CHAPTER 14 [Wedding Preparation]
[AGA]
*Heavenly Food Restaurant*
Hinihintay ko sina Cams at Dee na dumating dito sa Resto, ngayon kasi yung usapan namin para tulungan nila ako sa wedding preparations na gagawin ko.
And yes, hindi ako late. Maaga pa nga ako ng 20 mins.
HEY! Hindi ako excited ok? Nagkataon lang na walang traffic at maaga akong nakarating dito at sila naman yung may mga lakad pa, kaya siguro na late sila.
Makalipas ang ilang minuto, dumating na din sina Cams sa resto.
"Anong meron bakit ang aga mo ata?" sabi sa akin ni Cams.
"Masama bang maging maaga?" tanong ko din sa kanya
"Hindi naman, kaya lang kasi nakakapanibago" sabi ni Dee
"Grabe naman kayo, parang sinabi nyong wala na akong karapatang maging on time." pagtatampo ko sa kanila
"Eh kasi naman Lira, sa tagal ka naming kaibigan 3 times ka pa lang hindi nalate, including this" sabi ni Cams
"Oy, grabe naman Cams, eksahera lang?" sabi ko sa kanya
"Gusto mo isa isahin ko pa?" sabi nya
Hindi na nya ako hinintay pang magsalita dahil nag-umpisa na syang magbilang
"First nung JS prom natin, ayaw mong magpalate nun dahil excited kang suotin yung prom dress mo." sabi nya
Tumango si Dee. Tama naman sya, hindi talaga ako nagpalate nun kasi naman I’m excited to flaunt my prom dress. Ang ganda kasi e! And naging prom queen ako nun…nakalaban ko pa nga si Nats sa title na yun. Hahaha.
"Second, nung nagpunta tayo sa Paris after our high school graduation dahil excited kang magpapicture sa eiffel tower." pagpapatuloy ni Cams
Again, nagnod lang si Dee at oo hindi din ako nalate nun. Trip to Paris ang gift samin ng parents namin nung high school graduation namin kaya nga sobrang excited kaming grumaduate nun.
"And the third time… ito! Wedding preperation mo…wait...don’t tell us..." sabi ni Cams at tumingin sya kay Dee
"What?" nagtataka kong tanong sa kanilang dalawa
Tumingin sila sakin at saka sinabing
"EXCITED KANG IKASAL?/YOU'RE EXCITED TO GET MARRIED" sabay nilang sabi
Tsk. Hay si Dee talaga magsasalita na lang itratranslate pa yung sinabi ni Cams.
Anong sinabi nila? Teka.. me? Oh my.
"WHAT THE F, ARE YOU TWO TALKING ABOUT? Of course NOT! Ako? Maeexcite ikasal? Oh my… I cant believe na iisipin nyo sa akin yan. Grabe lang kayo! Hindi lang ako nalate kung ano ano na yung kinuconclude nyo dyan." sabi ko sa kanila
"EKSAHERADA? GANON?" sabi na naman nilang dalawa.
"Ewan ko sa inyong dalawa! Basta hindi ako excited, bakit naman ako ma-eexcite na magpakasal sa isang taong boring? Seryoso? Man of few words? Hindi mahilig ngumiti? Matangkad... maputi....pointed nose...adorable eyes na natatakpan ng eye glasses nya... pang model yung dating... yeah.. an--"
"Hot? Gwapo? Mabait?" sabi ni Cams
"YE-- N-NOO! Ano ba kayo, hindi no. Tsk." sabi ko sa kanila.
"Hahahahaha! Bakit ba kasi hindi ka na lang umamin na na-eexcite ka sa kasal mo?"
"Hindi nga sabi! Hay! Mag-umpisa na nga tayo para maka-uwi na." sabi ko
"Para makauwi na? Para makita mo na si Liam? Yun ba ibig mong sabihin Lira?" pang-aasar pa rin nila sa akin
"Hindi! Pagod ako…gusto ko ng matulog. Tse!" sabi ko
"Ahh…oo nga naman, kelangan pa nya nang beauty rest para pag nakita sya ni Liam maganda sya."
"Argh! Nakakaasar kayo. Tsk" sabi ko
Finally! Napag-usapan na din namin yung tungkol sa wedding ko. Kahit na halos madami yung oras na inaasar nila ako for being excited. So since sa U.S gaganapin ang wedding ko at hindi sya bongga dahil it will be a ‘private wedding’, family and close friends lang namin ni Liam yung pupunta, including; Cams, Nats, Dee, Dori, Lan, Chi, Tita Aly, Tito Leo, Yaya Rosie, Daddy and Ate Sophia's family; (Nicole - daughter and Henry - husband) Yes, pupunta sila and Rob since sya yung pinakaclose kay Liam.
Si Cams naman ang magpapaganda sa aming lahat, since make-up artist naman sya at nag-volunteer din sya. Sina Nats and Dori sa mga susuotin namin including my wedding dress. Sina Lan and Chi naman ang bahala sa Church sa U.S. Kami ni Dee ang bahala sa pagkain.
Dahil sa U.S kami ikakasal kaya lahat ng gagamitin namin for the wedding ay sa U.S din namin bibilhin, mahirap na kasi alam nyo naman dito sa Pilipinas madaming chismoso. Kung kelan kami pupunta dun? Hindi ko pa alam, dahil hindi pa naman namin yun napag-uusapan ni Liam. Siguro mamaya ko pa malalaman.
*Fernandez residence*
"Yaya, ok na po ba yung dinner?" tanong ko kay Yaya Rosie pagkapasok ko ng kitchen.
Kakadating ko lang kasi galing kina Nats. Yup, after namin sa restaurant dumiretsyo kami kina Nats dahil may ipapakita syang dress sa akin. Yung wedding dress ko daw, last week pa daw nya kasi yun nakita online…mas excited pa sila kesa sa akin.
"Wala pa si Daddy mo e, pero pinahanda na nya yung mga gagamitin nya, para magluluto na lang sya pagdating." sagot ni Yaya
"Bakit? Hindi pa ba sya dumadating?" tanong ko
"Hindi pa e. Medyo malalate daw ata ng konti kasi madaming tao sa restaurant ngayon." sabi naman ni Yaya
"Nako naman si Daddy, alam naman nyang ngayon dadating sina Liam…ngayon pa malalate." sabi ko
"Ano ka ba naman Agatha, maaga pa naman oh." sabi ni Yaya
Tumingin ako sa relos ko at nakita kong 5:00pm pa lang…maaga pa nga. 7:30p.m pupunta sina Liam kaya meron pa kong 2 hours and 30 mins.
"Uyy ang alaga ko…excited." pang-aasar sakin ni Yaya
"Hindi ahh! Yaya talaga. Tsk, sige po…akyat muna ako sa taas." sabi ko at pumunta na ako sa kwarto ko.
Bakit ba lahat sila sinasabing excited ako? Hindi naman ahh…hindi talaga. Tsk. Bahala nga sila!
7:15pm na, hindi pa din ako bumababa kahit na nakapag-ayos na ako at nagtext na din si Liam na on the way na sila. Narinig ko na din kanina pa si Daddy na dumating na. Ayoko munang bumaba baka kasi mamaya asarin na naman nila ako na excited ako. Hindi naman ako excited, gusto ko lang matapos na ‘to para bumalik na ulit sa normal ang lahat. Nakakapagod kaya!
--
[LIAM]
"Lira, hey, sleepy head." sabi ko sa kanya
"Nako anak, mukang napagod ata yan." sabi ni Mommy
"Hey, wake up." bahagya ko syang tinapik sa balikat nya
"Hmmm." sagot nya
"Wake-up." sabi ko
Tinapik ko ulit ang balikat nya. Bahagyang dumilat yung mata nya tapos pumikit ulit. Tatapikin ko na sana sya ulit nung bigla syang napabangon.
"Oh my… what are you doing here?" tanong nya sa akin
"Waking you up." sagot ko sa kanya
Dumating kami sa bahay nila ng saktong 7:30pm. Sinalubong kami ni Tito Gary. 8:00p.m na hindi pa rin bumababa si Lira kaya naman we decided na puntahan na lang sya sa kwarto nya, only to find out na she is there, peacefully sleeping. Halos kalahati ng katawan nya nakahiga sa kama, mahimbing syang natutulog with her make-up on, wearing her dress and heels and some of her hair are covering half of her face.
"Oh. Shoot! Sorry, sorry. Nakatulog pala ako…hindi ko talaga namalayan. Tita, Tito, Dad sorry po talaga. Aish! Nakakahiya… sorry po talaga." sabi nya
"Wala yun. Ok lang yun, naiintindihan naman namin na pagod ka." sabi ni Mommy
"Sorry po talaga." sabi ni Lira
"Ok lang. So pano maiwan muna namin kayo dito, sumunod na lang kayo sa baba. Dinner is ready" sabi ni Tito Gary
Nag-nod na lang kaming dalawa ni Lira at bumaba na sila.
"Mag-ayos ka na. Ang mantika mo palang matulog." sabi ko sa kanya habang naka upo sa kama nya.
"Sorry naman." sagot nya
"Sana palagi ka na lang tulog…muka ka kasing mabait kapag tulog." pang-aasar ko pa rin sa kanya
"Shut up!" sagot nya at humarap sa salamin para ayusin yung make-up nya at nagsuklay na din sya.
Napansin ko yung singsing na suot nya.
"Ang ganda ng singsing mo." sabi ko
Tinignan nya yung kamay nya.
"Ahh. Syempre, ako bumili e." sabi nya
"For what?" tanong ko
"Engagement ring, kunyari. Ngayon mo lang napansin? Suot ko kaya to kahapon. Syempre para convincing naman diba? Ikakasal tayo kelangan ng engagement rin para kunyari nagpropose ka." sabi nya
"Oh…ok." sagot ko na lang
Actually nawala sa isip ko na bigyan sya ng singsing. Buti na lang bumili na sya. Wala din naman kasi syang sinabi e.
Bumaba na kami sa dining room para magdinner. Ganun pa din… ako, si Daddy at Tito Gary lang ang nag-uusap…about sa business. Si Mommy at Lira naman tungkol sa fashion, make-up…alam nyo na, girl stuff.
Of course pinag-usapan na yung kasal namin. Sinabi ni Lira yung plano nilang magkakaibigan. Kaya naman we decided na 2 days from now aalis kaming lahat papuntang U.S para ayusin na lahat lahat. We will stay there for 1 or 2 weeks for the wedding. So kelangan naming magleave sa mga trabaho namin. Nung una hindi ako pumayag na 2 weeks kami mag-stay dun syempre dahil sa sino na lang ang mag-aayos ng hotel…pero napa-oo ako pagkatapos apakan ni Lira yung paa ko. Tsk!
***********