Tanghali na nang magising ako dahilan ng first absent ko.. Hahaha!
"Hoy! Bihis na!" inirapan ko lang si Ian.
"Ayokong pumasok ngayon." pagtataray ko.
"At bakit?!"
"1pm na. Late na 'ko." sabi ko sabay turo sa wall clock na nakasabit malapit sa pinto ng kwarto ko.
"Edi maligo ka na't magbihis. Arcade muna ako, sina Zea andun sa sala." tumango ako tsaka pumasok sa banyo.
*****
Lumabas na 'ko ng kwarto at dumiretso sa kusina. Kumuha lang ako ng makakain tsaka tumabi sa dalawang paslit sa sofa.
"Ang late mong nagising ate!" hinalikan ko lang sa noo si Zea at Angelah.
"Antok ka pa po?" tanong ni Angelah.
"No, baby. Masakit lang 'yong likod ko." ngumiti naman siya tsaka humiga. Pinatong niya ang ulo niya sa kandungan ko pati na rin si Zea.
Tumingin ako sa tv at .......... O.O
"Barbie !?" sabay naman silang tumawa.
"Kanina ka pa nakaupo ate, ngayong mo lang napansin?" patawa-tawang sambit ni Zea.
"Ewan hahaha! Quiet na manood na lang tayo." sabi ko.
----------L💔VE----------
"Insan, gumising ka na nga! Pasado alas sais na ng gabi, tulog mantika ka pa rin!" napabalikwas ako ng bangon. Tiningnan ko ng masama si Ian.
"Oh? Kasalanan ko na naman? Pasalamat ka nga ginising kita kundi kanina ka pa nahulog dyan sa sofa." umirap lang ako tsaka tumayo. Pumunta ako sa dining area tsaka nagsimula ng kumain.
"Uuwi ako bukas sa bahay." sambit ko sa gitna ng kainan.
"Ano kamo?" tanong ni Ian.
"Hindi ako papasok." sabi ko.
"Na naman ba?" tumango lang ako.
"Sama nalang kami." tumango ulit ako tsaka dinala ang pinagkainan sa hugasan.
Umakyat na 'ko sa kwarto tsaka kinuha ang cellphone. Tinawagan ko si Leigh.
[Buhay ka pa pala? Hahah! Blema mo?] napairap ako.
"Anong na-miss ko?" tanong ko.
[Ako, yata? Hahah!]
"Pag ikaw hindi sumagot ng maayos, sisiguraduhin kong nasa kabao ka na bukas."
[Haha! Oo na! Ano?]
"Hindi ako papasok bukas."
[Na naman?!] ingay ng bunganga nito.
"Bingi ka ba!?" sigaw ko pabalik.
[Hindi. Hehehe... sorry na.] napairap ulit ako.
[Alam mo kahit hindi kita nakikita, alam kong irap ka ng irap dyan. Hahaha!]
"Paki mo ba?!"
[Wala. Hahaha! Bakit hindi ka na naman ba papasok bukas?]
"Uuwi ako sa amin."
[Ganon? Sa kabilang baryo lang naman 'yon diba?]
"O, bakit?"
[Kailangan ba talagang whole day absent ka bukas?]
"Miss ko na sila bes." sht. iiyak na naman ako nito.
YOU ARE READING
A Dim Love (Sequel Of Diary Confessions)
Teen Fiction"Just for once, I wanna be someone's first choice." Bakit gano'n? Bakit palagi akong talo sa pag-ibig? Bakit ako ang palaging bigo? Bakit ako ang nasasaktan ng sobra? Wala na ba akong panahong magpakasaya sa buhay? Sa buhay pag-ibig ko? Palagi na...