"May boyfriend kana?" Tanong niya at umiling-iling ako.
"May manliligaw sana kaso ayoko pa talaga. I'm not yet ready." Sagot ko
"Kailangan mong magtake risk. Hindi importante kung ready kana o hindi. Ang importante naranasan mong magmahal ng walang hinihinging kapalit." Sagot niya. Parang may pinaghugutan siya dun ah.
"Kapag 40 na ako at wala ka pang boyfriend tayo nalang ang magsasama." Dagdag niya at bigla akong nabilanukan. Hindi naman halatang nagjojoke siya kasi hindi naman siya tumatawa. Did I mention na bihira ko lang siyang makitang tumawa.
"Baliw." Sabi ko at natawa ng konti.
"Kuya lang ang tingin ko sa'yo. It's impossible na mafall inlove ako sa'yo." Dagdag ko pa. Kay Jacob, may possibility na mafall ako pero sa kanya parang malabo.
"Well, tingnan natin." Sagot niya at nagpatuloy na sa pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay niligpit na niya ang pinagkainan namin.
"Ihahatid mo ako?" Tanong ko.
"Oo. Maghuhugas lang ako ng pinggan."
"Wala kang trabaho ngayon?" tanong ko
"Meron." sagot niya at natigil na ako sa pagtanong. Naupo lang ako sa isang tabi. Tahimik lang dito sa bahay niya pero kagabi hindi ako masyadong makatulog kasi ang daming aso na nagbabatukan. Pagkatapos niyang magjugas ay binuksan naman niya ang bintana.
"Ayusin mo na sarili mo." sabi niya at tumayo na ako.
"Opo, kuya." Humarap ako sa salamin at nilugay ang buhok ko. Kinuha ko na rin ang jacket ko. Sinuotan niya ako ng sumbrero. Nakatingin lang ako sa kanya. Feeling ko talaga kuya ko siya.
Lumabas na kami ng bahay at nilock niya ang pinto. Pumunta siya sa likod ng bahay at pagbalik niya ay may dala na siyang motor.
"Magmomotor tayo?" Tanong ko at tumayo siya.
"Ayaw mo ba. Sorry ha. Wala akong kotse." sagot niya.
"Hindi okay lang. First time kong sumakay diyan." sabi ko habang pinapaandar na niya ang sasakyan.
"Baka mataranta kana naman. Kumapit kang mabuti sa akin."
"Opo, kuya." sabi ko at sumakay na sa motor. Humawak ako sa kanyang balikat.
"Sa coffee shop mo nalang ako ihatid." sabi ko at tumango naman siya. Dahan-dahan lang naman siya magpatakbo ng moyor kaya hindi ako natatakot. Yung isa kong kamay ay nakahawak sa balikat niya habang ang isa naman ay nasa ulo ko. Malakas kase ang hangin baka malipad ang sumbrero, sayang naman.
Pinark na niya sa parking lot ng coffee shop ang motor niya.
"Tara muna sa loob." yaya ko sa kanya at sumunod naman siya.
"Ma'am?" Nangungunot noong tawag ni Darren.
"Yes?" I replied while getting a glass of water in the counter. Umupo naman si Jake sa pinag-uupuan niya sa tuwing nagkakape siya.
"Sa bahay niya ako natulog." Napalaki ang mata ni Darren pati ng girlfriend niya.
"Don't give it judgement. Walang nangyayari between us. Nasaraduhan ako ng gate sa bahay kaya sumama ako sa kanya." explain ko.
"Hindi yan magugustuhan ng mama mo pag nalaman niya."
"Unless ipaalam niyi." agad kong dugtong sa iwinika ni Sam, girlfriend ni Darren.
"Ma'am lumayo kana sa kanya, ngayon palang." singit ni Darren at napakunot naman ang noo ko.
"Bakit?"
BINABASA MO ANG
Just A Kiss
Romance"Ano bang problema mo? I mean, bakit lagi kang nandiyan sa tuwing lumalapit sa akin ang gulo. Superhero ka ba? Bakit mo ako nililigtas? kamag-anak ka ba namin? Kuya ba kita? Tito? Ano?" Sunod-sunod na tanong ko at tumingin lang siya sakin. 'Yung tin...