal pa ba?” untag ko kay Derek

“ Aba, sandali po kamahalan? Ayaw pong gumana ng kotse!” sarkastikong sagot nito

“ Hala? Ano nang gagawin natin?” worried na tanong ko . Bigla ba namang tumirik ang sasakyan nito sa gitna ng kalsada.!

Tinangihan ko kasi ang balak nina Tita na pagsundo sa akin sa airport . Baka kasi si you-know-who ang sumundo sa akin, naku, ayoko nuh!! May sasakyan naman kasi si Derek na iniiwan sa airport kung san ang daddy nito ang GM ng Manila International Airport, kaya nakatenga lang sa parking ang kotse nito. . at pumayag itong sasamahan ako sa birthday celebration ni My.  Kaya eto kami ngayon , stranded! At infairness sa amin, para kaming mga batang gusgusin! Pawisan at sabog! Walang tulog tulog na kagagaling lang sa flight namin.

Pero, mukhang tao pa naman kami.

“ Shit! Pray harder na gumana na ito ngayon” ani ni Derek. Alas syete ang party at alas singko na! At halos isang oras pa ang byahe namin para marating ang village ng mga ito.

“ Oo , malakas ako kay Lord kaya alam kong aandar na yan. And please, ipasok mo na sa kaha yan ng maayos na ang kotse mo!”

“ opo Madam!! “ at tinesting na nga nito kung aandar ba. Ngarag ang boses ng makina ng kotse nito. Matagal din kasi itong tumambay lang. Walang gumagamit, at since parati kaming out of the country, walang maintenance ang kotse!

At tama nga siguron malakas ako kay Lord, dahil biglang um-ok!

“ Yes!!” masaya kong sambit sabay na napasuntok sa hangin

“ Woooh!! I badly need to bath! Ang lagkit ko na. “  ani nito. And speaking of bath, mas vain pa si Derek kesa sa kin, at least thrice a day ito kung maligo!

“ sa bahay ka na makitulog ngayon. Pareho tayong pagod. “ sabi ko

“ hindi ko yan tatangihan. Dahil, sa oras na ito, ang tanging gusto kong gawin ay ang matulog. Kungdi ba naman na delay ng anim na oras ang flight natin, eh di sana nasa condo ko na ako ngayon at natutulog!”

“ kaya nga sa bahay ka na lang matulog .”

“ oo na. May magagawa  pa ba ako?”

“ alam ko naman na di ka tatangi. Mahal mo ko kasi” tudyo ko dito

“ abusada ka naman”

“ hahahaha,, i love you too” sagot ko

Napuno ng kwentuhan at tawanan ang byahe namin. Pag kami na ni Derek ang magkasama, no dull moments. Happy happy lang talaga.

It’s six ten in the evening nang makarating kami ng village. I ask Derek to park it sa katabing bakanteng lupa ng bahay. Ang alam ko, may nakabili na ng property na to. Gusto ko sana ito, kaso, ang mahal, di ko pa kaya ang ganung halaga. Kaya nanghihinayang talaga ako. Pero mukhang mabait naman ang nakabili ng lupang ito, dahil pumapayag ang mga ito na gawing parking space sa tuwing may mga events ang kalapit na bahay nito.

Bitbit ni Derek ang kayang duffle bag na naglalaman ng damit nito at ako, ang knapsack ko na puno ng pasalubong para kina Yaya Bella at ng mga kasambahay, at yung isang paper bag para kina my at tito. At tama kayo, wala akong pasalubong kay Matteo!

“ Pwedeng bagalan ang lakad?” reklamo ni Derek

“ Ang bagal mo! Sa likod tayo dadaan, may mga bisita na kasi. Tsaka amoy pawis na tayo, nakakahiya naman kung sa harap nila tayo dadaan”

Ako'y Para Lamang SayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon