“ohh I see” sabi ko then lumapit ako sa kanya “ano yang dala-dala mo?” tanong ko sa kanya habang nakatingin doon sa paperbag na hawak hawak ni Dionne. Agad naman niyang itinago ito sa likod niya
“ah w-wala to. Damit lang”
Tinaasan ko siya ng kilay “oh I see”
Tumayo naman si Jake at nilapitan siya. Ipinatong niya ang mga kamay niya sa magkabilang braso ng chimay niya “matulog ka na”
“h-ha? Ah s-sige” yumuko si Dionne at dali daling umalis sa harap namin papasok ng kwarto niya
“tsk” rinig kong sabi ni Jake at dumiretso na rin siya sa kwarto namin. Sinundan ko naman siya
“damit lang ha? If I know pera ang laman ng paperbag na yun” sabi ko habang naka pamewang “hindi halata sa itsura niya, pero feeling ko mukhang pera ang isang yun”
Tinignan naman ako ni Jake “Venus wag ka na makialam dito ok? Ako na bahala sa chimay na yun.”
I rolled my eyes “ok, if you say so. Anyways, I’m tired” sumampa na ko sa kama “matutulog na ko. Paki patay na lang ang ilaw pag matutulog ka na. good night” nagtalukbong na ako ng kumot at pumikit na.
Pinatay naman na ni Jake ang ilaw and maya maya naramdaman ko narin na sumampa siya sa tabi ko. Kaso nagulat ako ng bigla niyang alisin yung kumot sa harap ko at nakita kong nasa ibabaw ko na siya.
“what are you planning to do Jake?” I told him
He just smirk pero unti-unti niyang inilapit ang mukha niya.
Tss, guys. Of course I should expect this to happen. Jake’s still a guy. And no matter how mean and cold hearted he is, he’ still a guy who will fall head over heels on my Goddess-like beauty.
“Venus” he mumbled
“hmm? I know what you’re planning Jake”
An evil grin formed into his face “good. At least hindi na ko mahihirapan sa gagawin ko”
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. I closed my eyes waiting for his lips to touch mine but instead
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong itulak ng malakas kaya nahulog ako sa kama.
“ouch! Why did you do that for?!”
Humiga siya doon sa kama and he spread both his arms and legs in a star fish-like manner.
“hay solo ko na ang kama! Ikaw Venus doon ka sa sofa matulog”
“What?!”
“di ako sanay matulog ng may katabi eh!”
Tumayo ako at hinarap siya “papatulugin mo ko sa sofa?! Are you crazy?!”
Tinignan ako ni Jake then an evil grin form in his face “you should ask that to your self nung gustuhin mong tumira dito. Kung di mo kayang matulog sa sofa edi lumayas ka sa unit ko” after that nag talukbong na siya ng kumot at hindi na ako pinansin pa.
Grrr. Nakakayamot siya! nakakayamot talaga! He’s indeed a devil!!
I grab a pillow and stomp my feet while walking towards the sofa.
[Jake’s POV]
‘Kailangan kong umalis ng maaga dahil may interview ako sa isang morning show. Anyways, I won’t sleep here tonight pero babalik ako kinabukasan. Kasya pa naman siguro ang isa pang kama dyan sa room mo diba? Nag order na ko ng kama, paki antay na lang. And oh tell your chimay na paki duvet ang bed sheets ko.
Venus’
Nilukot ko ang note ni Venus na iniwan niya sa bed side ko atsaka ko ito tinapon sa basurahan. Tss grabe talaga yung babaeng yun, ibang klase ang fighting spirit. Handang mag waldas ng pera at bumili ng kama, sumikat lang lalo. Tss.