CHAPTER 2:HINAHANAP KITA
Tumatakbo si Roenne papuntang hardin ng hacienda
umupo siya sa isang bench
doon at may nararamdaman siya na may katabi siya..paglingon niya ay si Roanne!!
nakayuko ito at natatakpan ng mahaba nitong buhok ang kanyang mukha..umiiyak ito,hindi makagalaw si Roenne sa kanyang kinauupuan
naninigas na siya sa takot lalo na nung humarap ito sa kanya
maputla ang mukha nito at kulay puti lamang ang mata nito at puro sugat ang mukha nito
maya't-maya pa ay lumuha na ito ng dugo at lumabas ang dugo sa bibig nito nang magsalita ito
"SINUNGALING KA! BAKIT?! GINAWA KO NAMAN LAHAT PARA SA'YO UH!!"
sabi nito at si Roenne ay halos maluha na sa nakikita at mabuti na lamang ay bigla siya niyakap ni Daryll nang makita siya sa hardin
"ano ka ba?! pinag-alala mo kami!" sabi nito habang yakap parin siya at pinupunasan ang luha ni Roenne
"ku-kuya!!gusto ako isama ni Ate!" luhang-luha na wika ni Roenne
dumating na si Dwight at ang kanyang magulang at ang magulang ni Dwight
"a-anong nangyari?!" nagtatakang tanong ng kanilang ina na si Rosell
"ma' sa tingin ko dapat may kasama si Roenne ngayong gabi sa pagtulog..natatakot na kasi siya eh" sabi ni Daryll
"'nak sa bahay mo muna patulugin si Roenne,tutal may isa pa namang kwarto roon eh" sabi ng ina ni Dwight na si Maria
ayaw man ni Dwight ay wala na siyang magagawa dahil ang gusto ng kanyang ina ay dapat masunod
-----
umuwi si Dwight kasama si Roenne at tahimik lang sila bumyahe
nasa bahay na sila ngayon at hinatid ni Dwight si Roenne sa tutulugan niya
nakaupo na si Roenne sa higaan niya nang palabas na si Dwight at nagsalita si Roenne
"kuya Dwight,sa-samahan mo muna ako rito hanggang makatulog ako natatakot kasi ako eh" sabi ni Roenne na halata sa mukha ang takot
walang nagawa kundi magstay si Dwight sa kwarto
tahimik na nakahiga si Roenne patalikod sa pinto at sa binata at si Dwight ay tahimik na nakaupo at nagse-cellphone,may katext siguro ito
"kuya...alam mo ba na may lihim si ate?" biglang tanong ni Roenne kay Dwight habang nakatalikod parin dito
"hmmm..meron ba?" tanong naman nito at ibinaba ang cellphone
"w-wala po..." sabi niya at pumikit na ulit
tahimik na ulit sila nang biglang tumayo si Roenne at pati si Dwight ay napatayo sa inuupuan
"b-bakit?" nagtatakang tanong ni Dwight
"si..si..si ate!" sabi naman ni Roenne na halata ang takot sa mukha..namumula siya at pinagpapawisan ng husto
"asaan?" - Dwight
"a-ayun oh!! si si si ate!!" nanginginig na tinuro ni Roenne ang bintana pero tumingin si Dwight at wala siya nakita kundi ang itim na kurtina
"wala naman uh?" -Dwight
tumakbo si Roenne sa likod ni Dwight at kumapit nang maigi sa likuran nito
kung bibitawan ni Roenne si Dwight ay sobrang gusot na ng damit nito
"a-ano ba Roenne" medyo nagtataka na may halong takot ang tinig ni Dwight
bigla pumasok ang kapatid ni Dwight,si Aileen
"kuya,anong nangyayari dito?" Nagtatakang tanong nito
tumingin si Dwight at Roenne sa kanya at lumingon ulit si Roenne sa bintana ngunit wala na ang kanyang nakikita kanina
"w-wala" sabi ni Dwight
lumapit ang kapatid ni Dwight kay Roenne
"ikaw ate okay ka lang ba? bakit hindi pa kayo natutulog?" sabi nito sa kanya
"o-okay lang ako,may ano kasi..matutulog na sana ako kaso may nakita akong insekto roon" pagsisinungaling niya
"ahh ganun po ba? o sige at ako matutulog na pinasilip lang kayo sakin ni mama eh" at nagpa-alam na si Aileen sa kanila at naiwan nalang si Dwight at Roenne
hindi na nila isinara ang pintuan upang may liwanag na pumasok sa medyo madilim na kwarto
"kuya Dwight ayoko dito,ma-masyadong madilim" sabi ni Roenne kay Dwight
"sandali lang,babalik ako, dito ka lang" sabi ni Dwight at nang palabas na siya ay may kumapit sa braso niya at paglingon niya si Roenne
"pwede po ba na sumama ako?" tanong nito at walang nagawa si Dwight kundi tumango nalang
pumunta sila sa kwarto ni Aileen at nang papasok na si Dwight ay may dumaan na katulong
"ate Rose,pakisamahan rito saglit si Roenne" sabi ni Dwight at pumasok sa kwarto ni Aileen
ilang minuto ay lumabas na ito sa kwarto ni Aileen na parang naiinis
hindi kasi pumayag si Aileen na patulugin si Roenne sa kwarto dahil ayaw talaga nito na nagpapatulog sa kwarto niya
sumunod si Roenne kay Dwight at umakyat sila sa ikalawang palapag
pagkatapos nila malagpasan ang dalawang kwarto ay tumigil sila sa ikatlong kwarto at tyaka pumasok
kwarto ito ni Dwight
doon matutulog si Roenne
maliwanag roon at ang kama ay katabi na ang pader
