chapter 6:Dream

10 2 0
                                    

          Pauwi na ako galing sa pinaka masukal na bahagi ng gubat  nag lalakad ako ng mapansin ang aura ng paligid parang nag-iba ang ihip ng hangin, mga tatlong metro mula sa akin ay narinig ko ang tila pag-apak sa mga tuyong dahon  at sanga. Pinakiramdaman ko ang paligid at ganun parin walang nagbago parang may nakatingin sa akin ramdam ko ang matatalim niyang titig.

            Mula sa kinatatayuan ko'y naglaho ako at napadpad sa dako ng lugar kung saan nangagaling ang mga matang nakatingin sa akin ngunit laking pag tataka ko ng wala akong nakitang ano mang bakas ng taong nagmula rito.

           Nag patuloy ako sa paglalakad. Gabi na ng makarating ako sa aking bahay, sa loob ng mahabang panahon ang gubat ang nagsilbing play groud para sa akin kaya alam ko kung may nag bago ba rito o kung ano mang hayop ngunit kanina  ay wala akong nakita. Isang kakaibang experience, hindi ako naniniwala sa mga multo pero baka ngayon maniwala na ako.

           Tuluyan ng inantok ang aking mga mata siguro dala narin ng pagod kaya mabilis ako nahimbing.nagising ako sa  gitna ng gubat,madilim ang paligid at alam ko mismo sa sarili ko na malayo ito sa bahay ko, wala akong magawa kundi ang mag lakad pabalik. Sa paglalakad ko ay nadaanan ko ang ilang nagtataasang mga puno, mas malaki ang mg ito kesa sa mga puno sa gubat malapit sa bahay ko. Hindi rin ito ang mga puno na lagi kong pinaglalaruan sa tuwing sinsanay ko ang sarili ko.

          Sa paglalakad ko napansin ko ang isang malaking puno, isang malaking puno na kung saan ako nagising kanina, nakapagtaka dahil sa nilayo-layo ng nilakad ko  ito parin ang naabutan ko.nag lakad uli ako pero paulit-ulit lang yung nangyayari kaya naisipan kong magpahinga.

          Naisipan kong maglakad uli pero sa pagkakataong ito ibang daan na ang tinahak ko baka makarating ako sa bahay at hindi mag pabalik-balik kung iba na ang daan ko.

          At yun nga ang nangyari, hindi na ako bumalik sa malaking puno na iyon. Habang papalayo ako sa pinanggalingan ko ay narinig ko ng isang malakas na tunog,isang tunog na umaagos na tubig nag madali ako at nagbabakasakaling ito na ang kadugtong ng batis sa bahay ko pero nang abutan ko ang tunog ng dumadaloy na tubig ay halos nanlaki ang mata ko sa nakita. Isang malaking anyo ng tubig na napapalibutan ng bangin. Isang bangin na halos sakupin ang gubat sa laki hindi ako makapaniwala, may ganitong talon pala sa lugar na ito, pero ipinagtataka ko ngayon lang ako nakakita ng ganito  kalaking talon napakalaki talaga.

           Mula sa kinatatayuan ko ay makikita ang isang makipot na daan papunta sa gitna kung saan hindi kilalang klase ng puno ang nakatayo at dahan-dahan akong nag lakad papalapit dito hindi ko  alam kung bakit pero parang may bumubulong sa akin na lapitan ito.

            Lampas na ng kalahati ng daan ang nalakad ko ng magbalik ako sa sarili. Mula sa kinatatayuan ko at tila nilamon ako ng matinding takot pero mula sa nagbabadyang kapahamakan ay dumeritso ako sa puno hindi alintana kung mahulog man ako basta makarating lang ako sa dulo.

             Naarating ako ng ligtas sa gitna ng malaking bangin na napapalibutan ng tubig. Sa wakas narating ko rin ang napakagandang puno, pero bakit ganon parang may nangaling na dito? May naarating na kaya dito at hindi ako ang una. May nakaukit sa puno para itong Iris  ng mata bilog na bilog, ano ba ag ibig sabihin nito?

            Susubukan ko sanang hawakan ng biglang nag ingay ang mga ibon at ibang hayop sa paligid tanda na nag-uumaga na mula dito ay kitang-kitang kita ang pag-angat ng  malaking araw.

           Naramdaman ko ang pag-init ng aking balat ay napapitlag ako ng magising mula sa pagakakatulog ko, tanghali na pala at tirik na tirik na ang araw na nakatutok sa akin,nakatulog pala ako sa labas ng bahay kagabi habang nagpapahangin.

40 Days Examination ProcessWhere stories live. Discover now