Yhannie POV
"Hey mani mani mani! Mani mani!"
"Yhannie! Ano ba ang ingay mo! Ke aga aga kumakanta ka nanaman nang mala alien na kanta!" Napatigil ako sa sigaw ni mama.
Kaloka tong nanay ko. Unti nalang iisipin kona crush nya si elyen! Ang gwapong alien sa bts.
Gusto nyo ba ako makilala? O hindi na? Sige na nga. Ako nga pala ang nagiisang babae sa buhay ni Ji-- este ako si Yhannie Salvador I'm already 17 year's old na. Nakapag tapos narin ako nang College pero wala pa akong mahanap na aaplayan. I'm a number 1 fan of Park Jimin! Kilala nyo ba sya? Sige ipapakilala ko sya. Pero syempre dapat pakilala korin ang mga kaibigan nya. Siguro naman narinig nyo na ang BTS? Sila ang sikat sa korea hindi naman sila lang. Binubuo sila nang pitong nag g-gwapuhang lalaki na sina, Rap Monster ang ma ala armalite sa kanilang pito. Sya ring ang leader sa kanila. Sumunod naman na ma ala armalite din ay sina Suga na sinalo na lahat ang kaputian sa balat nang korea, at si J-hope naman akala mo binanlian ang kanyang bewang sa lambot. Sunod naman ang kanilang nanay na si Jin. Naku! Kung matitikman nyo ang luto nya siguradong magiging pink ang puso nyo! Then sunod naman ang ma ala alien sa kanila pito, yung hindi gawain nang isang tao ay ginagawa nya. Akalain nyo akala nang anim ay mabagal talaga ang WiFi yun pala saksak at tanggal nya haha, talagang babagal yun. Pero alien at wierd naman sya naku! Ang gwapo naman nya at baka kapag pinaringgan nyo ang solo nya na STIGMA baka mainlove kayo sa kanyang magandang boses, gosh! Nagkakasala ako sa aking asawa. At ang sunod naman na ipapakilala ko sa inyo ay ang kanilang Golden MakNae na si Jeon Jungkook, naku! Isa payan akala mo nabanlian ang buto nyan sa lambot nang katawan nya at sa galing nya sumayaw at kumanta. At last, sino paba? Ang aking pinaka mamahal na si Park Jimin, ang pambansang PANDAK nang BTS, pero wag kayo! Kahit maliit sya bali bali na ang buto nyan sa sobrang lambot nang katawan nya. At ang isa pa ang sobrang pamatay jan sa unano nayan ay ang kanyang ABS! Gosh! Try nyo panoorin yung No More Dream! At makikita nyo ang hot nyang katawan!
"Yhannie! Mag hihintay kapa ba nang tagsibol? Bago maghanap nang trabaho? Jusko naman anak! Tumatanda nako, kaya kelangan maghanap ka nang trabaho mo!"
Jusko! Kung hindi lang lumipad ang ama ko sa kabilang bahay edi sana hindi nag gaganyan ang aking nanay.
Huminga ako nang malalim at tumingin kay mama. "Mama! Alam ko na po iyan, maghahanap naman po talaga ako nang trabaho kahit taga laba pa yan. Pero wag muna ngayon ma! Kasi panonoorin kopa ang video ni Oppa na solo nya, pangako bukas! Maghahanap na talaga ako nang tabaho ko! Bye bye! Saranghaeyo!" Sabi ko at tumakbo na pa akyat sa kwarto ko, habang hindi pa lumilipad ang sandok na hawak nang nanay ko.
"Jiminie! I love you!" Sabi ko at hinalikan sya, syempre. poster lang yun. Wahahahaha.
❌❌❌
Dizzy Note's
Ganyan din ba kayo bago matulog? Pwes parehas lang tayo haha. Keep supporting my stories. vote and comment nalang kung nagandahan kayo 😙