Dedicated to kaeceefortyseven
—————————————————
“Sa mundong punong-puno ng taong umaalis, andito lang akong babalik at babalik pa rin... para sayo.”
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Namutawi ang katahimikan sa pagitan namin at tanging paghampas lamang ng hangin sa mga puno ang aming naririnig.
“Huy. Natulala ka nanaman. Ampogi ba ng dating?” Biro niya pa. Napairap naman ako. Kapal niya rin eh noh? Akala ko ba ay aalis to? Sabi niya babalik siya pag handa na akong tulungan siya? Anyare dito?
Lumapit ito sa akin at ang laki pa ng ngiti, anong nakain nito? “Huy. Sabi mo maglalakbay ka munang mag-isa? Tapos babalik ka nalang pag handa na akong tulungan ka? Ba’t ka nandito?” Kunot noong tanong ko pa. Lumapit ito bigla sa gilid ng tenga ko na ikinabigla ko naman.
“Ayaw kitang iwan eh.” Bulong niya pa. Nagsitindigan naman ang mga balahibo ko sa katawan kaya naitulak ko siya bigla. Napangiwi naman ito. “Para saan yun?” Takang tanong niya pa.
“Anlapit mo kasi eh. Pwede bang mag salita ka lang ng di lumalapit sa tenga ko?” Saad ko at inirapan siya. Bigla itong tumawa ng may katamtamang lakas lamang. Adik?
“Bakit? Kinilig ka ba?” Aniya at itinaas baba pa ang kanyang kilay. Ilang kapal ng mukha ba ang baon nito? Inirapan ko siya. “Kinikilabutan ako sayo.” Iling ko pang sabi at namulot nalang ulit ng basura.
“Sus. Deny pa.” Aniya at nakita ko namang namulot din siya.
Hapon na nang matapos kami sa pamumulot kokonte nalang ang estudyanteng naririto dahil kanina pa ang uwian eh, kaya malamang umuwi na yung iba.
Kinuha ko na ang gamit ko at nagsimula nang maglakad patungong parking lot. Ramdam ko naman na sumunod si Ehan. Habang naglalakad ay di ko maiwasang mag-isip kung bakit siya nandito, sabi niya kasi mag-isa siya munang lalakbay. Di ako nakapag tiis at tinanong ko na siya.
“Ehan, yung totoo bakit ka ba bumalik?” Panimula ko. Rinig ko naman ang buntong hininga nito. “Gusto mo talagang malaman?.. ” Tanong niya. Tumango ako ng bahagya at nagulat nalang ako ng pumunta siya sa harap ko kaya naharangan ang dadaanan ko. Halos dalawang ruler lang ang pagitan namin.
Dahil matangkad siya ay taka akong napatingala sa kanya. Huminga siya ng malalim bago nagsalita. “Hm.. Sabi ko nga sayo, ayaw kitang iwan eh.” Aniya at diretso ang tingin sa aking mga mata.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, parang hindi ako makahinga na ewan. Tsaka biglang bumibilis ang tibok ng puso ko. Ba’t ganun? “...tsaka, wala akong makakakain pag naglakbay ako at kukulitin pa kita hanggang sa pumayag ka noh.” Napairap naman ako bigla sa sinabi niya. Letseng to, di makapag-antay. Tsaka pagkain lang pala eh. Tss.
“Diyan ka na nga.” Saad ko at inalis siya sa dadaanan ko. Multong to talaga eh. “Uy Jell, joke lang.” Aniya. Seryoso ako tas siya mag jojoke? Ha! “Wag kang sumakay sa scooter ko. Umuwi ka mag-isa mo” Inis ko pang sigaw sa kanya. Bahala siya sa buhay niya. Teka, ba’t ba ako naiinis? Psh. Ewan ko.
Rinig ko ang hagikhik niyang nakakainis. Nilingon ko ito at nawalana siya. Sana sa next life niya, maging mushroom siya na bubbles.
Nang makarating ako sa parking lot ay hinanap ko ang scooter ko, nung makita ko na’to ay may nakita akong nakasakay malaking mama. Nakatalikod ito kaya di ko makita ang itsura niya. Nilapitan ko ito, “Manong, excuse me po.” Sabi ko pa sabay kalabit.
Humarap ito at napaatras naman ako. Hindi tao to! Multo to. Tae, nakakatakot ang nanlilisik niyang mga mata. Ba’t may ganyang multo dito? Nakasuot siya ng uniporme ng isang guro sa paaralang to. Di ko lang naaninag kanina dahil nakatalikod ito.
Dinilaan niya ang kanyang labi mula sa gilid, sa gitna hanggang sa ibabaw niyang labi ay pinasadaan ng kanyang dila. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko, ngayon lang ako nakakita ng multong may pula at nalilisik na mata. Tumayo ito at naglakad paalis sa scooter ko. Napaatras naman ako.
Papalapit ito sa akin kaya tumakbo ako palabas ng parking lot. Nakita ko ang guard kaya nilapitan ko ito. “Kuya! Tu-Tulong.” Hingal kong sambit. Nilingon ko naman ang likuran ko at lintik na antik! Naglalakad talaga ito papalapit sa akin.
Iniwan ko ang gwardiya na may puno ng pagtataka sa mukha. Tumakbo ako papalabas ng paaralan. And luckily, wala na siya. Phew. Ano yon? Ba’t may paganon? Haysh.
Hingal kong hawak-hawak ang dibdib ko habang ang isang kamay ko naman ay nakasandal sa puno. Muntik na ako dun ah. Ba’t ba niya ako hinahabol? Akala ko katapusan ko na eh. Ilang metro palang naman ang layo ko sa paaralan kaya napagdesisyunan kong maglakad na papuntang sakayan, baka kasi mamaya eh, nalingat lang ako sandali eh nasa tabi ko na pala yun.
Nag-abang ako ng jeep at nakakainis dahil laging puno yung mga dumadaan. Kung di lang kasi umeksena yung multong yun edi, kanina pa sana ako nakauwi. Marami ang naka abang kaya kelan kong makipag unahan ngayon. Bahala na nga.
Nang may maaninag na akong jeep na kulay dilaw ay inihanda ko na ang sarili ko, saktong huminto ito sa tapat ko kaya ay sumakay na ako. May tatlong sakay lang ito kanina pero ilang segundo lang ang nakalipas ay puno na agad. Bilis ah?
Nasa may bandang babaan ako nakaupo kaya isinandal ko muna ang sarili ko at pansamantala akong nakapikit. Ewan ko ba, parang napagod ako. Ilang minuto palang ang nakalipas ay nakaramdam ako ng parang may gumagalaw sa bulsa ko. Agad akong napadilat at aba’y lintek, nanakawan pa ako ng katabi ko?
“Magnanakaw!” Sigaw ko pa hinampas-hampas ko ang bag ko sa kanya. Nabigla ito sa ginawa ko kaya hindi niya tuluyang nakuha ang pitaka ko sa bulsa ko. “Magnanakaw ka! Lintek ka!” Pinaghahampas ko pa rin ito gamit ang bag ko. Nagulat ako nang may ilabas siyang kutsilyo. Manghohold-up pa yata ang gago. Pag minamalas ka nga naman oh.
“Hold up to. Lahat kayo, ibigay niyo pera niyo sa akin.” Aniya at pinaikot-ikot niya ang pagtutok ng kutsilyo niya. Tumayo ito at humawak sa hawakan ng jeep. Tahimik kaming lahat, ngunit di naman mababakasan ng takot ang mukha ng bawat isa.
“Ano kami? Tanga? Mag-isa ka lang, marami kami. ” Sabat nung isang lalaking nasa middle age. May kalakihan ang katawan nito na parang isang myembro ng wrestling. “Bumaba ka na, kung ayaw mong mabugbog. ” Sabi naman nung isang maraming tattoo sa katawan. “Payat mo.” Sabat nung babaeng may katabaan. Medyo payat ang nanghold-up at tanging kutsilyo lang ang armas niya, wala siyang laban kung pagtutulungan namin siya.
Sa gitna ng mga tensyon ay nagulat nalang kami nang biglang pumara yung hold-upper. Bumaba ito at di ko alam kung matatawa ba ako o maaawa. “Babalikan ko kayo! Lalo na ikaw.” Kinilabutan ako nang bigla niya akong bantaan. Kinabahan ako ng kaunte ngunit isinawalang bahala ko na lang rin ito.
Maggagabi na nang makarating ako sa bahay, pumasok ako sa loob at nadatnan ko si kuya sa sala na nanonood ng tv habang may hawak na tsitserya. Dumiretso ako sa kusina at nagmano kay mama. Napansin niya atang para akong lantang kawayan “Oh, ayos ka lang ba?” Tanong niya. Tumango lang ako.
“Anyare sayo?” Takang tanong niya pa. Umiling naman ako. Hinipo niya naman ang noo ko, at agad niya naman itong binawi. “Antaas ng lagnat mo! Ano ba fshskak.. ” Di ko na naintindihan ang mga sinasabi ni Mama. Ang alam ko lang ay bigla nalang dumilim ang paningin ko at wala na akong maramdamang kahit na ano.
BINABASA MO ANG
My Guardian Ghost (Completed)
RandomYhanna Jell can see ghost. But, she doesn't like to interact with them. Then, she met this annoying ghost asking for help and later on became her friend. Friend lang ba talaga? This is a non-horror story. -drazzzzyyyy Book cover by: @majestingg Sta...