Chapter 5: The Training

480 146 133
                                    

Snow Erin's PoV

"WAIT LANG Bestie saan ka pupunta?!" Bigla na lang kasi tumakbo si Bestie at hahabulin ko na sana siya pero pinigilan ako ni Kuya. "Let her be." wika niya kaya hinayaan ko na lang si Be6stie. Mukhang gusto niya rin ata mapag-isa kaya hahayaan ko na lang muna siya.

"Kuya, ano ba talaga ang nangyari sa inyo kanina? Ba't ba kasi kayo nag-aaway hah?" tanong ko sa kakambal kong yelo. Yup! Si Kuya Winter Ethan Frost ang tinutukoy ko sa inyo nung Chapter 2 na twin brother ko. I call him 'Kuya' kasi mas nauna pa siya sa akin na lumabas sa sinapupunan ni Mommy pero 38 seconds lang ang tanda niya sa akin.

"Stai zitto. (Shut up.) I already told you what happened." emotionless at kalmado niyang sabi. "Ehhh?? Testing her fighting skills? Bakit naman?" nalilito kong tanong. Kailan pa siya naging interesado sa fighting skills ng Bestie ko?

"Do you know her?" he suddenly ask. Hindi pa nga niya sinasagot ang tanong ko ehh!!

"Si Bestie ba ang tinutukoy mo? Yup! Yup! Yup! She is my BFF. Obvious naman sa tawagan namin diba?" masigla kong sagot. Napatango naman siya but he's still wearing a pokerface on. Hayy naku talaga! "Teka! Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko!" reklamo ko sa kaniya pero tinalikuran niya lang ako.

"It's none of your business." malamig niyang wika at nagsimula nang maglakad papalayo. Grrr!! Kailan pa kaya kita makaka-usap ng matino, Kuya!

Hinabol ko nalang siya para sabay na kami pumunta sa training room.

"Yah! Wait for me, twin brother!" sigaw ko pero di parin siya humihinto sa paglalakad.

Ang bilis niya maglakad at ang hirap niya maabutan. Hindi ko pa naman kayang tumakbo kasi masakit pa yung mga paa ko. Gosh!!

*****
|Training Room|

Flame Yuri Forrester's PoV

"In order to kill Zombies, you need to destroy their brains. You need to shoot it's head off or cut it's head off using your weapons. Useless kasi kapag ang pinuntirya mo lang ay yung ibang parts ng katawan nila. Hindi na kasi nagfufunction ang kanilang mga organs, except sa brain nila. Kinukontrol na kasi ang brain nila ng x-virus, that's why they are misbehaving and craving for a human flesh." sabi ni Miss Spyra; pamangkin ng headmistress at pinsan ni... S-Senri. *blush*

Siya kasi ang naka assign sa Royal Section na maging mentor namin pagdating sa pakikipaglaban. Andito nga pala kami ng mga classmates ko ngayon sa training room, at mamimigay ngayon si Miss Spyra ng mga weapons na gagamitin namin sa pangself-defense laban sa mga p*nyetang Zombies.

Naglakad siya papunta doon sa malaking table na pinaglalagyan ng iba't ibang klaseng mga weapons. Biglang nagningning ang mga mata ko. Woah ang astig naman, gusto ko na kumuha! Tumingin siya sa direksyon ko bago nagsalita. "Alam kong excited na kayong kunin ang mga bagong weapons niyo but before that, may i-aanounce muna ako sa inyo." wika niya. Halata pala sa mukha ko ang excitement pero hindi lang naman ata ako ehh, pati rin ata ang mga kasamahan ko rito. Si Snow nga mukhang sabik na sabik na kunin yung round black sai. Kanina niya pa yun tinitingnan ehh.

"Me and the headmistress already agreed that starting tomorrow ay makakasama niyo na dito ang mga students from Royal High. Ipapa-ipon namin sila dito sa inyo para matuto silang makipaglaban, at ang section niyo ang napili ko na magturo sa kanila kung paano lumaban kasi alam kong magagaling kayo. Bukas ng umaga ang dating nila dito." nakangiting sabi ni Miss Spyra. Woah really? Ang Royal High School kasi ay sister school ng MESU. Good news ito para sa akin dahil ibig sabihin nito, makakasama ko na sa iisang school ang kapatid ko. Doon kasi sya sa Royal High nag aaral at malayo yun dito. Third year na siya at doon niya napiling mag-aral kasi ayaw niya dito dahil takot daw siya sa mga gangsters. Madalas lang kami nagkikita dahil nagdodorm ako dito, at siya naman nagdodorm doon. Miss ko na talaga siya. Pati sina Mom and Dad miss ko na rin kaya balak ko umuwi mamayang hapon sa bahay.

Zombie Apocalypse: Descending Of The ZombiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon