Kabanata 11

617 14 0
                                    

"Really? So may progress na?" Tanong ni Aliza sa akin.

"Ewan ko... Siguro dahil buntis lang ako?" Sabi ko. Aliza just shrugged.

5:30 ng hinatid na ako ni Aliza sa bahay.

Pag dating ko doon ay nandoon si Kyson sa patio naghihintay. Sino naman hinihintay niya? Dadating ba si Sophie.

"Ba't hindi pumasok si Aliza?" Tanong nito at sinabayan ako sa paglakad. Okay, bumibilis ang tibok ng puso ko.

"May pupuntahan pa siya." Sabi ko.

"Aleena hindi ako matutulog dito." Sabi niya.

Tumingin naman ako sa kanya. Nalungkot naman ako.

"Sasamahan ko si Sophie wala siyang kasama sa kanila at may importante akong pupuntahan." Sabi nito. Tumango ako.

Sabay naman kaming kumain na dalawa... Kanina pa siya tinatawagan ni Sophie at sinasabi niya lang ay gumagayak na siya.

Tumayo naman ako at napatigil. Napahawak naman ako sa tiyan ko.

"Fuck." Bulong ko.

"Why?"

"W-Wala..." Sabi ko.

Nawala naman iyong sakit. Na sa kwarto ako at nakahiga doon ng naramdaman ko na naman ang sakit sa tiyan ko.

"Kyson!" Tawag ko.

"Why!?" Sigaw niya dahil naliligo siya sa banyo.

"A-Ang sakit ng tiyan ko!" Sigaw ko.

Kumalabog naman ang pinto at lumabas siya doon... Napapikit naman ako sa sakit ng tiyan ko.

"Aleena..." Tawag nito at hinawakan ako. Nawala naman ang sakit.

"K-Kanina pa 'to... Sumasakit at nawawala." Sabi ko.

Hinintay namin ang 10 minutes at hindi na sumakit ulit. Nakaupo lang siya sa tabi ko at hinawakan ang tiyan ko. That was his first time held my bump. Parang kuryente naman iyon... Hindi niya inalis ang kamay niya doon.

"Aalis na ako." Paalam nito at kinuha ang car key niya.

"Fudge!" Sigaw ko at napahawak sa namimilipit kong tiyan. Damn! Sobrang sakit. Kinapa ko naman ang cellphone ko sa gilid para idial ang number ni Mommy. Naluluha na ako sa sakit!

"Aleena... Are you acting or what? Aalis ako. Hinihintay ako doon." Sabi nito. Nalaglag ang panga ko. Kung siya kaya uminda ng sakit dito! Acting my ass! I will not stop him if he will go to Sophie! Alama niya iyon!

"You can go if you want Kyson!" Sigaw ko.

"Stop acting like it's hurt... May importante akong lakad! Hindi mo pa due date!" Sabi nito at tumalikod na.

Damn it!

Pinunasan ko naman ang luha sa mga mata ko... It's always Sophie huh? Hindi talaga maiwan iwan.

Hindi sinagot ni Mommy. Kaya si Aliza ang tinawagan ko.

"Beth! Manda!" I shouted at the top of my lungs. Sobrang sakit na!

"Ate sagutin mo!" Kinakabahan kong sabi. Hindi ko na magawang tumayo pa!

"Ma'am Aleena!" I thank God when Manda and Beth entered our room!

I felt liquid in my thighs.

"M-My water bag..." Sabi ko. Nataranta naman silang dalawa. Hindi nila alam ang gagawin.

"Contact an ambulance... Then call Aliza..." Sabi ko kay Manda. Since si Beth ang may medyo malaki sa kanila, siya ang tumulong sa pag-alalay sa akin na tumayo doon.

Toxic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon