A/N:
Dears sa wattpad, teentalk and souersbelle (tagalog romance etc.) lang po ako nag po-post ng mga stories. If ever makita niyo ang story ko na posted sa ibang sites or ibang fb page, paki inform po ako ah? Salamat po! :)
How to prounce the names of my characters
Dionne = Di-yown
Maisie Shaey = Mey-si Shey
***
Chapter 8
*tears*
[Jake’s POV]
“w-wag po! B-bitiwan niyo ko! Bitiwan niyo ko!”
Nasa isang madilim at isolated akong eskinita ng makita kong may apat na lalaking nakapalibot kay Venus.
“haha miss wag ka na kasing pumalag at sumama ka na lang saamin” inamoy nung lalaking mukhang unggoy ang buhok ni Venus “promise mag eenjoy ka”
Nakita ko ang takot sa mukha ni Venus at napaiyak na lang ito “w-wag, please.. wag”
Agad agad akong tumakbo sa kinaroroonan nila at hinatak si Venus palayo sa mga lalaking mukhang unggoy at puno ng bacteria sa katawan. Yuck! Ni hindi ata nila alam ang salitang “alcohol” eh! =__=
“pare ano ginagawa niyo sa girlfriend ko?!” tanong ko doon sa mga lalaki
“g-g-girlfriend mo siya?” nakita ko ang takot sa expression nila “s-sorry di namin alam. Akala namin eh—“
Tinignan ko sila ng masama at alam ko, naiintindihan na nila ang ibig sabihin ng mga tingin na to. Nagsitakbuhan na sila kung saan-saan
“tsk!”
“whoa you’re cool!” lumapit saakin si Rui at inakbayan ako “as expected from you bro!”
Hindi ko siya pinansin, instead hinubad ko yung jacket ko at ipinatong sa mga balikat ng nanginginig na si Venus.
“s-salamat”
I smile at her “no worries. Kung guguluhin ka pa ulit nila sabihin mo lang saakin” I winked then umalis na kami ni Rui.
“Okay CUT!” sigaw nung director “nice one Jake, Venus and Rui. You may rest for a while. Venus, we’ll shoot your next scene”
“yes direk” sagot ni Venus sa kanya
Napapunas ako ng pawis sa noo ko. Nandito kasi kami sa labas ng studio at nag sho-shooting sa may eskinita dito para sa movie at anak ng tokwa naman talaga, napakainit na, napaka baho pa! pinagpapawisan tuloy ako! Badtrip!!
“Japoy” lumapit saakin si Dionne at inabutan ako ng towel, malamig na tubig at alcohol
“tae ang init!” sabi ko sa kanya sabay kuha nung alcohol at lagay nito sa kamay ko
“you’re welcome” sagot naman niya sabay ngiti saakin
Sinimangutan ko siya “namimilosopo ka ba ha?!”
“hmm? Hindi bakit?” tanong niya saakin habang mukhang inosenteng inosente.
Pinagtitripan ba ko nito?! Tss pagod ako isa pa nayayamot ako sa paligid ko, pag ito hindi tumigil, ay naku di ko alam ang pwede ko magawa. =__=
“kunin mo nga yosi ko!” utos ko sa kanya
“yosi? Ano yun?” tanong ni Dionne
Napahilamos naman ako ng mukha gamit ang kamay ko “tang@ ka ba or what?! Hindi mo alam yun?! Yung nilagay ko sa pouch ng bag ko na color red yung case! Sigarilyo!”
“aahhh, yun ba yon?”
“oo yun yon! Kunin mo na!”
“ah tinapon ko na yun eh” ^__^
“HA?! TINAPON MO NA?! BAKIT MO TINAPON?!” anak ng pagong! Ano ba tong chimay na to!!