J

4 0 0
                                    

Maganda ang gabi at masaya ang anyo ng liwasan. Punong puni ang perta ng mga taong nais maglibang at samantalahin ang masarap na simoy ng hangin at maningning na buwan ng enero . Sa gitna ng lahat , palakad lakad ang makapal na tao na nagkakatulakan, nagkakabungguan, at nagkakauntugan dahil nakalingon sa mga tindahan .
(Lalabas si padre camorra iikot ikot kunware kasama si ben zayb , padre salvi pati si simoun ) ( may lalabas na babae) ( si padre salvi may babanggaing babae tas kikindatan)
Ben zayb : punyales ! Kailan kaya ako magiging kura sa quiapo?
(Biglang kinurot si ben zayb ni padre camorra ) ( dadaan si paulita gomez kasama si isagani nasa likod si donya victorina )
Magara ang suot ni paulita gomez . Kung kayat hindi nasisiyahan si isagani . Nauayamit siya sa ganoong karaming matang nakatanaw sa kagandahan ng kanyang iniibig.
Donya victorina: lumapit ka lang sakin paulita , maraming lalaki baka mabastos ka
Paulita : opo tiya , nagagandahan lamang ako sa mga tanawin
Padre camorra: kay gandang dalaga !
Ben zayb: padre camorra , kurutin nyo ang inyong tiyan at hayaan na lang kame .
Padre camorra: kay gandang dalaga! At nobyo nya ay estudyante  kong kumalaban sakin. Maswerte siya at hindi sya sakop ng parokya ko !
(Patuloy sa pag lalakad si paulita)
Habang umiikot ikot ang mga padre ay nagyayaan silang pumunta sa tanghalan ni ginoong leeds. ( lakad lakad sabay alis si simoun) (may dadaan )
Ben zayb : ang instik na pigurang iyan ay si quiroga. Ngunit kung titingnan mabuti ay nahahawig nya si padre irene . At anong masasabi nyo sa indiong ingles na iyan ? Kahawig ni simoun
(Padre irene hinaplos ang ilong)
Padre irene : tama ! Siya nga , pero asaan nga ba si simoun?
Padre camorra: punyales! Napaka kuripot na amerikano! Natatakot na pabayaran natin sa kanya ang tiket
ng lahat sa pagpasok sa tanghalan ni ginoong leeds.
Ben zayb: hindi baka natakot na matuklasan natin ang lihim ng kanyang kaibigan si mr. Leeds. Dahil makikita nyo lamang ang lahat sa salamin lamang.
Padre camorra : siguro nga
Isa isa silang nag bayad at pumasok na sa loob ng tanghalan ni ginoong leeds at napaka dilim sa loob , nag pwestuhan na ang mga padre . (Lalabas si leeds)
Leeds: narito ang kahon na nakuha ko sa piramid ni khufu, isang paraon ng ehipto. Sa pag bigkas ko ay lalabas ang ulo at siya daw si imuthis. Domerof ! (Lalabas ang ulo)
(record)
Imuthis : ako si imuthis , pinanganak ako sa panahon ni amasis at pinatay ako ng kasalukuyang nakasasakop sa persya, ako ay nag tapos ng pag aaral noon . Umibig ako sa isang dalagang anak ng isang pari . May gusto rin sa kanya ang batang pari sa abydos kaya gumawa ito ng plano para madawit sa gulo ang aking pangalan. Ginamit nya ang ilang sulat ko sa aking minamahal. Isinakdal akong taksil, ipinapiit , at dahil akoy nakatakas ay napatay ako sa lawa ng moeris ng mga umuusig. Mula sa ilamin ng lupa , nakita ko syang pinagtatangkaan at dinarahas, puno ng takot at paghihirap. Muli akong nabuhay ata ihayag ang iyong mga kataksilan. Makaraan ang mahabang panahon , tinatawag kitang mamamatay tao , lapastangan sa diyos at mapagparatang! Babalikan kita . Mag handa ka na .
Nanginginig si padre salvi at hindi makapag salita ng maayos.
Padre irene: anong nangyayare sa inyo padre salvi? Masama ba ang inyong pakiramdam?
Imuthis: mamamatay tao! Mapagparatang! Lapastangan sa diyos!  Isinusuplong kita . Mamamatay tao! Mamamatay tao! Mamamatay tao!
(Bago mahimatay si padre salvi)
Padre salvi: mahabag. Buhay pa (mahihimatay)
Padre irene : sinabi ko na nga sa kanyang huwag kainin ang sopas na pugad ng langay langay
Don custudio: wala sa nakain , palagay koy ngayuma siya ng pagtitig nang mabuti sa kanya ng ulo.
(Aalis si ginoong leeds)
Nagkagulo na sa silid , waring ospital o lugar ng kabanan . Tila patay si padre salvi . Nang makita naman ng mga babaeng hindi sila pinapansin ay nag pasyang magbalik diwa
Don custudio : ipagbabawal ko na ang mga gantong klaseng tanghalan .
Nang matapos ang tanghalan kinabukasan ay nawala na si ginoong leeds nalaman na lang pumunta itong hongkong dala ang kanyang lihim

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

VWhere stories live. Discover now