TIFFANY'S POV
Pumayag ka na taeyeon please, napakalandi ko talaga hohoho"Ano taeyeon payag ka?" Tanong ni yuri kaya napatingin sya sakin
"S-sige p-payag na ko, ano ba gagawin ko?" Tanong nya
YES! WHOHOHO PUMAYAG SYA OH! PAKIPOT MODE AYIE
"Simple lang, Kakain ka nang bubog tapos iinom ka nang asido" sabi ni hyoyeon, kaya nagtawanan lahat
"Papatayin mo ba ko?" Sabi ni taeyeon
"Di naman" sabi ni hyoyeon tsaka nagpeace sign
"Diskarte mo na yun kung paano mo mapapasagot si tiffany" sabi ni yuri
"E hinalikan na nya ko kagabi" sabi ni taeyeon kaya nanlaki yung mata ko
"Wala nanaman palang problema di na pala kailangan manligaw ni taeyeon, si tiffany na yung nagfirst move" sabi ni sooyoung habang pumapalakpak
"Ano ba yan bessy bakit ginawa mo yun, Sira tuloy plano ko" bulong sakin ni jessica"Sorry naman, malay ko bang may papasok sa isip mo na ganyan" sabi ko
"Uy ano yan, sali nyo naman kami sa convo nyo" sabi ni seohyun
"W-wala, basta tuloy parin yung panliligaw" sabi ni jessica
"Kailangan muna ni tiffany magpakipot" sabi nya ulit kaya napatawa ako
"Si tiffany na nga nag first move kagabi e. Dapat si tiffany manligaw" nagulat ako kay sunny
"Oo nga tiff ikaw manligaw" sabi ni hyoyeon
"Pinagkakaisahan ata ako" sabi ko tsaka sila nagtawanan
"No choice, kailangan mo manligaw sa bestfriend ko" sabi ni yoona
"Teka lang, nagmumukha akong mahinhin e." Sabi ni taeyeon
"Asus, Oh sya ikaw nalang manligaw" sabi ni jessica
"Alisin na nga lang yang ligaw, Basta KAMI na tapos!" Sabi ni taeyeon
Wait lang kinilig ako dun sa K A M I, pero guys seryoso di ko maexplain kung ano man ang gusto kong sabihin pero seriously parang dati lang hinihiling ko na maging kami o magkaroon din sya nang feelings saakin and now nagkatotoo lahat
"Katakot naman yun" sabi ni sooyoung
"Ipagpatuloy nyo nalang yung pagkain nyo may pupuntahan tayo" sabi ni taeyeon
"Saan?" Sabi ni yoona
"Secret" sabi ni taeyeon
"Andaya ayaw pa sabihin" sabi ni yuri
"Ay. Kami nalang pala ni tiffany" sabi ni taeyeon tsaka ngumiti
"Nako, may binabalak agad nakakailang oras palang silang mag GF" sabi ni sooyoung
"Andumi ng utak nyo" sabi ni taeyeon tsaka umakyat sa taas
"Hala ka nagalit ata" sabi ko
"Di yan, Kilala ko na yan pustahan tayo pag t-tripan ako mamaya nyan" sabi ni sooyoung
"Pero napansin ko lang ibang iba ugali ni taeyeon ngayon" sabi ni seohyun
"Ako rin napansin ko" sabi ni sunny
"Bakit anong meron?" Tanong ko
"Madalas kasi napaka cold nyan, di masyadong nakikipagusap samin, pero ngayon grabe makadada napaka daldal" sabi ni seohyun
"Oo nga, tsaka hindi sya ganyan kahinhin alam mo yun parang di na nya kaya magfirst move, Si taeyeon kasi napaka play girl nyan as in sobra" sabi ni yoona
"Oo nga noh, sya kain na ulit tayo" sabi ni sooyoung
"FANY! MALIGO KA NA!" Rinig kong sigaw ni taeyeon
"Huy tiffany lakad na atat na yun oh" sabi ni jessica kaya agad naman akong tumayo
"Oh taeyeon, ambilis mo naman nakapag prepair ka na agad" sabi ko
"Oo, kaya maligo ka narin" cold nyang sabi
"Nagalit ka ba?" Tanong ko
"Hindi ko kayang magalit sakanila" sabi ni taeyeon tsaka humiga sa kama
"Maliligo na ko" sabi ko pero di na nya ko pinansin
Bakit ganun sya, ambilis naman ata magbago ugali nya kanina lang nakikipagtawanan sya tapos ngayon nakabusangot na
TAEYEON'S POV
Ipapakilala ko sya kay dad, First time ko tong gagawin sa tanang ng buhay ko promise kaya sobrang excited na ko"Fany-ah matagal ka pa ba?" Sabi ko pero di sya nagsasalita
"Take your time" sabi ko ulit
Kinuha ko yung cellphone ko tsaka nag instagram ayoko sa facebook masyadong public hehe
scroll, scroll,scrollTinamad na ko kasi paulit ulit nalang. Wala na kong magawa nakakainip naman
"Fany di ka parin ba tapos?" Sabi ko tsaka naupo sa kama
Narinig kong bumukas yung pinto ng CR kaya napatayo ako
"Finish" sabi niya
"Hmm. Tara na?" Nakangiting sabi ko sakanya
"Wait mag memake up pa ko" sabi niya
"Wag na, you look the same, maganda ka parin" sabi ko tsaka sya hinila palabas
"San ba kasi tayo pupunta?" Tanong nya
"Malalaman mo nalang" sabi ko
"Oh aalis na kayo?" Sabi ni yoona
"Oo, bakit kayo di pa kayo tapos kumain? Ligpitin nyo yan ha after" sabi ko"Sarap nang luto mo e, Pasalubong ha! Babye!" Sabi ni sooyoung
Ngumti nalang ako tsaka kami tuluyang lumabas ni tiffany sa bahay
"Marunong ka naman umangkas diba?" Sabi ko
"Oo naman" sabi niya
"Eto helmet, Suot mo" sabi ko tsaka binigay sakanya
"Okay na?" Tanong ko
"Yep!" Sabi niya kaya pinaandar ko na yung scooter ko
"Kumapit ka sakin baka malaglag ka" sabi ko
"Matagal nanaman ako nalaglag sayo" bulong nya
Naramdaman ko yung mga braso nya para bang nakaback hug sya sakin kaya bumilis nanaman yung tibok ng puso ko
"Taeyeon" biglang sabi niya
"Oh~" sabi ko
"Thank you" maikling sabi nya tsaka hinigpitan yung pagkakayakap nya sakin
"Para saan?" Tanong ko
"Sa lahat lahat,Tatandaan ko yung araw na yun august 10" sabi niya kaya napingiti ako
Ilang saglit lang nakarating na kami
"Bakit tayo nandito?" Halata sa boses nya na kinakabahan sya
"Ipapakilala kita masama ba?" Sabi ko with matching ngiti hanggang tenga
"T-taeyeon,K-kinakabahan ako" sabi niya