Simula

76 8 1
                                    


First Day

O   L   I   V   I   A

"Tara na! Tara na!", sigaw ng kuya ko habang nagsusuot ako ng sapatos. "Wait lang sabi eh!", sigaw ko naman pabalik at halos magdabog na ako dahil walang tigil siya sa paninigaw. Kala mo naman ang excited pumasok eh.

Mabilis kong dinampot ang bag ko habang patuloy na ang paglalakad papunta sa may hagdanan namin. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone kong nasa bulsa ng mahaba kong palda kaya kinuha ko ito kaagad.

Nakita ko ang dalawang text mula sa bestfriend ko na si Gabrielle.

Gabby 💓
BHE NASAN KA NA?
ANG DAMING TAO DITO HUHU SEND HELP

Sumigaw na naman ang kuya ko at napa-irap na lamang ako sa kawalan habang nagta-type ng reply.

Olivia
WAIT LANG, PAALIS NA

Si Gabrielle Kaye C. Sanchez ay isa sa mga bestfriends ko. Blogger yan, sobrang nakaka-aliw ang mga posts niya sa Instagram at pati na din sa mga blogs niya. Madaming mga lalaki sa aming school at pati na rin sa ibang mga school ang nagkakagusto sa kanya. Di naman natin sila masisisi, bukod sa napaka-sikat ng babaeng toh, di hamak na mabait din at maganda.

Nakadating na ako sa aming school nang biglang sunod sunod na nag-vibrate na ang cellphone ko kaya naman kinuha ko ito ulit. Nakakita naman ako ngayon ng limang text mula sa iba't iba kong mga kaibigan.

Jayce 👽
Tatlo pala new students satin?

Jena ❤️
KINAKABAHAN AKOOO
Nasan ka na ba?

Gabby 💓
OMG MAY KAMBAL NA BAGO?

Ryan 🌞
Good luck sa first day!

Bigla namang may kung anumang lungkot ang dumaloy sa akin nang makita ko kung sino ang huling nag-text. Si Ryan M. Flores ay isa sa pinaka-matalik kong kaibigan na lalaki. Pero ngayong taon, nagka-hiwalay na kami dahil sa desisyon ng mga magulang niya na ilipat siya ng ibang school. Hay, ang sad naman talaga ng life.

Si Jayce G. Salvador naman ay bestfriend ko din. Kasama siya sa banda ko at itong lalaking toh ang pinaka-maaasahan. Kaso nga lang, siya na yata yung pinaka-madrama at punong puno ng problema. Pero kahit naman ganun, palagi pa rin siyang nanjan para sa akin. Ang swerte ko noh?

Ano nga bang meron ngayon? Ah. Unang araw namin ng pagiging Grade 10.

Pagkatapos kong basahin ang mga text nila ay una kong rineplyan si Ryan.

Olivia
WALANGYA KA MANG-IIWAN! 😭 Good luck din, miss na kita! Ingat jan ha!

Magta-type na sana ako ng reply sa iba ko pang mga kaibigan pero na-udlot ito nang biglang may kung sino man na naka-bangga sa akin. Mabilis akong napa-angat ng tingin at halos malagutan na ng hininga sa nakita ko.

Isang matangkad na lalaki, siguro mga 5'7, ganun. Base sa build ng katawan niya, halos mapagkakamalan ko na siyang basketball player. Moreno din siya at kulay dark brown ang mapupungay niyang mga mata.

In short, pogi.

Nagkatitigan lamang kaming dalawa doon at natigil naman ako nang bigla na siyang mag-salita. Bumagsak nalang bigla ang tingin ko sa aking mga paa.

"Miss?"

L  I  O  N  E  L

"Classmates pala tayo! Nice!", yan ang unang sabi ni Kael sa akin pagkatapos kong sagutin ang tawag niya. "Oo! 10C, right?", taas-kilay kong tanong at agad naman siyang um-oo. Napatingin ako sa wall clock na malapit sa aming dining table at napagtantong 6:53 na pala. Kailangan ko nang umalis.

"Sige bro, mamaya nalang.", paalam ko sa kanya at pagkatapos niyang magpaalam ay binaba ko na ang tawag.

Si Kael D. Bautista nga pala ay ang ka-teammate ko sa basketball kahit pa noong Gradeschool. Nakilala ko siya dahil sa mga common friends namin pati na din nang dahil sa basketball at labis ang kanyang pagkatuwa nang malaman niyang lilipat na ako sa school nila.

"Bye, Mom.", paalam ko sa Nanay ko habang bumababa sa aming sasakyan. Nginitian niya naman ako at nagpaalam na din.

Tumingala ako para makita ang kabuuan ng building namin dito sa Ateneo de Laguna. Pinasadahan ko ng tingin ang mga taong may kani-kanilang mundo.

Nagpakawala ako ng hininga bago tuluyang akyatin na ang hagdanan sa aming building. Ang problema nga lang, hindi ko alam kung pang-ilang floor kami ... pati na din kung saan ang classroom ko. I guess I'll have to find out for myself, huh?

Pagkadating ko ng second floor ay puro mga elementary ang nakita ko doon kaya naman naisip ko na baka hindi kami doon. Dahil sa paghahanap ko sa kung saan kami, hindi ko namalayan na marami pala talagang tao sa paligid kaya naman dere-deretso lang ako sa paglalakad.

Napatigil na lamang ako nang makabangga ako ng kung sino. Nag-angat ako ng tingin sa kung sino man ang nabangga ko.

Isang morenang babae na may mahabang kulot na buhok. Yung pagka-kulot ng buhok niya, sa may dulo lang at medyo brown din ang dulo ng buhok niyang iyon. Hindi siya katangkaran at kulay dark brown ang kanyang mga mata. May suot din siyang kwintas na may symbolic na pendant.

"Miss?", kinakabahang sabi ko. Damn, she's just a girl. A pretty girl, indeed. Ano bang nangyayari sa akin?

Nag-angat siya ng tingin sa akin at mas lalo akong kinabahan. What the fuck, Lionel?

Meant To GoWhere stories live. Discover now