-Napakamakapangyarihan ng Pag-ibig
Ni hindi mo alam kung paano ito madadaig
Mula sa taas, ika'y pabababain.
Mula sa kalakasan, ika'y sisirain.
-Walang makakatalo sa bagsik ng pagmamahal.
Kahit anong bagay sa mundo hindi ito mapapantayan
Sadya itong malakas, nakakapanghinang labis
Ganyan ang interpretasyon nila sa Pag-ibig
-Ngunit ang pag-ibig, ito ba ay napagod?
Ni minsan man lamang ito ba ay natakot?
Sa mga taong lagi sa kanya ang sisi
Na ang tangi niyang trabaho ay magbigay ngiti sa labi
-Nasubukan na bang umiyak ng pagmamahal?
Sa kadahilanan siya ang may kasalanan?
Ng lahat ng pasakit at hirap sa mundo
Gusto lamang ng Pag-ibig na magkaisa tayo
-Kung ganyan ang pananaw natin sa pag-ibig
Hindi tayo nagmahal, nabuhay lamang sa galit.
Sa pagmamahal dapat tayo'y magtiwala
Wag matakot at wag mabahala.
-Dahil ang pag-ibig ay nagbibigay
Ang pag-ibig ay tumatanggap.
Ito ay tulad ng tubig na pampawi ng pagkauhaw
Tunay na pag-ibig, sadyang makapangyarihan.
BINABASA MO ANG
Compilation of Poetries
PoetryHindi po ito istorya. Ito po ay ang mga tulang isinulat ko noong mga panahong boring ako, nasasaktan, inspired, at wala lang magawa sa buhay. Corny man pero isheshare ko at walang aangal. Charr :v Salamat sa pagtatangkilik.