"ITO na ba 'yon?"
Tumango si Check habang nakatingin sa envelope na inabot niya kay Yohan. "Oo."
"Thanks, Check." pasasalamat ni Yohan. "Inaantay na 'to ni Frank."
"Yohan, ano ba ang laman n'yan? Paraan saan 'yan?" tanong ni Check.
Nginitian ni Yohan si Check. "I don't exactly know what's inside of this envelope pero once na mai-forward ko na ito kay Frank... alam kong makakagawa ng mabuti si Kuya dahil may maling gawain na mahihinto."
Ngumuso si Check. "Makakagawa siya ng mabuti dahil may maling gawain na mahihinto?" iginilid ni Check ang kanyang mga mata. "Hindi ko maintindihan."
Muling ngumiti si Yohan. "You'll be proud of him."
Kahit hindi maarok ng kanyang isipan ang sinabi ni Yohan ay ngumiti na lang si Check dahil pakiramdam niya ay maganda ang ibig noong sabihin. Nagpaalam na si Yohan sa kanya para maibigay na nito kay Frank yung envelope na galing kay Bright.
"Gusto mo bang ihatid na kita pauwi? Idadaan na kita sa inyo." ani Yohan pagkasakay nito sa motorbike nito.
"No thanks, i can management to home." nag-thumbsup si Check.
Nakangiting isinuot na ni Yohan ang helmet nito. "Come on, 'wag ka ng tumanggi."
"I repeats, i can management... i go bus."
"Okay, take care... be safe." ani Yohan at saka isinara na ang cover ng helmet nito.
Binuhay na ni Yohan ang makina ng motorbike nito. Tumingin muna si Yohan kay Check pagkatapos ay tumango ito bilang pagpapaalam. Nang paalis na si Yohan ay tinawag itong bigla ni Check, huminto si Yohan at saka ito luminga.
"Ako ang bahala sa inyo ni Pakner."
Hindi nakita ni Check ang reaksyon ni Yohan dahil nakasuot ito ng helmet, pero bumakas ang ngiti sa labi nito dahil sa kanyang sinabi.
Nang makaalis na si Yohan ay masayang naglakad na si Check para lumabas ng Prime University. Habang tumatawid papunta sa kabilang kalsada ay hindi mapigilan ni Check na mapangiti nang maalala niya ang ginawang pagdalaw ni Bright sa kanya kagabi. Gayon pa man ay hindi niya nakakaligtaan na kailangan niyang tutukan ang ginagawa niyang pagtawid.
Nagulat si Check nang makita niya ang parating na puting kotse. Masyadong mabilis ang pagpapatakbo noon. Nanlaki ang mga mata niya nang makita niya na halos mabundol na siya nung kotse. Gahibla na lang kasi ang layo noon sa kanya bago iyon nai-preno nung driver.
BINABASA MO ANG
MS.RIGHT 2
Teen FictionHighest Rank - #2 in Teen Fiction (12/31/2016) •Ms.Right (Book 2)• Life goes on... at ito ang kasunod na pahina ng buhay ni Check. (THIS IS UNEDITED)