Chapter 4

43 1 0
                                    

"Andrew, pakibigay 'tong pagkain  dun kila Ate Drea mo, sabihin mo magmeryenda sila."

Tinitigan ko lang yung pagkain. Iniisip ko pa rin yung narinig ko. Hindi ako pwedeng magkamali sa narinig ko. May tinawag na 'baby' si Kuya Jericho, at paniguradong hindi si Ate Drea dun.

"Andrew!"

Bumalik ako sa realidad at nakita ko si Mama na nakatingin sa akin na may pagtataka.

"Okay ka lang? Hindi mo ba ako narinig?"

Huminga ako ng malalim at humingi ng pasensya kay Mama, inulit niya kung ano yung inuutos niya sa akin at agad ko na iyon ginawa. Nadatnan ko mga kaklase ni Ate Drea na tuloy pa rin sa pag gawa ng proyekto nila. Hinanap ng mga mata ko si Ate Drea at Kuya Jericho. Nasan kaya yung mga yun?

"Andrew, kung hinahanap mo kapatid mo nag-cr lang siya."

Tumango ako. Ibig sabihin hindi sila magkasama ni Kuya Jericho?

"Si Kuya Jericho?"

"Ah.. Kaaalis lang niya, may pupuntahan daw. May practice din daw sila ng mga barkada niya."

"As in kakaalis lang niya?"

"Oo nga! Kalalabas lang."

Agad akong nagpasalamat at tumakbo palabas. Panigurado pupuntahan niya yung katawagan niya kanina! Malalaman ko din sikreto mo, Kuya Jericho. Wag lang sanang tama ang hinala ko. Kung hindi, magtutuos talaga kami.

Narinig kong tinawag ako ni Ate Drea pero hindi na ako lumingon sa kanya. Paglabas ko ng bahay ay saktng kasasakay pa lang ni Kuya Jericho sa tricycle palabas ng village namin. Agad din akong pumara ng masasakyan at pinasundan si Kuya Jericho.

Bumaba siya sa isang restaurant na hindi kalayuan sa village namin. Humanda ka, Jericho. Naupo malayo sa pwesto niya ngunit sapat na para makita ko siya at kung sino man ang katatagpuin niya. 

Ilang sandali lang ay may dumating na babae, pamilyar siya ngunit hindi ko maalala kung san ko siya nakita.

"Sir? Can I take your order now?"

Naagaw ng waitress ang atensyon ko. Nawala ako sa pokus ng makita ko ang mukha ng waitress, napakaganda niya, mapupula ang mga labi, tama lang ang make-up pero sobrang ganda niya.. 

"Sir?"

Tanong ulit niya na may ngiti sa labi, sa pag ngiti niya lalo akong nagandahan sa kanya. Napakainosente ng mukha niya. Parang hindi ka magsasawang titigan siya.

"Kristen! Out ka na, ako na dito."

May lumapit sa kanyang kasamahan niya at kinuha sa kanya ang papel at ballpen na ginagamit sa paglilista ng order, binalik niya ang tingin niya sa akin.

"Sir, Mam Anne will take my place, I hope you enjoy your meal."

She smiled so sweetly and I can't help bu to smiled back.

"Sir?"

Napatingin ako sa bagong waitress, bigla kong naalala ulit si Kuya Jericho. Nakita kong nag-uusap lang sila ng masinsinan ng katagpo niya.

"Sir, what's your order?"

Binaling ko ang atensyon sa waitress! Tsk! Ang mamahal ng pagkain dito, di sapat pera ko.

"Uh, I'll just order later. I'm still waiting for someone."

"Oh, okay sir."

Umalis yung waitress kaya't binaling ko na ulit ang atensyon ko kay Kuya Jericho at sa kasama niya. Para silang may pinagtatalunan, hanggang sa walang kumibo sa kanila. Anong meron sa kanila? Niloloko ba talaga niya kapatid ko?

Hindi nagtagal ay hinawakan ni Kuya Jericho ang kamay ng babae at hinalikan ito. Agad kumulo ang dugo ko. Lumapit ako sa table nila at agad na sinuntok si Kuya Jericho, sumigaw yung babaeng kasama niya at naagaw namin ang lahat ng atensyon ng nandoon. Babawi sana ng suntok ang gago pero nakita niyang ako yung nanuntok ay bigla siyang natigilan.

"Ano ha?! GAGO KA! NILOLOKO MO LANG PALA KAPATID KO!"

Sinuntok ko ulit siya kaya tumumba ulit siya. Nakayuko lang siya at hindi nagsasalita. Natataranta na yung babaeng kasama niya, hindi niya alam kung lalapitan ba niya si Jericho o hindi.

"MAHAL NA MAHAL KA NG KAPATID KO TAPOS ITO LANG IGAGANTI MO SA KANYA!? MAPAPATAY TALAGA KITA!"

Inatake ko ulit siya ng suntok, hindi ko alam kung gaano karami at kalakas yun ang gusto ko lang ay mabasag ko ang mukha ng gagong 'to!

May mga lumapit na para pigilan ako. Basag na basag ang mukha ni Jericho. Puta! Kulang pa yan!

"ANO? BAKIT HINDI KA LUMABAN? PUTANGINA MO! LUMABAN KA! LAKAS MO MANLOKO DUWAG KA NAMAN PALA! LUMABAN KA MANLOLOKO!"

Hindi pa rin siya nagsasalita, nakayuko lang siya. Puta! Paawa pa! Di ako naaawa. Di sapat yan! Nilapitan na siya ng babaeng kasama niya at umiiyak na ito. 

"Bakit mo ginawa 'to sa kapatid ko? Walanghiya ka! Gago! Ikaw lang ang lalaking mahal na mahal niya!"

Hindi pa rin siya nagsasalita. Susugurin ko sana siya ng bigla sumigaw ang babaeng kasama niya.

"TAMA NA! MAPAPATAY MO NA SIYA! MAAWA KA!"

Basang-basa ng luha ang mukha ng babae, naalala ko na kung sino siya. Siya yung kaklase ni Jericho na nakita kong kasama niya. Umiwas ako ng tingin sa babae, di ko matagalan na makakita ng babaeng umiiyak. Kahit isa siya sa nanloko sa kapatid ko, alam ko pa rin kontrolin galit ko.

Di nagtagal ay may dumating na mga pulis! Putangina! Dinala kami sa presinto. Tangina! Pag nalaman 'to ng kapatid ko.




"Andrew!" 

Agad akong niyakap ni Mama ng makita niya ako. Nakita ko ang kapatid ko na pumasok sa presinto at tulalang nakatingin lang sa manlolokong niyang boyfriend, nakita ko ang pagtulo ng luha ng kapatid ko mula sa mga mata niya. Naramdaman ko yung sakit na nararamdaman niya. Lumapit siya kay Jericho at hinaplos niya ang mukha ne'to. 

Mahal na mahal niya si Jericho pero ginago lang siya neto. Pumikit si Jericho para mas maramdaman ang haplos ng palad ng kapatid ko sa pisngi niya. May tumulo din na luha galing sa mata ng gagong manloloko. Hinalikan ng kapatid ko noo ni Kuya Jericho.

"I love you, and I forgive you. But we're over."

Pagkatapos bitawan ng kapatid ko ang mga salitang yun ay tumakbo siya palabas ng presinto. Hahabulin ko sana siya pero pinigilan ako dahil kailangan kong ayusin ang gusot sa pambubugbog ko sa gagong ex-boyfriend ng kapatid ko.



Pag-uwi naminsa bahay ay agad kong hinanap ang kapatid ko. Nagkasundo ang pamilya namin na hindi na sila magkakaso kaya pinaalis na rin kami sa presinto. Umakyat ako sa kwarto niya at naka-lock ang pinto niya kaya't hindi ako makapasok. Inilapat ko ang tenga ko sa pintuan ng kwarto niya at rinig na rinig ko ang hikbi ng kapatid ko, sa paghikbi niya ay ramdam mo ang sakit. Napapikit ako. Kung kaya ko lang tanggaling yung sakit na nararamdaman niya, gagawin ko...

Kinaumagahan ay nagising ako sa pagbukas ng pintuan ng kwarto ng kapatid ko. Natulog ako sa tapat ng kwarto niya. Tinignan niya ako. Pagod na pagod ang mga mata niya, mugto mugto ito dahil sa kakaiyak, magulo ang buhok niya, walang kabuhay buhay ang itsura ng kapatid ko.

Hindi ko siya masisisi, mahal na mahal niya si Jericho at sobrang tagal na ng pinagsamahan nila. Nasanay na siya sa presensya ni Jericho at ang isusukli lang sa kanya ay panggagago at panloloko.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Nasasaktan ako sa nakikita. Hindi ko kayang makita ko ang kapatid ko na ganto. Niyakap niya ako at umiyak sa dibdib ko. Para siyang batang napagalitan, nadapat, o sanggol na hindi alam kung ano gusto. Ngayon ko lang siya nakita na ganito, sobrang paghikbi niya ay nawawalan siya ng hininga. 

Agad akong humiwalay at nakita kong nahihirapan siyang huminga, ilang segundo lang ay bigla siyang nawalan ng malay. Hindi! Sa oras na may mangyari masama sa kapatid ko, hindi ko kakayanin. 

Stealing My Sister's GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon