SA BAHAGING IYON ng mall ay na-refresh ang pakiramdam ni Ken, pakiwari nya ay nasa ibang dimension sya ng mundo habang kasama ang kanyang pinakamamahal na hawak ang kanyang kamay na naglalakbay.
Biglang nagising sya sa kanyang pagpapantasya ng bitawan nito ang kanyang kamay. Animo'y nagbalik sya sa kanyang mundo at nahulog sa kama habang natutulog. Ouch!
"Ano bang problem mo?" Irita niyang tanong rito.
"Huh? Problema? Madami. Pera, pamilya, pag-ibig, tulad ng iba." Sabay kibit-balikat, "Bakit?"
"Hmm.. pareho pala tayo." Gusto sana nyang magalit dito dahil binitiwan sya nito pero naisip nyang may dahilan naman iyon. "Ex mo yong Allysa?" aniya, "Kabe-break nyo lang?" sunod-sunod na tanong ni Ken.
"Oo," sagot lang ni Li
Natahimik lang si Ken, di nya alam kung para saan doon ang "Oo" nito. Napako naman ang tingin nya sandali sa mga nagkukumpulang mga tao sa bahaging iyon ng mall.
"Anong meron?" tanong ni Li sa dumaang babae sa harap nila.
"May promo kasi ng bagong cellphone dyan, couple daw ang mga kasali." Anito tapos umalis na.
"Sali tayo?" sabay hila kay Ken papunta sa bahaging iyon.
"Sino pa ang sasali? Bagong cellphone ang magiging premyo nito at dapat couple ang mga participant." Ang bakla na namamahala sa palarong iyon.
"Kami!" tinaas ni Li ang kamay nya para mapansin ng promodizer.
Pinapunta sila sa harap kasama ang lima pang mga participant sa palarong iyon. Hindi alam ni Ken kung ano ang mangyayari doon pero masaya sya sa kanilang ginagawa. Kilig na kilig naman ang mga nakapalibot sa kanila.
"Ganito ang mechanics ng game, kung kayo ang mananalo sa 3 rounds na game natin kayo na ang mag-uuwi ng bagong cellphone na ito." Ipinakita nito ang cellphone.
Nagningning naman ang mga mata ni Ken sa ganda ng bagong cellphone na ipinakita ng promodizer. Android iyon at matagal na nyang gustong magkaroon niyon, matagal na rin kasi syang nagtitiis sa cellphone nyang panahon pa yata ni Jose Rizal.
"Okay." Ani Li na natutuwa sa reaksyon ni Ken ng makita ang cellphone.
"Kailangan manalo tayo huh." Sumamo nya kay Li.
Nang magsimula ang laro ay naramdaman nya ang saya na tila ba noon lang nya naranasan.
Ginawa nila ang lahat para manalo sa mga challenges at natutuwa siya sa reaksyon ng babeng kasama dahil talagang gustong-gusto nitong manalo sila.
Nanalo sila sa 2 rounds ng game, pero paano yon ang next challenge ay patagalan ng halik?
Gusto ng umatras ng kaluluwa ni Ken ng e-announce ng promodizer ang mechanics ng last round ng laro. Pero tila pinagkanulo naman sya ng kanyang katawan na ayaw makisama sa kanyang utak na nagsasabing umalis na sila doon.
"Wala na bang mas mahirap pa dyan?" ngiteng pagmamayabang ni Li.
Hiyawan ang mga nakapalibot sa kanila.
"Uy huh, get ready. In the count of three, your timer starts at 1... 2... 3... Go!"
Gustong magsilabasan ng kanyang kaluluwa, espiritu at kahit ang kanyang mga bituka ng marinig ang signal na iyon. Lalo na ng maglapat ang kanilang mga labi ni Li, pakiramdam nya ay mamamatay na sya sa mga oras na iyon at nakikita na nya ang mapuputing ulap ng kalangitan.
Hito nanaman ang pakiramadam na naramdaman nya ng paakyat sila kanina roon yong parang nasa alapaap sya tapos biglang babagsak sa lupa dahil panaginip lang pala.
BINABASA MO ANG
Perfect TWO
RandomNasaktan si Ken sa pagtataksil na ginawa ng bestfriend nya sa kanya at ng boyfriend kaya nasabi nyang hindi na sya muling papasok sa isang relasyon, sapat ng nasaktan sya ng isang beses at ayaw na nyang umulit pa. Brokenhearted si Leewayne "Li" mata...