51: THE ADOPTED

786 21 2
                                    

Someone's POV:

"Gabi na mga bata bakit di ka pa kayo umuuwi siguradong alalang alala ang mga magulang niyo sa inyo at baka kanina pa kayo hinahanap."= Yan agad ang bungad samin ng madre ng ampunan na aming natagpuan ng aking kapatid



Sa tingin nito siguro ay nawawala lang kami at hinahanap nang mga mapagmahal naming mga magulang ngunit lahat ng ito at hinala lamang dahil puros kabaligtaran lamang ito. Walang maghahanap at higit sa lahat walang mag-aalala.


"Wala naman pong mag-aalala sister. Kung sakali man kami ay pumunta dito. Kami po nang aking kapatid ay ulilang lubos na tanging tiya na lamang namin ang nag-aalaga samin pero sinasaktan lang po kami nito at Hindi inaalagaan sa katunayan nga po isa pong sindikato ang aming tiya kaya ganyun na lamang kung kami ay saktan."=Seryoso kung kuwento dito ngunit lahat ng aking binanggit ay pawang mga Hindi totoo.



Tiningnan ko naman ang aking kambal na kanina pa tikok at walang imik ang bibig. Siniko ko ito ng Hindi makikita ng madre upang magsalita at Hindi kami dalawang paghinalaan na lumayas lang.



"Totoo po iyon sister kaya kung mararapatin niyo po sana ay tumuloy na kami pansamantala rito sister sige na po maawa kayo sa mga tulad naming pinagkaitan ng kasiyahan ng tadhana"= lubos naman ang bilib ko ng makita na lumuha at lumuhod talaga para magmakaawa sa madreng kaharap namin.


Hindi nga ako nagkamali na isama siya sa mga gagawin kung plano para sa aming pangarap. Nag-isip at tila naawa ito sa tinuran na ang aking kapatid nang makitang lumuluha ito.


"Tiyak namang Hindi kayo nagsisinungaling dahil nakikita ko naman sa mga mata ninyong magkapatid sang sinseridad. Kung ganyun nga ang ginagawa sa inyo nang inyong tiya. Ay pumapayag na kung manirahan kayo sa ampunan dalawa"= ngumiti. Naman ito ng Kay tamis sa aming dalawa at agad din kaming pinapasok na.

          

Tiyak na magiging masaya ang pansamantalang pagtuloy namin sa ampunan na ito. >:).

----

"Tama na yan! Itigil niyo yang dalawa. Pinapatay niyo lang siya!"= sigaw ng isang batang nangangalang Amy na aming kasamahan sa ampunan.


"Wag kang makielam kung ayaw mong idamay ka ng kakambal ko. Manahimik ka na diyan at magbulag bulagan sa gagawin niya"= cold na pagkakasabi nang aking kapatid habang nagpipinta at walang pakielam sa ginagawa ko.


Nagkaroon ngayon ng away sa pamagitan ng batang kaedad ko lamang sa akin. Sinasakal ko ng ubod na lakas si Clara ang batang aking nakaaway. Habang natatakot yung iba sa ginagawa ko dito ang kapatid ko naman ay walang pakielam. ^_^



"H-hindi ako makahinga...b-bitawwww-annn mo ko"= tanging yan lang ang kaya niyang sambitin sa akin.



"Ayoko lakas ng loob mong kalabanin ako. Pwes mamatay ka muna bago kita pakawalan."= ngiti Kong sabi dito.


Halos lahat ng nakarinig sa sinabi ko natakot yung iba naman lumapit at hinihila ako palayo kay Clara. Mga walang hiya epal. Naasar ako dun sa humila at inuntog ko sa pader ng paulit-ulit tapos tinitigan ko nang matalim ang mga magbabalak pang umawat.



Napabaling muli ang aking atensyon Kay Clara na siyang nakatayo na mula sa pagkakadaganan ko. At hinahabol ang hininga niya. Lumapit ako sa isang batang may hawak ng gunting at hinigit ito para maibigay sakin.



"Anong balak mo saksakin mo ko? Hindi ka ba natatakot sa gagawin mo makukulong ka pag pinatay mo ko kasama yang kakambal mo!"= Clara said.


"As if namang makukulong ako at ang kambal ko"= nginitian ko naman ito pabalik.


Palapit na ako ng palapit dito habang yung iba naiiyak na sa gagawin ko. Tsk. Mga duwag makita na pinapatay ko ang kasama nila. Susugurin ko na sana ito hawak ang gunting ng may umepal na naman . buwiset!



"Tumigil kayo andyan na sina sister papunta na dito."= sabi ng batang maliit lamang kung titingnan na siya nag silbing asset sa kin.


Napangiti naman si clara nang mapatigil ako pero Yun lang ang akala niya. Kaysa Kay Clara ko isaksak yung gunting sa kin ko pinagsaksak sa katawan ko.



"Anong ginagawa mo itigil mo yan!"= sumigaw na naman si clara.



"Walang mangingielam.at walang magsusumbong kung ayaw niyong kayo ang saksakin ko!"= pagbabanta ko sa lahat ng batang nandito na pinagtutukan ko pa ng gunting na hawak ko.


Pagkatapos kung saksakin ang sarili ko na siya namang ramdam ko ang bawat dugo na umaagos sa katawan ko ay hinagis ko yung gunting sa pwesto ni Clara.Saktong pagdating naman nang mga sister.




Section-Ace: {CLASS PICTURE}Where stories live. Discover now