Fara
"Akala ko talaga papatayin na kami ng ogre na yun!" Kuwento ni Jade. Si Lux naman tahimik lang pero halatang nakikinig rin. "Yun nga sabi niya, binihag daw ng Mayor ang mga anak nila."
"Oo nga eh nakakatakot ang Mayor nila." Kinuwento ko na sa kanila kung paano pinatay ni Liam ang taong ahas na hindi manlang ginagamit ang ability niya.
"Hoy Amber, ano nga palang nangyari sa inyo ni Gavin?" Jade. Kanina pa tahimik ang dalawang to. Si Gavin rin ang seryoso habang nakatitig kay Amber.
"May napatay akong dalawang babaeng kalaban." Yun naman pala eh pero bakit malungkot parin siya.
"Yes makakauwi narin tayo!" Sigaw ni Jade. Excited narin akong makauwi baka kasi pinahihirapan na ni Sir Patrick si Frail. Kawawa naman ang alaga ko.
"Mukhang hindi pa tayo makakauwi." Liam.
"Huh? Bakit naman?!" Jade.
"It's already dark. Maraming mababangis na hayop ngayon." Liam. "Ayusin niyo na ang mga tents niyo."
Agad akong naglatag ng tent. May kanya-kanya kasi kaming mga tent.
"Tulungan na kitang patayuin yan."
"Salamat Amber." Tinulungan niya akong patayuin ang tent ko.
"May nangyari ba?" Nag-aalala kong tanong. Ang weird kasi niya at ni Gavin. Naglolokohan kasi sila eh pero ngayon walang imikan.
"Wala. OA lang talaga ako."
"Kung ano man yan. Sana maayos niyo na."
"Sige. Alis na ako tutulungan ko pa si Jade." I nodded and smiled.
Hay.. May problema nga talaga ang dalawa.
'Fara' Ayan na naman siya.
'Nanggugulo ko na naman' I heard him chuckled. Siguro ang cute niya kapag tumatawa.
'Tss.. Pinagnanasahan mo pala ako'
'Huwag kang feeler hindi ka guwapo'
'Sabi mo ang cute ko siguro kapag tumatawa' Nai-imagine ko na ang mukha niya habang naka-smirk.
'Yabang. Magpatulog ka nga.'
'I-i..'
'Liam, anong sinabi mo?'
'Goodnight. Matulog ka na.'
Pinikit ko ang mga mata ko pero hindi ako nakakaramdam ng antok. Pagod na ang katawan ko pero ang mga mata ayaw pang magpahinga.
Bumangon ako at lumabas ng tent. Magpapahangin lang muna siguro ako.
Mga hampas lang ng dahon ang maririnig sa paligid. Ang lamig rin ng hangin na dumadampi sa balat ko.
'Prinsesa' Nakarinig ako ng boses ng bata sa paligid kaya agad kong nilibot ang paningin.
'Prinsesa' Naglakad pa ako hanggang sa may nakita akong batang babae.
"Anong ginagawa mo dito bata?" Ngumiti lang siya sakin. Lumapit siya sa kinaroroonan ko.
"Gusto mong sumama samin?"
"H-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng bigla niya akong tinulak.
"Kyaah!!"
May narinig akong tawanan.
•••••
"Gising na ang mahal na Prinsesa!" Minulat ko ang mga mata ko. Nasa isang kuwarto ako na kulay Lavender.
"Hi Ako nga pala si Venice." Sabi ng bata. Nakatali ang mga kamay ko. "Power negation ang ability ko." Kaya pala parang hindi ko maramdaman na may ability ako.
"Anong ginagawa ko dito?"
"Ikaw na ngayon ang Prinsesa namin. Bagay nga sayo ang maging Prinsesa, ang ganda ng mukha mo."
"Hindi ako isang Prinsesa."
"Hindi ikaw ang makapagsasabi niyan mahal na Prinsesa."
"Hindi niyo ba pakakawalan ang Prinsesa niyo?"
"Hindi muna dahil may aayusin pa ako. Pero pagbalik ko, ipapasyal ko ang Prinsesa sa kaharian namin." Lumabas na siya ng kuwarto. Argh! Napag-tripan pa ako ng mga bata.
Paano ako ngayon makakalabas dito?