Chapter 5

5 0 0
                                    


Pagpasok ng bahay naghain agad si mama para samin ng bisita ko ng bicol express, magaling magluto si mama mabuti na lang din at yun ang namana ko sa kanya.

Habang kumakain kami naka ngiti si mama sa tabi ko, hindi niya na kami sinaluhan dahil tapos na din daw siyang mananghali kanina.

"Boyfriend ka ba ng anak ko iho? Gulat akong tanong ni mama kay joerem.

"Ma! saway ko naman dito pakiramdam ko ang pula pula ng pisngi ko matapos marinig ang tanong ni mama.

"Nagtatanong lang naman ako anak, wala namang masama kung magka nobyo ka na nasa tamang edad ka naman na para na rin may mag aalaga sayo na iba pa maliban sa akin" sagot naman ni mama.

"Hindi pa po ako nobyo ng anak niyo tita." saka nag smile ng kaunti.

"Ah ganon ba? naku ewan ko ba sa batang ito parang wala atang plano pa mag boyfriend, sayang naman iho gusto kita para sa anak ko. Mukhang mabait ka naman iho.

"Ma, diba sabi ko po magugulat ka na lang isang araw may ipapakilala ako sayo na lalaki na boyfriend ko, wag lang po magmadali diba ma sabi ko po? Sagot ko kay mama na parang mas matanda pa ako kesa sakanya.

Nahihiya na kasi ako kay joerem sa mga pinagsasasabi ni mama sa kanya, hindi lang talaga ako sanay na ganun. Kahit kailan kasi hindi pa nakilala ni mama si matt. Ewan ko pero parang hindi pa dapat ipakilala si matt kay mama. Kahit na ilang beses na din namin napagtalunan yun dati nung okay pa yung relasyon namin.

Ngumingiti-ngiti na lang si joerem kay mama.

Binilisan ko ang pagkain dahil baka mas marami pang matanong tong si mama kay joerem pag hindi pa to nakaalis. Nahalata ito ni joerem kaya binilisan niya na din.

Umakyat naman si mama sa taas nagpaalam ito kay joerem na mamamlantsa.

"Mauna na siguro ako Shannen" sambit niya.

"Ikaw? may lakad ka pa ba? siya nga pala pasensya ka na kay mama ahh ganun lang talaga yun matanong " sagot ko sakanya.

"okay lang ano ka ba.. ganun yata talaga ang mga nanay shann." he smiled

Bakit ba sa tuwing makikita ko yung mga ngiti niya iba talaga yung nararamdaman ko. Winaksi ko kung ano man ang naiisip ko. Hindi pwede to may boyfriend pa din ako kahit na sabihing cool off kami ngayon ni matteo.

"Sige na pasok ka na sa loob, baka kailanganin ng tulong ni tita sa ginagawa niya pasabi sakanya thanks sa masarap na tanghalian the best ang bicol express ni tita." sabi nito na halatang pinupuri ang luto ng mama ko. Omg ngumiti na naman siya.

"Okay I'll tell her, ingat ka pag uwi . sagot ko.

Nag wave bye muna siya bago tuluyang pumasok sa kotse niya at umalis.

Pag alis ni joerem umakyat ako kay mama,

"Oh anak umalis na ba ang bisita mo?" tanong agad nito pagkakita sa akin.

"Oo mama umalis na po siya hinatid ko naman po siya sa labas."

"Naku anak mukhang okay siya , kapag niligawan ka sagutin mo na, saka ngumiti.

"Ma, naman eh, kaibigan ko lang po siya. Wag niyo po munang bigyan ng kahulugan.

Ng matapos magplantsa si mama bumaba din agad ito pupunta daw siya kay ninang Azon ang kumare niya na nasa kabilang subdivision lang, mabuti na rin iyon para hindi na nangungulit si mama tungkol sa totoong lagay namin ni joerem. Ewan ko ba pero parang gusto ko din yung sinasabi ni mama, What if kung wala akong matt sa buhay ko, baka nahulog din talaga ako kay joerem.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Casino Dealer's LoveWhere stories live. Discover now