Chapter 32

13 0 0
                                    

Clarence's pov

Saktong pagdating ko sa room ay kakatapos lang ng unang klase haay grabe nakaka stress talaga ang araw na to

Dumating na yung next na teacher namin pero lumipas ang isang buong oras pero di ako makapag focus sa mga pinapaliwanag ng teacher namin. Natapos na ang 2nd class namin pero dipa rin mawala sa isip ko yung mga nangyari

Ngayon ko lng napansin na wala pala si Nathan sa room kaya binalak ko syang itext nalang pero pagbukas ko ng cp ko nkita kong may text si Nathan

Sms from Nathan<3

Clarence di na muna ko papasok ngayon ha iuuwi ko nalang muna yung mga gamit ko sa locker ko at babalikan ko nalang yung iba mamaya at susunduin kita pagkatapos ng training nyo ha osya take care always Clarence i love you see you later

Infairness di talaga halata kay Nathan pero ang cute talaga ng ganitong side ni Nathan na super sweet and caring

Sms to Nathan<3

Ok Nathan siguraduhin mo lang na susunduin moko mamaya ha kundi dadagdagan ko yang mga pasa mo haha joke lang i love you too take care din.

Natapos na ang mga klase ko at dumiretso na agad ako sa may pool area pero si coach palang ang tao dun

"Clarence buti at dumating kana may ipapabigay ako kay Nathan nakalimutan ko kasing ibigay sa kanya to kanina kaya ikaw nalang ang magbigay nito sa kanya ha" utos sakin ni coach

"ah coach babalik pa naman po sya dito mamaya kasi kukunin nya pa po yung natirang mga gamit nya at susunduin nya ko"

"ah ibig sabihin totoo pala yung nabalitaan ko na kayo na ni Nathan. Yun ba ang dahilan kung bakit nag away sila ni Baste?" usisa sakin ni coach

"ahmm opo coach tama po kayo"

"alam moahirap talaga yung ganyan kaya lalong dapat maibigay ko sa kanya to dahil sayang naman yung potential nya kung ihihinto nya nalang dito yung career nya" sabi ni coach

"ha bakit po coach ano po ba yang envelope na yan"

"ah eto ba invitation to para sa try outs ng junior division ng philippine team" ani ni coach

"po pero kakayanin nya po kaya yan hindi po ba mahirap makapasok dun?"

"wala namang mawawala kung susubukan nya diba pati ikaw at si baste ay pwede ring sumubok dito" pag anyaya nya sakin

"ayos po yan coach pupunta po ako" biglang sabat ni Baste

"dapat sumama ka rin Clarence malay mo makapasa tayo" dagdag pa nya

"ahm coach pag iisipan ko po muna pero kung sasama po si Nathan sasama po ako"

"hahaha magsasayang lang ng oras si Nathan dun dahil wala syang pag asa makapasok dun" biglang sabat ni baste

"sige po coach magbibihis na po ako para sa training"

Nathan's pov

Saktong pagdating ko dun sa club room ay kinuha ko na agad yung mga natira kong gamit at paglabas ko ay nasalubong ko pa si Baste

"mabuti naman at tinotoo mo yung pag alis mo" sabi sakin ni Baste

"oo sige aalis na ko sana maging masaya ka na sa pag alis ko"

Di ko na hinintay na sumagot sya at umalis na agad ako

Pagdating ko sa pool area ay nakita kong magkausap si coach at Clarence kaya lumapit ako sa kanila

"hi Clarence, hi coach"

"oh Nathan andyan kana pala teka lang ha magshshower lang ako tsaka gusto ka rin pala makausap ni coach" sabi sakin ni Clarence

"ah coach bakit nyo po pala ko gustong makausap?"

"para ibigay sayo to Nathan" ani ni coach

"ano po ito coach?"

"invitation yan sa isang try out para sa juniro division ng philippine team sana ay mag try out ka dyan sayang naman yu g potential  mo kung titigil mo na dito ang career mo" sabi ni coach sakin

"wag kanang magsayang ng pagod at oras mo dyan Nathan dahil wala kang pag asa dyan"biglang sabat naman nito ni Baste

Pagkatapos nun ay lumabas na si Clarence

"ahm sige po coach aalis na po kami salamat nga po pala dito"

Pagkatapos kong magpaalam ay umalis na kami ni Clarence

Pagdating namin ni Clarence sa bahay nila

"Nathan pupunta kaba sa try out na yun? Kasi kung di ka pupunta di na rin ako pupunta" tanong sakin ni Clarence

"pag iisipan ko muna Clarence sasabihin ko nalang sayo kapag nakapag desisyon na ko"

"ok sige mag iingat ka sa pag uwi ha i love you" sabi ni Clarence sabay humalik sa pisngi ko

"i love you too oh paano text text nalang see you tomorrow susunduin nalang kita dito bukas"

"basta dapat kung pupunta ka agahan mo ang pagpunta dito kasi ang sabi ni coach 7am daw magsisimula yung try out sa school natin" sabi pa ni Clarence

"ha bukas na ba agad yun edi parang wala na pala kong oras para mag isip osya sige Clarence basta kung sakaling pupunta ko dun ay susunduin nalang kita ng 6am bukas at pag hindi ako dumating ibig sabihin di ako pupunta at 7am kita susunduin"

"ok sige umuwi kana para makatulog ka ng maaga at makapahiinga ka ng husto" pagkasabi nun ni Clarence ay pumasok na sya ng bahay nila

Pagdating ko ng bahay ay ibinalita ko kanila momy yung tungkol dun sa try out

"alam mo anak dapat subukan mo malay mo makuha ka diba at least kahit umalis ka ng team nyo matutuloy mo pa rin ang pag sswimming mo" sabi sakin ni momy

Kung sabagay tama naman si momy kaya umoo nalang ako

From Bestfriend To Girlfriend?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon