Hindi ko alam kung magiging masaya ba ko o malungkot sa araw na ito. Today is May 24. Araw ng flight ko papuntang Qatar. Hinatid ako ni Audrey at Sara sa airport. Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Audrey, hindi man siya nagsasalita. Nang kailangan ko ng pumasok, niyakap ko siya. Napaiyak si Audrey kaya sinabi ko, "Hindi kita iiwan, babalikan kita Audrey." Lalo siyang umiyak, bago ko umalis ibinilin ko si Audrey kay Sara. Pagtalikod ko sa kanila, doon tumulo ang aking luha.
Si Audrey ang first girlfriend ko, tapos siya pa ang nangharana sakin. Akala ko pa dati, masungit siya yun pala masaya kasama. Supportive and caring din siya. Tinulungan niya ko mag-ayos-ayos dun sa bahay ko kahit sabi ko huwag na, alam niyo yun parang wife effort. Mahal na mahal ko si Audrey, at nakikita ko na mahal na mahal niya rin ako pero kailangan namin to, para sa kinabukasan naming dalawa. Minsan talaga kailangang magsakripisyo. At kung mahal talaga kayo ng partner niyo, maiintindihan niya yun. Kasi pag super possessive, mali yan.
So habang naghihintay akong tawagin, tinawagan ko si mama. Nagpaalam ako sa kanya, kahit sa cellphone lang alam kong naiiyak-iyak si mama. After nun, tumawag sakin si Audrey, sa pagsagot ko ito ang bumulaga sakin, "PHILIP ANO KA BA NAMAN, AALIS KA NA NGA PINAPAIYAK MO PA KO EH!" malakas at umiiyak na wika ni Audrey. Narinig kong sumisingit sa background ng cellphone ang mga barkada ko, "Pre, Mission Accomplished! Hahaha." Pero magtataka kayo, ano nga ba yung misyon nila? Humingi ako ng pabor kina Reden, Donald, at Vince, na sa araw ng pag-alis ko, haranahin nila si Audrey sa labas ng airport para sakin. Dahil hindi ko naman hinarana si Audrey, si Audrey ang humarana sakin so gusto kong ibalik, kahit wala ako.
"Audrey........bawi ko lang yan sayo dahil hinarana mo ko dati, mahal na mahal kita at salamat sa lahat." wika ko. "SUS! ULITIN NIYO ANG HARANA PAGBALIK MO, DAPAT KASAMA KA!" malakas na parang galit na wika ni Audrey. "Hintayin mo ko Audrey, mahal na mahal na mahal kita." sagot ko. "I love you too......." sagot niya. Tinawag na ko so kailangan ko ng umalis, bago ko umalis, ibinilin ko kina Reden na ihatid si Audrey at Sara.
I believe that goodbye is not the end. Actually, ayaw ko talagang sinasabi ang goodbye sa kahit na kanino, siguro naman walang may gusto. Yung iba akala nila gusto nila pero di rin naman pala. Goodbye is just a word, na ginagamit pag maghihiwalay ang mga tao for a period of time. But it is never the end. Usually, sa mga LDR, lalo na yung nasa ibang bansa yung isa, yung nasa ibang bansa daw ang nagloloko at hindi makapaghintay pero meron din naman na yung nandito sa Pilipinas ang nagloloko. What you need is discipline at true love. Kung totoong mahal niyo ang partner niyo, makakapaghintay kayo sa kanila no matter what happens. Alam kong malungkot dahil mahihiwalay ako sa mga mahal ko sa buhay pero kailangan ito and at last matutupad ko na rin ang pangarap ko. So be happy na lang.....
BINABASA MO ANG
A Gentleman's Diary
RomanceIt's about a man who writes a diary of his experiences (specifically about love) and shares it to the world.