"Wen,tabi na tayo matulog...maglagay nalant tayo ng unan sa pagitan" sabi ni Dwight at pumayag naman si Roenne
parehas na silang nakahiga,naka sando na lamang si Dwight at naiilang si Roenne kahit may nakapagitan sa kanila
at dahil sa maliwanag ang kwarto ay nakatulog ka-agad si Roenne at pati si Dwight ay nakatulog narin
-----
Roenne's POV
pagkadilat ko ay madilim ang paligid tanging ang repleksyon ko sa mala-salamin na lapag ang nakikita ko at ang sarili ko
umupo ako upang tanungin ang sarili kung asaan ako
at tyaka ko naisip na panaginip lamang ito, kinagat ko na ang braso ko at pinagsasampal ang sarili ko pero hindi ako magising
tumayo ako at nagsimulang maglakad
maya't-maya pa ay may natanaw ako na babae sa di kalayuan
nakasuot ito ng itim na jacket,mahaba iyon na lagpas na braso niya at halos umabot na iyon sa tuhod ng babae
ang mahabang buhok nito ay natatakpan ang nakayukong mukha nito
inisip niya na baka isang ordinaryong tao ang makakasalubong niya sa panaginip na ito
pero nanghilakbot ako nang sa bawat hibla ng buhok niya ay may tumulo na dugo at nagsimula itong humikbi at umiyak
"gusto mo na ba mamatay?? gusto ito nang kapatid mo eh!" sabi nung babae na parang galing sa hukay ang boses
napa-atras ako nang hakbang at kahit gusto ko tumakbo hindi ko magawa dahil nanginginig ang tuhod ko kaya ang nagawa ko ay dahan dahang umatras lang
napatigil ako nang parang may isang malaking pader ang nasalikuran ko...paglingon ko ay isang madilim na paligid ang nakita ko,kinapa kapa ko ito pero wala na akong madaanan
DEAD END!
yung lang ang pumasok sa isip ko
"wag ka nang tumakbo!!impyerno din naman ang bagsak mo eh!" nanghilakbot ako nang may bumulong sa tenga ko,nanlaki ang mga mata ko at pagharap ko ay isang mukha ng babae ang sumalubong sa akin
wala itong mata!! nagsimula na itong maglabas ng dugo! Pati ang bibig nito na nakanganga ay nilabasan nang iba't-ibang insekto tulad ng ipis butiki langgam butiki at iba pa
nanlalaki na ang mga mata ko at napaluha na ako dahil sa takot na nadarama ko
at higit sa lahat ay si... si ... si ate ang nasaharapan ko!
sinakal niya ako gamit ang isang kamay niya at hinawakan ko ang kamay niya
unti-unti niyang binuksan ang jacket niya gamit pa ang isang kamay,tumambad sa akin ang panloob na damit ng isang babae
at unti-unti may mga hiwa ang na lumabas sa katawan niya at patuloy siya sa pagluha ng dugo at pati ako ay naiyak na
GUSTO KO NA MAGISING~!!!!
sigaw ko sa isip ko
"kasalanan mo ito!!" sigaw niya sa akin
unti-unti ay nalaglag ang jacket niya,hindi ko alam kung papaano pero ang nakita ko na imbis katawan niya ay ang mga buto niya!!
napapikit ako ng mariin at napasigaw at napa-upo ako sa pagkakahiga ko
gising na ako~ sabi ko sa isip at nakadama na ako ng ginhawa
"sorry...i loose control...i didnt mean it..sorry,really am"
napalingon ako sa katabi ko na nagsalita
si kuya Dwight? siya ba ito? nakatakip kasi ang mukha niya ng kamay niya at wala na siyang pang-itaas
"kuya Dwight..." naluluhang sabi ko at hahawakan ko na sana ang pisngi niya pero napatigil ako nang ibaba niya ang kamay niya at ang lumuluhang mukha niya ang tumambad sa akin
lumuluha ng dugo!!!
puro hiwa ang mukha nito
napa-atras ako at naalala ko pala na pader na ang inaatrasan ko
nanginginig na ang buong katawan ko sa takot at mga balahibo ko ay nagsitaasan na
nagsimula narin magkaroon ng mga hiwa sa mukha ko at nagdugo na ang mga ito
pumikit ako nang mariin at napa-upo ako bigla na naghahabol ng hininga at pawis na pawis
totoo na ba ito?
tanong ko sa sarili ko
sinampal ko ang sarili ko at tyaka lumingon sa katabi ko
natutulog si kuya Dwight ng mahimbing at tumingin ako sa bedside table na katabi ni kuya Dwight at alas y sinco na nang umaga
humiga ulit ako pero hindi na ako nakatulog pa
hinintay ko nalang na magising si kuya Dwight
TO BE CONTINUE...
------------
a/n: hello madlang readers.! comment po kayo para malaman ko kung may nagbabasa talaga at kung nagustuhan niyo ito ^^
para po ito kay @justarlo kasi talagang nainspired ako sa mga kababalaghang kwento niya ^^ basahin niyod in po ang mga kwento niya
at sana po ay suportahan niyo itong kwento ko.. baguhan palang po ako sa kababalaghan kaya baka hindi ko pa po kayo gaano matakot
keep supporting,read and comment..kung gusto niyo po mag-vote sige lang po appreciated din po yan hehehe. at kung gusto niyo po mag-follow okay lang din po
arigatou gozaimas!