Ikalabing-walo

30 0 0
                                    

Ikalabing-walo

Tumambay pa kami ng ilang oras sa sapa bago kami pumadyak para tahakin muli ang daan palabas ng Salgado Farm.

Wala pa sana kaming balak umalis dahil marami pa kaming gustong tambayan hanggang sa mag-gabi pero kinailangan nang umuwi ni Diaz dahil nagtext si Aling Lian.

Gusto niya raw makausap ang anak sa FaceTime. Since mahina ang mobile internet connection sa kahit na anong parte ng Calagayan-- pwera na lang kung may sarili kayong router at nagbabayad ng libo-libo buwan-buwan na siyang meron sila Eronin-- ay wala kaming ibang choice kundi umuwi.

"Bukas ulit?" nakangiting saad ni Eronin habang binabalanse ang kaniyang bisikleta sa kanyang tabi. Nakatayo kami sa labas ng bahay namin habang hawak ko rin ang bisikleta ko upang ihanda sa pagparada sa likod-bahay.

Brain, behave! Anak naman kasi ng masokista itong si Eronin Diaz, eh. Kung makangiti-- nakuuu. Nahihimatay ang 3/4 ng braincells ko. Kakaloka.

"Sige. Pero promise mo, aakyat tayo sa burol."

Pinailaliman ko siya ng tingin. Agad naman siyang humalakhak at juskupo. Parang sasabog na ang pantog ko nang guluhin niya ang buhok ko.

Ang taray talaga nitong utak ko. Konting physical contact, over kung maka-react. Likas na malandi lang?

Pasensyosong tumango si Diaz bago siya humakbang palayo at kumaway ng buong kagwapuhan na halos magpadugo sa cerebellum ko.

Hayy, Eronin Diaz. Bakit ba kahit anong gawin mo ay napapa-vertical sa kilig ang internal organs ko?

Nakapasok na siya sa gate ng bahay nila nang mapagtanto ko na hindi pa rin pala ako nakakagalaw sa kinatatayuan ko. Daydreaming version five hundred and three. Kundi pa ako kinagat ng lamok sa binti, hindi pa ako matatauhan.

"Puslit na lamok 'to," singhal ko sabay pahid sa suot kong maong knee-length shorts ang bakas ng pagmamalupit ko sa mapagsamantalang insekto. Patay na ito. Gaya ng pantog ko na kanina pa punyemas na kinikilig kay Diaz.

Wrong timing rin minsan si Aling Lian, eh. Kaso syempre, iniintindi ko na lang. Mahirap nang hindi ako tanggapin ng mother-in-law ko. Hahahahaha.

Joke.

"Ang saya naman ng ate ko."

Muntikan na akong mapatalon matapos kong isara ang pintuan sa likod-bahay na nakakonekta sa kusina. Nagulat ako sa nakapamewang na imahe ni Nanay habang may hawak na tongs. Sumasayaw sa paligid ang amoy ng niluluto niya para sa late-merienda pero early-dinner na banana cue.

Sinimangutan ko agad siya pero alam kong epil fail iyon dahil kusang nade-deform ang mukha ko na bumabalik sa pagngiti.

Hala. Malala na ako.

"'Nay naman." Wala na akong magawa dahil patuloy akong tinitignan ni Nanay sa paraang mapanudyo. Iyon pa naman ang ayaw na ayaw kong nakukuha kahit kanino.

Marahan siyang tumawa at tinapik ang pisngi ko saka pa lumapit sa kalan para baligtarin ang mga saging na halos masunog na ang mga nakayakap na asukal.

"Magkwento ka naman kay Nanay, Ate." Kahit hindi ko kita ang mukha niya ay alam kong nakangiti siya. "Si Eronin ba ang may kagagawan nang mga ngiti sa iyong labi?"

Hindi ko mawari kung dahil nanunudyo siya kaya ako napairap ng bahagya o kung dahil sa pananagalog niyang wala na sa uso. Ano't ano man, binalingan akong muli ni Nanay at pinaupo sa upuan sa hapag-kainan.

Summer's LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon