Chapter One

4K 50 2
                                    

Chapter One

Past


Sinuot ko ang aking kwintas at napatingin kay Zea dahil bigla siyang nagdabog, umupo siya sa upuan na pinagdabugan niya. Gulo gulo pa ang kanyang buhok dahil galing pa siyang kama at pagkakatulog, aninag ko pa ang kanyang morning glory.

Isinarado ko ang aking cabinet at kinuha ang suklay saka lumapit sa kanya, I combed my hair. Kinuha ko ang face towel ko saka inilagay kaagad sa buhok ko para sa excess tubig dito.

"Ang aga aga ay nagdadabog ka..." mahinahon kong sabi. Mabuti nalang ay wala na dito sila Ate Rain at Ate Gelay dahil ala siyete y media ang kanilang mga pasok ngayon.

"Eh kasi!"

I watched her remove her own morning glory at inayos ang kanyang buhok.

Tinapik ko ang kanyang balikat, "Tooth brush, Zea. Gumalaw ka na! May alas diez ka pang klase!" sabi ko habang lumalayo sa kanya para puntahan ang bag ko at ayusin iyon.

"Ayoko pumasok, shit! Gusto ko lang matulog! Ayoko na!" rinig ko pang pagmamaktol niya.

"Saka ka aayaw kung kailan patapos na ang sem? Really, Zea Isabelle? H'wag kang umarte ng ganyan! Tumayo ka na at maligo, c'mon!" sumimangot lang siya sa akin.

"Bakit ba sobrang sipag mo, 'no? Pahingi ngang kasipagan!" rinig kong sabi niya habang inaayos ko ang aking bag.

She's been fussing about everything again! Ganito siya lagi kapag stressed na stressed na siya sa buhay niya. Huminga ako ng malalim at umayos ng tayo para tingnan siya.

"Ang pagiging masipag ay hindi hinihingi, Zea Isabelle!" umawang ang kanyang bibig sa aking sinabi.

"I really hate how righteous you are," she remarked before going inside the bathroom.

Natigilan ako sa kanyang sinabi. That phrase was so familiar. Umiling ako at huminga ng malalim. I don't have any time to reminisce things like this, things that belong to the past.

Kinuha ko na ang aking bag at sinukbit ito sa aking balikat, huli kong dinampot ang aking phone. I opened it to check if there's a message and it has one! Bago ito! These past few months ay bihira na lang ako magcheck ng messages, bukod sa wala namang nagtetext sa akin constantly ay busy din ako.

Malapit na ang hell week at marami pang pinapagawa na requirements ang iba kong prof, hassle.

Nagulat ako nang makita ang panglan ni Roseburg, he's not fond of texting me though kaya ako nagulat. He's more of a call person than a text one. Pinapamuhka lang talaga niya na marami siyang pera pang tawag, gan'on!


Andrew Roseburg(er):

Lunch?


Napangiti ako nang makita ko ulit ang pangalan niya, I'm the one who thought of this! Tuwing nakikita ko tuloy ang pangalan niya sa contacts ko ay gusto kong kumain ng burger, really.

Nagtipa ako ng reply, I glanced at my watch to check the time. I hissed when I saw it's already quarter to ten pero hindi pa lumalabas ng CR si Zea!


To Andrew Roseburg(er):

Hanggang ala una ang klase ko, can you wait?


I pressed the send button at ipinasok na sa bag ko ang phone, naglakad ako papunta sa pintuan ng CR at kinalampag ito.

"Hoy! Magaalas-diez na! May plano ka pa bang lumabas diyan?"

How To ForgetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon