#Fear 55-Pt.2: Please Be Mine Again
✙ Xenzel's POV ✙
"Ilang beses ko na itong natanong sa iba pero gusto kong sa'yo ko mismo marinig ang sagot." Ibinaba ko ang tingin ko sa platong nasa harap ko.
"Sige."
Hay... Nakakatakot pakinggan nung isasagot niya. Baka kasi umandar na naman yung katangahan ko at mainis na naman ako nang walang sapat na dahilan.
"Bakit ka...pumapatay?" I slightly bit my lower lip to ease myself.
Narinig kong bumuntong-hininga siya nang mahina bago siya sumagot.
"Hindi naman kung sinu-sino lang yung pinapatay ko, fi." Kalmado niyang tugon. "Bago kami pumapatay, sinisigurado muna naming karapat-dapat patayin ang isang tao. May tatlong rason ang VEMUS sa pagpatay. Una, kapag pinagtangkaan nila ang buhay namin o ng mga taong mahalaga sa'min. Pangalawa, kapag may ipinahamak silang miyembro ng VEMUS. Pangatlo, kapag sinalakay nila kami."
Hindi ako sumagot. Napatingin lang ako sa seryoso niyang mukha. Nakatingin din pala siya sa'kin.
"Ah, may pang-apat pa pala." He snapped.
"Ano yun..?"
"Kapag napatunayan naming banta sila sa kaligtasan ng mga tao sa Serlande, sa mga maharlika, o sa kahit na saang kaharian." Sagot niya sabay buntong-hininga ulit. "Gaya ng sabi namin sa'yo noon, fi... Ang VEMUS ay isang meritocratic society. Hindi kami pinulot lang sa kung saan-saan at ni-recruit bilang miyembro ng VEMUS. Nagtraining kami at nag-aral para magampanan namin ang mga tungkulin namin sa VEMUS."
"Pero sabi ni ate Janeka, partly mafia daw ang VEMUS." Giit ko.
"PARTLY." Pagdidiin niya sa PARTLY na word. "Dahil pumapatay kami bilang pagsunod sa utos ng mga maharlika."
"Ano?" Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. "Ang mga maharlika ang nag-uutos sa inyo?"
"Ang Confederation of Kingdoms ang nagtayo ng VEMUS. Itinayo nila ito dahil sa nangyari 13 years ago. Gusto nilang siguraduhin ang kaligtasan ng Serlande kaya nagpasiya silang gumawa ng isang malakas na grupo. Nagkataong si dad ang rank 1 na heneral ng Ydrasil Royal Army noong mga panahong yun, kaya siya ang inatasang maging pinuno ng bubuuing grupo. Layunin niyang palakihin ito at paramihin ang mga miyembro nito."
Natameme na lang ako.
Involved na pala ang mga royalties dito.
"Tumulong ang Confederation of Kingdoms sa paghahanap ng mga miyembro. Nagpadala pa sila ng mga pribadong sulat sa magagaling na assassins sa ibang mga bansa. Sina Damsel, Jatt, Lai, Maika, Hiro, at ang iba pang mga miyembro ng VEMUS na nagsasalita ng puro Ingles, galing sila sa ibang bansa."
GRABE... IMPORTED PALA YUNG IBANG MIYEMBRO NG VEMUS!
"Kung pumapatay kami nang walang dahilan, malamang dinakip na kami't pinapatay ng Confederation of Kingdoms, fi." He added.
Tama nga naman siya...
Hindi na rin naman ako galit o ano. Malinaw na rin sa'kin ang lahat. Gusto ko lang talagang maintindihan ang sitwasyon niya. Ang side mismo niya.
BINABASA MO ANG
Ghosts and Gangsters
Romance"Hindi ako natatakot mamatay at pumatay, pero natatakot akong mawala ka kasi mahal na mahal kita." #COMPLETED ☣ von Einsiedel Series 1 Dalawa lang ang lugar na pwedeng puntahan ni Xenzel: sa lugar ng mga multo o sa lugar ng mga gangsters. Takot lab...