CHAPTER 28

116K 2.6K 64
                                    

Chapter Twenty Eight

Real Score


Nagsimula na ulit ang next quarter ng game. Nakita ko ang pagiging masigla ng ibang ka team ni Sebastien pero ito ay nananatili parin sa parehong effort.

"You need to cheer him up now Beatrice! Do it!" Hiyaw ni Hailey.

Siguro nga ay napansin din nilang wala itong gana sa paglalaro. Bahala na!

Agad namang kinuha ni Gabriel ang malaking tarpaulin sa ilalim ng upuan ko at pinagtulungan naming buklatin 'yon.  Tatlong dipa ang lawak ng kulay pulang tarpaulin na may nakasulat na,

Hustle hit!
Never quit!
Go Escarcega!

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang nasa ilalim ng tarpaulin.

You got a touchdown in my heart!
- Beatrice

What a lame banner! God! Gusto kong matunaw sa kahihiyan dahil sa nakasulat dito. Kahit na nahihiya ay hindi ko na pinansin 'yon.

Hawak ang pompoms ay magkakaritmo naming ikinumpas 'yon na parang mga cheerleader.

Patuloy lang kami sa pag cheer sa royals habang patuloy din ang laro.

Come on Seve you can do it! Sigaw ng utak ko. Sakto naman ang pagtutok ng camera sa lugar namin at ang paglabas ng mga mukha namin sa malaking screen ng stadium. Napahinto si Sebastien sa pagtakbo at hinanap ang pwesto namin. Napalingon ito sa'min dahilan para mapatili kaming lima.

"Go Sebastien! Go go go!" Nakita ko ang pagliwanag ng mukha nito at ang pag-arko ng kanyang labi.

That smile!

Lumipat naman ang tingin nito sa tarpaulin na hawak ni Hailey at Gabriel. Mabilis kong hinarangan ang nakasulat sa bandang ibaba nito pero agad akong hinila ni Jasmine sa gilid para tuluyang mabasa ni Seve ang nakasulat doon.

Nang-aasar na iminuwestra pa ni Maddy ang kanyang kamay sa ibabang bahagi ng banner. Tumango lang ito at muli akong nginitian.

"Wooh!" Hiyaw ni Jasmine nang bumalik na ito sa paglalaro.

"Ganda mo dun!" Kantiyaw ni Hailey na bahagya pa akong niyugyog.

"Mga baliw!" Kunwaring galit na sabi ko, pero sa loob loob ko ay parang gusto ko ng tumakbo pababa sa field at yakapin si Escarcega.

Maybe we can save that later.

Mukhang naging effective naman ang ginawa naming pag-cheer sa kanya dahil ginanahan itong maglaro at agad na naka touchdown! Six fucking points for our guy!

That's what I'm talking about!

Halos tinawag ko na ang lahat ng santo para lang manalo ang mga ito sa laro at hindi ako nagkamali. Isang malakas na tunog ang umalingawngaw sa loob ng malaking stadium na hudyat ng pagtatapos ng laro.

Lamang ng limang puntos ang Bantham at sila ang nagwagi! Napuno ng malakas na cheer ng Bantham royals ang stadium! Nakisali narin kami nila Maddy sa malakas na ingay.

The Runaway Virgin (Campbell University Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon