v

1.5K 49 27
                                    

Okay, so I told myself this story would have a maximum of 5 chapters. But then, mabibitin tayo. Hindi pwedeng i-limit sa 5 chapters ang kilig at sweetness ni Kai. Haha brace yourselves.:D

______________

v

KAI

“Ano’ng plano mo ngayon?”

Agad akong napatingin kay Dominic. He was looking at me blankly, his thick eyebrows slightly furrowed.

“Oo nga, Kai. What happens now?”

Ibinaling ko naman ang tingin kay Chan na abala sa pagsi-selfie.

“This doesn’t make sense, Dude, you know?”

Kumunot bigla ang noo ko sa sinabi ni Kris. As usual, he has that ‘cold guy’ look on his face.

“Basta ako,” singit ni Seth, “full support ako kay Kai.”

I half smiled.

“Count me in!” sabad ni Hans na kakarating lang. Humihingal pa siya at halos matisod sa pagtakbo. Kahit kailan late si Hans. Palibhasa, parating pagod dahil sa soccer practice nila.

We were seated in our usual spot sa corridor. Sinabi ko na sa kanila ‘yung nangyari kahapon, at ‘yung plano ko na i-prove kay Sara na nagbago na ako. Lahat sila nabigla pero they understood. Si Kris lang ‘yung medyo kontra.

“I don’t know,” sagot ko sa tanong nina Dominic at Chan. “For now, I just want her to see me as the new me, hindi ‘yung lalake na nanakit sa kaniya dati.”

Halata sa mukha ni Kris ang pagkairita. He was usually smug about everything, but the reaction on his face was somehow disturbing. He was my closest among the five of them, pero minsan hindi ko rin maintindihan ang itinatakbo ng isip niya.

“We got your back, Kai,” sabi ni Seth and tapped my shoulder.

“Thank you, Pare.”

Ilang minuto na lang, simula na ng klase pero wala pa si Sara. Pumasok na sila Chan sa classroom. Nagpaiwan ako sa labas. Sabi ko aantayin ko si Sara.

“Psh,” narinig ko pa mula kay Kris bago siya pumasok ng classroom. ‘Di ko na rin siya pinansin. He’s always like that, snob and easily irritated.

Pumasok na ‘yung Prof namin sa room ngunit wala pa rin si Sara. Hindi ako mapakali. Baka ‘di pa siya makapasok.

Kinuha ko ‘yung phone ko sa bulsa ng pantalon ko and dialed her number. But she did not pick up. Tinawagan ko siya ulit. Just the same, hindi siya sumagot. Nag-worry na ako. Naglakad ako palabas ng gate at doon nag-abang sa kaniya. 10 minutes na kaming late. 5 minutes na lang, considered as absent na kami. Tsk.

Babalik na sana ako sa loob ng school nang may tumigil na jeep sa tapat ko at bumaba siya.

Nakaramdam ako ng halong relief at tuwa na nakarating na siya. “Oh, thank God!” Tumakbo ako palapit sa jeep. “Bakit ngayon ka lang? Late na tayo, oh,” bungad ko sa kaniya.

Napatingin lang siya sa’kin. “S-sorry, na-late lang ng gising.”

“It’s okay. Akin na ‘yan,” sabi ko at inabot ‘yung mga libro na dala niya.

“‘Wag na,” pigil niya.

“No,” pilit ko at kinuha ‘yung mga ‘yun mula sa kamay niya. “Tara na.” I held her in the elbow at naglakad na kami papasok ng school. Tahimik naman siyang sumunod.

Nakaabot pa kami bago muling mag-check ng attendance si Sir Phil.

“Oh, Sara. This is the first time you came late,” puna ni Sir, saka nilipat ang tingin sa’kin. “Mr. Buenaflor, you’re late again.”

My Lady (EXO Series I)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon