10.#IDENTITYeyeToEye

167 35 2
                                    


Julia Park...

"Julia.!"- sigaw ng teacher ko.

"Po?"

"What is the meaning of Pharmacy?"- tanong nya.

Tumayo ako.

"Pharmacy is the science and technology of preparing and despensing drugs."- sagot ko.

"Good. You may sitdown."- sabi nya.

Naramdaman ko namang may sumisipa sa likod ng upuan ko.

Lumingon ako kay Mattew.

"Ano bang problema mo?"- mahinang tanong ko.

"Ang galing mo."- sabi nya.

Tss! Yun lang pala kailangan pang sipain ang upuan ko.

Bumalik nanaman ang pag-iisip ko kay Keylla. Kanina pa ko nag-iisip hanggang ngayong 4th class ko..

Ano na kayang nangyayari sakanya. Kailangan ko na talagang mahanap ang taong kumuha sakanya.

"Class Dismiss."- sabi ni mam.

Inayos ko na ang gamit ko at pumunta na sa cafeteria.

Nag earphone ako pero walang music. Nagsimula na kong kumain.

"Umalis ka dyan!"- rinig kong sabi ng lalaki.

Tinanggal ko ang earphone sa kanang tenga ko.

"Wala naman tong pangalan para ikaw lang ang umupo dito."- sabi ko. Ibabalik ko na sana ang earphone ng nagsalita sya.

"Nag earphone ka pero walang music."- sabi nya.

"Pano mo nalaman?"- tanong ko.

"Narinig mo ko kanina kahit may earphone ka. Kung may music yan hindi mo ko maririnig agad."- sabi nya.

Matalino sya ah.

"Umalis ka na dyan bilis."- sabi nya.

Tinayo nya ko at binigay sakin ang pagkain ko. Dumating naman si Francis kasama ang dalawang kaibigan nya.

Pinag gitnaan ng dalawa nyang kaibigan ang lalaking nagpaalis sakin then nasa harap nila si Francis.

"Oh sige pa. Kainin mo din to."- sabi ng nasa kaliwa nya.

Hinahagisan sya ng pagkain sa mukha.

Grabe tong mga to ah.!!

"Wag nyong gawin yan! Tinigilan nyo na sya."- sabi ko.

Biglang may humawak sa braso ko.

"Wag ka ng mange-alam."- sabi ng humawak sa braso ko.

"Pero ang sasama nila.!"- sabi ko.

Pinilit nya kong paupuin sa kabilang lamesa. Napatingin naman ako sakanya. Si kenzo nandito tin si Jenny.

"Wag kang mange-alam sa ginagawa nila. Dahil sigurado ikaw ang isusunod nila."- sabi ni Jenny.

"Pano nyo nalaman?"- tanong ko.

"Dahil mayaman din kami katulad nya. Yun nga lang mabait kami."- sabi ni kenzo.

Hindi na ko nagsalita pa.

Pagtapos ng nangyari pumunta naman ako sa Broadcasting studio para puntahan si Justin.

"Oh ate.! Kumain ka na ba?"- tanong nya pag pasok ko sa studio.

"Oo. Ikaw kumain ka na?"- tanong ko.

"Oo. Lagi akong dinadalhan ng lunch ni sandra."- sagot nya.

Bigla namang may pumasok. Si Sandra.

IDENTITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon