Chapter 4

18 3 0
                                    

Andrea's p.o.v

One month na rin kami ni Sophie sa trabaho namin. malaki na ang naiipon namin. Aaminin ko na mahirap ang trabaho pero kaya naman.


Yung nanggulo sa akin noon? Di na ulit bumalik sa club. Mabuti nga yun. Pero nilapitan ako nung kasama nila na gwapo. Yung mabait. Nagsorry siya sa ginawa nung Drake na yun. Syempre kinilig ang lola niyo. Wag kayong judgemental diyan. Minsan lang akong kiligin.


So ayun na nga, nagtrabaho na ako.


Nakita ko naman siya, si kuyang gwapo na nag sorry para sa kaibigan niya. Umiinom siyang mag isa. Ang lungkot niya parang kanena nung kausap niya ako di naman yun malungkot. Gusto ko siyang lapitan kaso parang FC (feeling close) naman ang dating.


Di ko pa pala nasasabi sa inyo na napapansin ko sila Sir Stephen at Sophie na parang ang close na nila ha? Kung minsan kasi nakikita ko silang nagtatawanan. Tinukso ko nga minsan si Sophie eh. Alam niyo niyo bang nag blush siya at tumakbo? ang gaga iniwan ako? 


Kinabukasan


Nandito ako ngayon sa isang park, nakaupo sa swing. Dalawang oras na ata ako dito. Naghihintay ng himala na yumaman ako ngayon, as in ngayon na. Alam kong impossible. hahaha joke lang. gusto ko lang talagang tumambay at mag muni-muni.


Iniisip kung may magkakagusto pa ba sa akin. Hindi naman sa nagmamadali ako, pero naisip ko lang kasi. Ang pangit ko, wala namang nagkakagusto sa panget diba?


Sa fairy tale siguro meron. Kaso sa totoong buhay? Wala naman diba?


May mga dumaan na bata at tinawanan ako kasi ang kapal daw ng glasses ko.


Napabuntong hininga nalang ako. Alangan namang patulan ko. Masama yun.


Tumayo na ako at naglakad. Pupunta ako sa mall para bumili ng gatas para sa kapatid ko. Gusto kasi nun na umiinom ng gatas bago matulog. Kaya heto ako ngayooon. Nag iisaaa. Naglalakbay sa gitna ng diliiim. Ay! parang kanta siya noh? eh hindi naman dilim tong dinadaanan ko.


Sumakay nalang ako ng bus. Pagkadating ko sa mall ay deritso ako sa grocery store. Kumuha ako ng gatas at binayaran ko yun.


Naglibot-libot muna ako. Tumitingin sa mga dress na nasa boutique . Napaisip naman ako kung kailan ako magkakahilig sa mga dress na ganyan.


Oo may mga party na nagaganap sa TEA pero di naman ako umaattend at hindi pa ako nag attend ni isa. Ayoko lang talaga ng mga pasosyal na mga bagay at ganapan. You can't blame me. Laking mahirap ako.


Lumabas na ako dahil halata mo na naiinis na yung mga saleslady kasi napapagod na sila sa kakasunod sa akin wala naman akong binibili. Duh? edi wag silang sumunod? Kala mo naman nanakawin ko yung mga tinda nila.


Pagkalabas ko ay may nakita akong lalaki na parang sinusundan ng isang babae na salita ng salita pero di naman pinapakinggan. Aba ang bastos naman nung lalaki. Pero teka...

When The Nerd Fell In LoveWhere stories live. Discover now