Kabanata 49

40.2K 707 76
                                    


Travis POV

"Basta, tutulungan niyo ako ah?" Ngumiti ako sa dalawa habang sabay-sabay kaming naglalakad.

"Ha? Ano gagawin namin ni Kuya?" Inosenteng tanong ni Kristian habang hawak-hawak ang isa niyang laruan.

"Di 'ba..." Napahinga ako ng malalim. I-e-explain ko ulit sa kanila, "....I asked for your help..."

Nilingon ko si Kara na nasa may bandang likod namin. Saglit na napakunot ang noo ko nang mapansin kong malalim ang iniisip niya, pero agad 'rin 'yong nawala nang hawakan ko ang isang box sa bulsa ko na may laman na kwintas.

Katunayan ay noong isang araw ko pa talaga nabili ang kwintas na iyon, nagkataon lang na nadaanan na naman namin ang jewelry store.

Kumpleto na rin ang mga kakailanganin ko para mamaya. 'Yung singsing na nabili ko ay nasa kabilang bulsa ko rin. Tanging ang sagot nalang niyang oo ang kakailanganin ko para mas maging kumpleto at masaya ang araw na ito.

"Anong help, Papa? Ni-kalimutan yata ni Kris eh." Sabi ni Kristofer.

I sighed. "Di 'ba... Like I've said yesterday, mag-po-propose ako sa Mama n'yo mamaya? Ikaw Kristofer kapag tulog na si Mama, puntahan mo na muna ako sa may terrace, para ma-ready na natin yung set-up." Sabi ko kay Kristofer, tumango lamang siya. "Ikaw naman Kris, H'wag ka munang sasama sa Kuya mo. Hintayin mo muna siyang makababa, then pag natapos kami ni Kuya mo ay pababalikin ko na siya sa kwarto tapos kunwari may sunog para magising si Mama."

"Eh?" Sabay nilang reaksyon, "Bakit may sunog, Papa?"

Muli akong napahinga ng malalim. "Kunwari lang naman 'yung sunog, anak. Kasama 'yun sa plan natin."

"Ah... Oo nga pala!" Ani Kristian.

"Basta ha. Kapag okay na ang lahat sa terrace mamaya, saka n'yo gigisingin si Mama n'yo, may ibibigay ako sa inyong panyo. I-blindfold n'yo si Mama. Basta kailangan matakpan muna ang mata niya habang papunta kayo sa terrace."

"Ah, sige Papa! Gusto ko 'yan!" Natutuwang sabi ni Kristofer.

I smiled, "Basta ha. Gagalingan n'yo mamaya para may regalo sa inyo si Papa.." Ngumiti muli ako habang sabay na kinukurot ang pisngi nila, "Kapag sinagot na ako ni Mama n'yo mamaya. Eto na siguro ang pinaka-masayang birthday ko sa lahat."

"Sasagutin ka ni Mama. Sabi kasi niya crush niya si Papa eh." Tanong pa ni Kristian.

"Sana."

Nakarating kami sa tapat ng restaurant. Bago kami pumasok sa loob ay nilingon ko muna si Kara sa may bandang likuran namin. Narinig niya kaya 'yung mga sinabi ko sa anak namin?

"Papa! Gutom na ako...."

Napa-kunot ang noo ko nang hindi ko mahagilap si Kara, "Kara?"

Hinawakan ko ang kamay ng dalawang anak namin. Muli kong inilibit ang paningin ko.

"Baby, nag-cr siguro si mama." Sabi ko sa kanila nang makita kong malapit lang pala sa amin ang restrooms.

Kinakabahan ako mamaya. Kapag nagkataon, kung sasagutin na niya ako at sasabihing pakakasalan na niya ako ay ako na siguro ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo.

Sana lang ay hindi ako mabigo.

Ilang minuto pa ang nakalilipas nang hindi pa rin bumabalik si Kara sa amin. Isinama ko ang dalawa sa tapat ng ladies room. "Baby, dito lang kayo. Titignan ko lang si Mama sa loob." Sabi ko sa kanilang dalawa.

Tumango naman sila, "Sige, Pa."

Nang makapasok ako sa cr ng mga babae ay nagtataka ang kanilang tingin,p.

WITH LOVE (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon