Keith
Nandito ako ngayon sa bahay nina Jaydie para makipaglaro sa anak ko. Hindi ako magsasawang makipaglaro kay Jaykei kahit habang buhay kaming maglaro... pero hindi naman siguro habang buhay. Siyempre, magbibinata, magkakagirlfriend at mag-aasawa si Jaykei. Ayaw ko namang tumandang binata ang anak ko, sayang ang lahi namin 'pag ganun. HAHAHA.
"Daddy, come on let's eat." Nakita kong nakaupo na si Jaykei sa hapag kainan at nilalagyan ni Tita Sharlene ng pagkain ang plato niya.
"Where's your mommy, baby boy?" Hindi ko kasi nakita si Jaydie kanina pa pagdating ko.
"Nasa kwarto pa ata. Sunduin mo na yung bestfriend mo para sabay-sabay na tayong kumain." Sinunod ko ang utos ni Tita Sharlene at umaakyat sa taas.
Kakatok na sana ako sa pinto ng kwarto ni Jaydie ng pansin kong nakaawang ito at may narinig akong nag-uusap sa loob.
"Hon, have you eaten your dinner? You look tired." Ani ni Jaydie habang nakaharap sa laptop niya.
"Already done, hon and yes I'm tired but now that I saw you nawala lahat ng pagod ko. You, my beautiful fianceé is my energy pill... I love you and I miss you." Boses ng isang lalaki. Siguro yun yung fianceé niya.
"Hmp. Bolero. I love you too and I miss you too, hon." Ani ni Jaydie na siyang ikinadurog ng puso ko.
Wala na ba talaga akong pag-asa?
Huli na ba talaga ako?
Akala ko magkakaroon ako ng pag-aasa kay Jaydie dahil may Jaykei kami... pero wala na ata.
"Ke-Keith, kanina ka pa ba diyan?" Natauhan ako ng marinig ko ang boses ni Jaydie.
Nakatingin na ito sa akin at parang kinakabahan?
Bakit siya kakabahan?
Bago masagot ang tanong sa isip ko. Nagsalita na ako sa pakay ko.
"Kakarating lang. Nga pala, pinapasundo ka sa akin ni Tita Sharlene, manananghalian na daw tayo." Hindi ko pinapahalata sa kanya ng narinig ko ang pag-uusap nila.
"Ganun ba. Sige, mauna ka na susunod lang ako. Magpapalit muna ako ng dapit." Tumayo siya sa kama sa nagtungo sa cabinet niya.
"Sige, mauna na ako." Bumaba na ako at dumiretso sa kusina.
***
Jaydie
Ilang araw ko ng napapansin na umiiwas sa akin si Keith. Tuwing pupunta siya sa bahay babatiin lang niya ako tapos maglalaro sila agad ni Jaykei, hindi na siya makikipagkwentuhan sa akin. Kung gusto man niyang ipasyal si Jaykei, hindi na ako yayayain.
Ewan ko ba kung bakit niya ako iniiwasan. Gusto ko sana siyang tanungin...pero wala naman akong dahilan.
"Kamusta na kayo ni Keith,sis?" Kasama ko ngayon si Chenzy at si Patrick, wala ang mag-asawang parang aso't-pusa, nasa hospital nagpa-admit para siguradong nasa hospital na sila 'pag naglalabor na si Zsazsa. Ngayong week kasi ang due date nito.
"Ayos naman." Sabay inum ng ice tea ko.
"Ano niyaya ka na niya ng kasal? Aba'y bride's maid ako huh." Dire-diretsong sabi ni Chenzy.
*cough* *cough* *cough*
"Jaydie, okey ka lang?... Ano ka ba myloves?" Hinahaplos ni Patrick ang likod ko. Walang hiya! Di ako nakaprepare sa tanong ni Chenzy at saktong umiinom ako ng ice tea.
"Nagtatanong lang naman eh." Nakapout na turan ni Chenzy.
Pagkatapos naming maglunch naghiwalay na kaming tatlo. Pupunta pa kasi sa bahay ng mga magulang ng Chenzy at ako, ito nagpalakad-lakad lang sa mall.
Nang makita ko ang red magic pumasok ako. Ibibili ko ng teddy bear si Jaykei para may bago na naman siyang yayakapin sa gabi. Ito lang ata ang nakuha sa akin ni Jaykei ang pagkahilig sa teddy bear.
Habang namimili ako ng teddy bear may napansin akong dalawang couple na namimili rin ng teddy bear.
"Babe, I like this. Can you buy it for me?" Ani nong babae.
"Sure. Let's go the counter babe." Ani nong lalaki.
Teka, parang pamilyar yung boses nong lalaki.
Sinundan ko sila ng tingin sa counter at nakita ko ang mukha nong lalaki.
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at parang napunit ang puso ko.
Kaya pala iniiwasan niya ako nitong mga nakaraang araw.
***
"Hey! Hon, are you okey?" Bigla akong natauhan sa pag-iisip kay Keith ng marinig ko ang boses ni Froilan, nakalimutan kong kaharap ko pala siya ngayon via skype.
"Yeah! Hon, I'm okey. I'm sorry... By the way, how's work?"
"Nah, It's fine. You. How are you? Don't lie to me that you're okey. I know you Honey and sometimes you spacing out. Is there any problem?" Napangiti nalang ako sa reaction niya. Ang gwapo kasi niyang tingnan kapag dire-diretso ang sinasabi niya.
"Wala. Miss na miss na talaga kita." Totoo po yun miss na miss ko na talaga si Froilan, yung pag-aalaga niya sa akin, yung yakap niya at siyempre yung mga halik niya. Hehehe.
"Miss na miss na din kita Hon. Don't worry isang buwan nalang babalik na kayo rito ni Jaykei." Isang buwan nalang pala at babalik na ulit kami sa canada... pero teka, paano si Jaykei? Sandali palang sila nagkakasama ni daddy niya.
"DADDY FROI!" Biglang sumulpot si Jaykei sa likod ko at yung mukha niya nasa harap na ng monitor.
Teka, bakit nandito na to?
Umuwi na ba si Keith?
Hindi man lang nagpaalam.
"Wazzup! Little buddy, how are you?" Bati ni Froilan kay Jaykie.
"I'm very happy Daddy Froi, because I already knew my real daddy and we're always played all day." Masayang sabi ni Jaykei. Nakita ko naman ang kalungkutan sa mga mata ni Froilan.
Tatlong taon din kasing tinuring ni Froilan si Jaykei na parang tunay na anak at ngayon nakilala na ni Jaykei ang tunay nitong ama may kaagaw na siya.
"That's good little buddy. I'm happy for you." Ani ni Keith.
"Thanks Daddy Froi... Oh! I need to take a bath na pala, Daddy Keith told me that I need to take bath after I played before go to sleep. Gotta go Daddy Froi." At umalis na si Jaykei sa harap ng monitor.
"He looks very happy." Ani ni Froilan.
"Yes. Hindi ko alam na matagal na niyang wish ang makilala at makasama ang daddy niya." Naalala ko naman yung lumabas kaming tatlo.
"Hon, I gotta go. May meeting pa ako 10 minutes from now. See you after 1 month. I love you." Ani ni Froilan.
"I love you too, Hon." Pagkatapos naming mag-usap inihanda ko na ang damit pamalit ni Jaykei at inayos ko na rin ang higaan namin.
***
Enjoy reading!
Dkc
BINABASA MO ANG
He Impregnated Me [Completed]
Romance"I love you, Cynthia." He said. "I love you too-- but I'm not Cynthia." Yun na ata ang pinakamasakit na narinig ko sa buong buhay ko. -DeeKeeCee